Monday, December 22, 2008

ano kayang kakainin namin sa noche buena?

hmmm, hindi pa rin ako umuuwi ng laguna...pero sigurado namang sa laguna ako magpapasko. habang nagaabang ng message ng mama ko....

naisip ko kung ano kayang kakainin namin sa noche buena???? hmmmm.... katulad kaya ng dati??
-ang walang kamatayang spaghetti o kea palabok???...
-ang walang sawang fruit salad/buko salad???...
-ang walang katapusang fried chicken o kea lumpia???...
-ang walang katigilang gulaman at rolls???...

at ang..

-pampahaba raw ng buhay...panchit.

hahaaaay, nakakagutom tuloy..

napaisip tuloy ako kung may bago kaya??? hmmmm tulad ng...
Cuban Pork with Pineapple



ang sarap diba? OMG, lalo tuloy akong naglalaway... hmmmmm....

mayroon rin kayang.....

Baked Goat Cheese and Roasted Winter Squash over Garlicky Fettuccine


ano natatakam na ba kayo?????.... ang sarap sarap diba??? mahaba nga lang ang naipangalan haha..

---------------------------------------------


dionglay: waiter pa-order naman ako ng "Baked Goat Cheese and Roasted Winter Squash over Garlicky Fettuccine"


waiter: (tigang)

---------------------------------------------

ang saya din kung mayroon kang pamalit sa rolls tulad ng....

Tiger Cake




hindi ko alam kung bakit tiger cake ang itinawag jan pero tingnan mo naman... tingin pa lang sobrang sarap.. hmmm...

mas masaya rin kung maging iba naman tayo... wag naman softdrinks... subukan natin ang...

Mitchell Peppertree Shiraz 1998

--------------------------------------------------
wow, ibang klaseng christmas eve kung ganyan ang handa nyo... diba? pero wala ng mas sasaya pa at sasarap pa kung KOMPLETO ANG PAMILYA SA ARAW NG PASKO....

--------------------------------------------------

ang tagal naman dumating ng message ng mama ko.. makakauwi pa kaya ako sa laguna.. abangan :D

Sunday, December 21, 2008

ang tula ay ang 2-8

ang tula ay si Edward, si Bren at si Barreto

si Ciolo si Maricar at si Divino

si Ivan, si Ching at si Wiggy

si Gab, si Ong at si Peggy

ang tula ay si Derwin, si Reinhold at si Kenneth

si Ruben si Ireleen at si Jaycibeth

si Ayrton si Alec at si Sancho

si Homer si Recee at si Pancho

ang tula ay si Joshua si Eli at si Meo

si Avis si Rafael at si Leo

si Patrick si Cierine at si Jackie

si Orly si Vincent at si Billy

ang tula ay si Errol si Eunice at si Gian

si Jared si Michael at si Rayyan

si DIONGLAY ay wag nating kalimutan

ang nagiisang crush ng bayan! (hahaha..pagbigyan nyo na)


---------------------------------

nakuha ang idea kay maam veridiano

pinakamahusay kong guro..

para sa asignaturang filipino..
---------------------------------

sana wala akong nakalimutan.....

Saturday, December 20, 2008

She...

She

May be the face I can' t forget

A trace of pleasure or regret

May be my treasure or the price I have to pay

She may be the song that Solomon sings

May be the chill that autumn brings

May be a hundred tearful things

Within the measure of the day

She

May be the beauty or the beast

May be the famine or the feast

May turn each day into heaven or a hell

She may be the mirror of my dream

A smile reflected in a stream

She may not be what she may seem

Inside, a shell

She

Who always seems so happy to the crowd

Whose eyes can be so private and so proud

No one' s allowed to see them when they cry

She may be the love that can and hope to last

May come to me from shadows of the past

That I remember till the day I die

She

May be the reason I survived

The why and where for I' m alive

The one I' ll care for through the rough and rainy years

Me I' ll take her laughter and her tears

And make them all my souvenirs

For where she goes I got to be

The meaning of my life is...

She........

---------------------

...till we meet again

Wednesday, December 17, 2008

Dahil Over ako sa Tulog, Adik na naman ako ngayon

dionglay: sir bukas ko nalang po ito ipapamigay ha. sige po, goodbye sir

sir viloria: o sige DIUNGLAI!!!!

