Tuesday, June 30, 2009

con...as-whole

isa pang post, trip trip haha.


bigla lang din pumasok sa isip ko, at kahit na maiksi lang ito... go lang. pandag dag din yan. hehe







"Patalsikin si..."





ang lakas lakas ng sigawan kanina, palibhasa may nagrarally...






...hindi tuloy ako nakapagconcentrate sa aking pangongopya haay.

tatlong tuldok (...)

it's time to make a change. mukang wala na talaga kaya hindi ko na ipagpipilitan. waa. matagal tagal na rin. pero hindi nakakamiss, talagang biglang pumasok lang sa isip ko ngayon at nagkataon naman na may nasagap akong signal ng internet. bakit ganon?

dati rati, nakakainis. nakakainis kasi luluwas na naman, matagal na naman akong malalayo. hanggang sa text nalang ulit, hanggang sa chat tapos wala na ulit. kahit isang oras palang, nakakamiss na talaga. pero ngayon hindi na, parang nawala na. hinding hinding hinding hinding hindi na talaga katulad ng dati.

anyways, masayang kausap pala ang lola ko, kahit na siya ay may alzaymers disease (nanlumo ako sa spelling), hindi ako naiinis kahit na paulit ulit siya ng sinasabi, kahit na sinabi nyang pamangkin nya ako, kahit na inakala niyang ampon kami, kahit na inakala niyang step mom namin ang tunay naming ina at kahit na gustong gusto na niyang bumalik sa mindanao.

ngayon nasa mindanao na ang aking lola. hindi man lang ako nakasama sa paghahatid sa kanila sa airport (syempre may kasama si lola, si auntie banini), pero kahit na ganun, may iniwan naman si lola na isang nakakatuwang remembrance. isang da best na remembrance.

(si lola habang nkapose, bagets)

heto ang masayang trip ni lola, isang matinding picture taking. LOL

-balikat ng kapatid ko ang nasa gilid. umextra.

Tuesday, June 9, 2009

Ako si Kuya

nagdurugo ang puso ko sa tuwing napagkakamalan akong pangalawa, well actually, ako naman talaga ang panguna. panganay ako sa dalawa kong kapatid, pero hindi halata.

dahil sa mga sumusunod:

-mas malaki sa akin si Bimbo
-ako ang pinakamaingay sa bahay

at higit sa lahat (aaminin ko na)

-ako ay baby face

pero hindi ko naman dapat itanggi na ako ang panganay, siyempre. talagang napagkakamalan lang ako. tulad nalang nung linggo. pauwi na kaming magkakapamilya galing simbahan nang biglang nagkita sila mama at ang kanyang mga kaibigan. syempre ipinakilala kami, at talagang na-stun ang lahat ng malamang ako ang kuya. mahirap talaga pag baby face.

ako ang pinakamaingay sa bahay. parang bunso kung kumilos pero hindi naman ako nagpapansin. kahit na wala namang ginagawa sa akin si bunso eh talagang hindi ko...as in hinding hindi ko mapigilang pisilin ang kanyang pisngi. matatabang pisngi. ayan tuloy muka na syang bulldog (joke). pero hindi ko naman sinasadya.

pero buti nalang ako si kuya, kasi sa huli, sa akin pa rin sila nagpapaturo ng mga hindi nila alam. atleast ako pa rin ang nangingibabaw >:) hindi naman sa pagmamayabang, lahat kami matalino pero mas marami akong alam keysa kanila at.....masaya rin naman ang mapagkamalang pangalawa kasi ibig sabihin muka akong bata. :D