Monday, March 29, 2010

summer

grabe bakasyon na nga. yey.




i can feel the summer heat... wohoo.



sana walang bagsak :D

Friday, March 19, 2010

ipis man

ang ipis.

ibang iba ang ipis kumpara sa ibang mga insekto. pano kasi, ang ipis ang pinaka astigin at pinakalalaki sa lahat. sa pangalan pa nga lang eh. "cockroach", super masculine na. may pakpak, may antena, may malaki, may sobrang laki, at higit sa lahat, tinitilian daw ng kahit na sino (sabi sa text).



eh bakit nga ba ipis ang pinaguusapan natin dito?



dahil may nakita akong mukang ipis. oo, tama ang 'yong nabasa. MUKANG IPIS talaga.

ilang beses na akong nakakita ng ipis. natural. sa lahat ng lugar kahit sa malacanang eh may ipis.dito nga sa espanya, manila eh sandamakmak na ipis na ang gumigimik kapag gabi. kaya naman sa tuwing nakakakita ako ng ipis may napapansin ako. pansin kong maliit ang kanilang ulo at malaki naman ang kanilang katawan. hindi proportional ika nga. kung sa tao yan, ang panget tingnan. ang liit ng ulo pero ang katawan eh mala-batista at mala-the rock.

'yan nga ang nakita ko kanina. habang papunta kami sa felix court sa may central market, eh nadaanan namin ang isang gym. puros mga maskulados. ang lalaki ng mga katawan, matitipuno pero "what da", ang liit ng ulo. mapapamura ka talaga lalo na kung takot ka sa ipis!!!!! pakpak nalang ang kulang "cockroach" na.


kaya sa mga magpapalaki/magpapaganda ng katawan, iconsider nyo kung gano kalaki ang ulo n'yo. para sa huli, hindi kayo magmukang ipis. at sa mga babae naman, para hindi kayo magmukang hipon. haha.

Sunday, March 14, 2010

knick knacks daw!!!

usong uso na ngayon ang mga knock knock jokes. kaya naman balot na balot na sa kakornihan ang buong UST Faculty of Engineering, pero may isang tao na hindi nakakaalam kung ano ang knock knock jokes...



ang nangyari (january 2010 pa 'to)...



dionglay: tienzo, tienzo.. knock knock!!


tienzo (seryoso): ha???


dionglay: sabi ko knock knock...


tienzo: ahhh... O sige KNICK KNACKS!!





what da!!!!

Saturday, March 13, 2010

lintik na pormula!

ang malas malas malas ko naman nung isang araw. mantakin mong bumagsak ako sa quiz nang dahil sa isang simpleng formula.


L=NP


kaya naman kahapon. todo super mega duper aral ako para sa thermodynamics na siyang exam namin kanina.









sana magbunga ang 9pm-3am na pagsusunog!!!!!!

march 11

belated happy birthday to me hahahaha