(kilala ba talaga ako si sir? :D)

--------------------

nasagutan ko lahat ang mga tanong sa first quiz kanina sa computer, sana lang pumasa. kaya lang may sigurado na akong mali. hehehe. kasi hindi ko naintindihan ang tanong.

after ng quiz, siyempre lunch break na. hindi ko maintindihan kung may sakit ba ako o wala basta ang alam ko tahimik ako kanina at hindi ganon kaingay tulad ng dati. may iba talaga..

patalastas: hindi pa rin bumabalik sa dati ang boses ko

naisipan rin naming kumain, para maiba naman hindi na kami sa Noda's Cuisine former mashpo kumain... doon naman kami sa Fire Up The Grill former orange tsumibog. katulad ng dati, porkchop (pause)..sizzling porckchop ang da'best sa kanila. para ka lang namang nasa langit kapag natikman mo iyon.

howwwkeey, dumating noon sila mark at nagmistulang B.I. siya dahil naisipang magDOTA ng grupo maliban sa akin..siyempre kahit anong pilit nyo hindi ako maglalaro :D pero sumama pa rin ako sa kanila kasi naman ayaw ko pang umuwi..


sige lakad....lakad....lang ng lakad....sige lakad....lakad lang ng lakad


nakarating na pala kami sa AMS. tama ba? sorry di ko alam. hehe. noob ako pagdating sa mga ganyan e. nandon din ang iba pa naming klasmeyts... dahil sa wala akong magawa pinanuod ko sila isa isa (bago ako makatulog)...

kalokohan version:

ivan- MOGUL KHAN

pinili ni ayban si mogul na pangalan pa lang ay muka ng ewan at hindi ako nagkamali hehe. tiningnan ko ang mga picture nya at binasa ko rin ang kanyang background story. ngayon nalaman ko na isa pala siyang leader ng mga Half-Tribe of the Bloodied Axe Clan: mogul khan. ang akala ko nung una leader ng isang dynasty.

recee- YURNERO

yurnero! parang naubusan ng maipapangalan ang nagimbento sa kanya. siguro si yurnero ay isang frustrated entertainer sa japan.

mark- DEMNOK LANNIK

demnok lannik. watta beautiful name. pinili ba ni mark dahil ba sa kamuka nya ito?

homer- MIRANA NIGHTSHADE

kumpara sa kanyang mga co-sentinels siya ang pinakasosi dahil lagi nyang kasama ang alaga niyang tigre na si whitey. sa hirap at ginhawa..nagtutulungan sila.

gab k.- BARATHRUM

si barathrum ay isang barat na mamayan. itinakwil. at dahil doon ipinagbenta niya ang kanyang sarili sa isang demonyo at ginawa siyang halimaw. natuwa naman siya sa resulta. ayan siya o, akala nyo lang nakasimangot pero nakangiti talaga siya at nagsasabing merry christmas.

vincent- PUCK

wow, PUCK, ang gandang pangalan. isang subliminal name ng isang monster na pinili ni vincent. bakit kaya ito ang pinili ni vincent? dahil ba sa skills o sa pangalan? hehe

gian- ROOFTRELLEN

siya ay dating isang narra tree, tagahigop talaga siya ng baha e..kea lang pinutol siya ng mga illegal loggers dito sa pilipinas. kaya ayun tuwang tuwa si bagyong winnnie sa panghahagupit.

edward- KEL'THUZAD

si kel'thuzad ang pinili ni aguda, edward. parang tinamad rin magpangalan ang nagimbento dito. siya pala talaga ay patay na pero pasalamat siya sa isang lich king dahil binuhay pa siya.

orly- DARKTERROR

si darkterror ang kinakatakutan ng mga kabataan t'wing gabi. hindi talaga siya tall dark and handsome.. siya talaga isang tall blue and faceless....void... dati palang tao ang malapusit na halimaw na ito.

--------------
pagkatpos kong tingnan ang bawat laro nila, nakaramdam na naman ako ng antok. at hindi ko na napigilang makatulog. pagkagising ko, naglalaro pa rin sila....
--------------
sa totoo lang isa akong taong walang magawa. haha.

Dahil
over ako sa
tulog....
adik na naman ako ngayon.

ang tanong: anong ibig sabihin ng D.O.T.A.?

siret????...

ang sagot: Defenders Of the Asshole

zzzZZZZZzzzzzzzZZZzzzzz....

Monday, December 15, 2008

the thirteenth rose

"just like the butterfly I too will awaken in my own time..."

-deborah chaskin
tradisyon na talaga ng mga pilipino ang debut.. diba? (wala lang, pang-intro lang)
isang masayang araw at gabi ang naganap kahapon (dec14-08)... isang special day para sa amin friend na si recee.. december 13 ang tunay na birthday at cinelebrate kahapon.
PART1: THE THICK
maaga akong nagising para maihanda ko na din ang aking mga dadalhin (damit, laptop, long sleeves), nag-ayos at nagpaload... usapan namin ni mark na 2pm kami magkikita sa jollibee.. tapos before 2:30 daw ay dapat nakila recee na...
ilang minuto nakalipas... ayan na, halos sabay kaming dumating ni mark sa jollibee, balak ko pa sana nung kumain kasi di pa ako noon naglulunch.. pero dahil sa sabi ni recee na dapat daw ay before 2:30 ay nandun na, hindi na lang ako kumain...
the thicks:
-ako daw(DAW)-ang first blood sa pagkuha ng juice at sandwich kasi ako lang ang inaalok ni ate jack na pinagkamalan pang ako si bea
-mark (isasama kita)-complement
-avis-naglalaro ng dota sa kwarto ni recee, siya lang magisa at walang kasamang iba, dumating sa bahay ni recee ng mga 1pm plang
-andrea (the most haha peace)- pumasok na lang sa bahay ng basta basta, hahaha pero ayon naman sakanya, si recee daw ang nagsabi (via phone) na basta pumasok nlng siya basta sa bahay.
dumating din si alec pero hindi siya kasama sa grupong the thick kasi huli na siyang dumating..
hehe....
PART2: THE EXPOSE
nakaalis kami ng bahay ni recee ng pasado 3pm na... as usual nasunod na naman ang filipino time. hehe, pero may reason naman, at katanggap tanggap naman... nagsamba pa kasi si recee... (iglesia ang relihiyon ni recee)
sa bayview park hotel ginanap ang debut, sosyalen ang lugar at talagang pampormal. hindi maikakailang sobrang importante ang magaganap..
pagdating namin sa bayview, doon muna kami nanatili sa rm415 sa 4th floor. naabutan namin doon ang H.S friends ni recee... at ang dalawang ate na sina ate sitting pretty 1 at si ate sitting pretty 2.. nanunuod sila ng tv (my only hope), at nakipanuod din ako sa kanila..
nakiupo ako sa sofa at nagfeeling close kila ate sitting pretty 1 and 2. sila mark at alec naman ay walang sawang nagaadhoc, at si avis naman ay hiniram ang aking laptop at nagsolitaire. ako diretso lang sa panunuod... biglang dumating ang mga fotographers at sinabing magpipictorial daw muna kami sa may baywalk...na ang attire ay ung mismong isusuot namin para sa debut...
una munang nagpapictyur pictyur sa kwarto.. gumawa kami ng setup sa living room na kunwari ay mananalo na ung favorite team namin sa basketball, sisigaw na kami at tatalon sa saya ng biglang ililipat ng isang actor ang channel... at sabay pipictyuran kami...
pagkatapos ng acting session, ay nagpunta na kami sa baywalk, nauna ako kasama si avis at ang debutante... pati na rin ang mga fotographers... nagmistulan kaming mga celebrity dahil nakatingin ang mga tao sa amin, at may isang foreigner pa na pinicturan kami ni recee. panu ba naman nakaformal kami... expose na expose kami...
ilang minuto lang, sumunod na ang iba pang kasangkot, umarte kami at sabay pipictyuran...
ilang mga ginawa habang nakaformal dress sa baywalk:
-tumambay sa gilid ng dagat
-kumain ng mangga na may bagoong
-at bumili ng popcorn
tapos na ang pictorial. umuna ang mga hs friends ni recee na bumalik sa bayview, at kaming 4 nila kuya potographrer named jun yata, ako, mark, at alec... ay naiwan at magtataxi nlng daw pauwi... kea lang walang gustong magpasakay sa amin kaya wala ng nagdalawang isip na maglakad pabalik.... isang napakalaking expose...
PART3: THE MAIN EVENT
pagpapawisan daw kami kapag kami ay naglakad, pero dumating kami doon ng tuyo at walang kapawis pawis.. pumasok kami ng hotel at naramdaman muli ang lamig, sobrang lamig.
dumiretso na kami sa 10th floor kung saan doon nga gaganapin ang okasyon. marami rami na rin ang mga taong naroon at pormal na pormal ang mga suot. bago makapasok ay nagpareg muna kami.. isa ako sa mga 18 roses at ako ang pang labing tatlo.. masaya ako dahil naging isa ako sa mga participantes ng okasyong iyon.
bago tawagin ang bida ay ipinapanuod muna sa amin ang isang special video.. nakalgay sa video na iyon ang mga pics simula ng bata pa si recee hanggang sa paglaki niya... nandun din ang mga nagbigay ng messages nila para kay recee...
after that, tinawag na ang debutante... masaya si recee at kitang kita naman un sa kanyang mga mata..
mga naganap:
-may nagbreakdance na waiter. special number daw un. :D
-18 candles-kung saan kasama si jackie
-18 roses - kasama kami nila ayban, homer, mark, alec, ciolo, avis, ronald..thirteenth rose ako, sayang at hindi isasayaw ang bida, basta iaabot mo lang ang rose at bebeso, pipila at iinom ng wine.
-18 symbolic gifts
-at siyempre hindi mawawala ang buffet style dinner.
PART4: LAST BUT CERTAINLY NOT THE LEAST
masayang natapos ang party, maraming souvenir photos kasama ang debutant.... pero pagkatapos ng party hindi muna kami agad lumabas ng hall (hall nga ba ang tawag dun?), nagpicture picture muna kami at konting kasiyahan... marami kaming natira, sa katunayan dalwang grupo: ang grupo ni malakas (college friends ni recee) at ang grupo ni maganda (hs friends ni recee)
kami ay puro lalake at sila ay puro babae kaya naman may nagrequest na ang ipatugtuog ay ang mga alam mo na, mga pampakilig to the bones.. mahiyain kaming boys kaya nagtagal ng konti bago pa makapili ng maisasayaw... at ako naman ang huling pumili sa kanila at pinili ko ang kaunaunahan kong nakita (sa mga hs friends ni recee) simula ng dumating kami sa rm 415.
sa lahat, siya lang ang pinakanaaalala kong pangalan... pagkatapos ko siyang isayaw hindi ko alam kung bakit ako biglang nanahimik... ewan ko ba. :D
after ng kilig moments na yon, bumalik na kami sa kwarto at doon tinuloy ang kasiyahan, nagkakilanlanan sa pamamagitan ng truth or consequence... may nakabunot sa akin at saktong ang nakabunot sa akin ay ung isinayaw ko... haha... at nagulat ako roon...
"hindi ko alam kung nanaginip ba ako"
--------------------------------------------
sa kabuuan, masaya talaga ang debut ni recee, may nakilala ako at nagkaroon pa ng bonding moments... doon nga pla kami sa hotel natulog (ako, avis, alec, homer, gerald, ronald, jaki, recee, eunice, andrea) pero sa totoo lang, 2 hours lang ako nakatulog dahil nga sa nagkakwentuhan pa kami at kumain pa ng cake...
kanina lang kami nakauwi mga quarter to 11am...
--------------------------------------------
wala pa akong tulog...

Saturday, December 13, 2008

alam mo bang araw araw kitang iniisip...

tumambay man sa may hagdan ng simbahan...

managinip man lagi kang nariyan...
kahit nakikitambay lang sa ibang tahanan?

alam mo bang araw araw kitang iniisip?

kahit kinakagat ko man ang kuko at nakaupo sa kotse...

kahit maraming katabi, lalake man o babae...

kahit gumala man at magpose kahit saan...


minsan isip ko talaga'y ikaw lang ang laman...


------


hahahaha. walang magawa. ayos ba? :D

sa bigote pa lang, pamatay

ngayon ko lang nalaman na mayroon pa palang kapatid sina tito sotto at vic sotto.... siya ay walang iba kundi si val sotto....

haha, kung hindi ko pa maririnig ang kantang "val sotto" ng kiko machine, hindi ko un malalaman.. at kung hindi ko tinanong sila alec at ching pati na rin si mark (na idol din ata si val :D) hindi ko talaga siya makikilala.....

(lagayan nyo ng tono ha para maganda.. :D)
eto ang pinakamatindi talaga e...
Sa bigote pa lang...pamatay,
dba? haha... kung maririnig mo yan... eto ang unang papasok sa isip mo...
Panalo’ng idol ko….machong macho.
at hindi ko inakala na.....
Kapatid (kapatid)
at ang tanong ko naman..... nino?
Siya ni tito (siya ni tito)....at ni Vic (at ni Vic)
ang pagkakaiba lang nila ay...
Ngunit siya ang pinaka gwapo.
at ang sabi ng iba...
Idol ko wohooo si Val Sotto!!
-------------
sa mga hindi nakakaalam ng kanta: click val sotto :D enjoy

Thursday, December 11, 2008

integrand of x^pi minus pi^x dx

kwentong sagigilid:

filipino time, masaya kaming mga lalake habang nagkakantahan sa may likod ng classroom sa tabi ng magandang pinto. mayroon kaming gitarista at mayroon ding bokalista. wala pa si ma'am wenny kaya naman dirediretso lang ang aming kasiyahan...

mga kasangkot:
-victor ong (parang leader lang ng sindikato e, waha)
-ching (nagturo sa akin ng chords. [madali lang pla])
-ayban
-gab k.
-ayrton
-alec
-ruben
-vincent
-sana wala na akong nakalimutan, kung mayroon man pasensya :D

(pagkatapos ni ayban gitarahin ang silver toes...)

yey, ako naman ang babanat... at may nagrequest... "chikinini" raw. haha... at syempre dahil isa akong mabait na kaklase, pinagbigyan ko sila...

dionglay: sige ha, lakasan niyo ang pagkanta..

gab: oo, cge strum ka lang..

eto na, let's rock en roll....

(lahat ng kasangkot, kumakanta talaga ngunit mas nangingibabaw ang boses ni Gab K., talagang malakas ang pagkakakanta..)

Em
Meron isang babae na mahilig sa lalake
C
Walang inatupag kundi magpaTOOOOOT!
Em
Nakasabay ko sa jeepney
C
Aking napuna, wala syang TOOOOOT!
Em
May nakita nung sya'y nabosohan
C
Meron syang.......

Ayban: HUI GAB! ANDIYAN NA SI MA'AM..

buti na lang at napigilan ni ayban ang nagtutumahol sa pagkantang si Gabriel K.

nasa climax na siya ng pagkanta e. nabitin pa..wahaha.

ilang oras pagkatapos ng kasiyahang iyon...(heto talaga ang gusto kong sabihin..)

nabigo ako sa pagsagot sa mga binigay na problema kanina sa kalkyulus. tatlo ang wala kong sagot ang iba ay hindi tapos.... at isa sa hindi ko nasagutan ay ang pinakabasic na....

integrand of x raised to pi minus pi raised to x dx

papasa! kaya yan! aja!

:D

Thursday, December 4, 2008

Question Mark

hindi ko maexpress ang sarili ko ngayon, siguro dahil sa masama ang aking pakiramdam pero alam ko sa sarili ko na marami akong gustong itanong....

so hayaan nyo munang magtanong ako....salamat...



1. bakit walang ilong si ilong ranger? kahit na ang tawag sa kanya ay ilong ranger bakit ganon?
2. bakit lumalabas ang aircon kapag bukas ang pinto?
3. bakit may subject na philosophy kung bawal matulog sa klase?
4. bakit ang tao natatakot sa patay? hindi sa buhay?
5. bakit ang electric fan kapag pinatay, umiinit? pero kahit na buhay ito tapos hindi naman nakatapat sayo, malamig pa rin?
6. bakit bawal sumagot sa magulang? kapag hindi ka sumagot, pasasagutin ka, pag sumagot ka na magagalit sila.
7. bakit ka nagmamahal kung wala naman nagmamahal sayo?
8. bakit nagyayakapan ang boksingero? may pagkabakla ba sila?
9. bakit binibigyan tayo ng problema ng math?
10. bakit masamang magkaron ng maraming girl friend? friends lang naman diba?
11. bakit corny si mam sembrano?
12. bakit may filipino subject sa college?
13. bakit kailangan pang magtanong kung pedeng manligaw?
14. bakit ang tagal bago ka sagutin ng babae?
15. bakit hindi nanliligaw ang mga babae?
16. bakit bawal maligo sa gabi? sa umaga lang daw?
17. bakit ka naniniwala sa pamahiin?
18. bakit ka pa sumimba kung matutulog ka lang?
19. bakit tuwing december 25 lang nagbibigayan ng aguinaldo?
20. bakit kailangan magtanong sa buwan?
21. bakit din kailangan sumuntok sa buwan?
22. bakit laging kawawa ang mga middle child?
23. bakit inaasar ang panget na siya ay panget pero ang gwapo hindi?
24. bakit nakakahiya pag natalo ka ng bata? at nakakahiya rin kapag ang kalaban mo lang ay bata? at bakit nakakahiya kapag pumapatol ka sa bata lalo na kapag 1on1 (basketball)?
25. bakit ka pa pumatol sa bata?
26. bakit si gloria maliit?
27. bakit kapag taga probinsya ka lumuluwas ka? pero kapag taga manila ka, hindi ka lumuluwas?
28. bakit kapag inaasar ka ng mga taong gusto mo, hindi ka naaasar? pero kapag ang mga nangaasar sayo ay ung mga taong ayaw mo, nakakapikon..sobra, diba?
29. bakit kapag nagsasabi ka ng totoo, nanlalait ka?

at.. (last na nga hehe)

30. bakit manhid kang babae ka?

waaaaaaaaaaaaah, masama lang talaga ang aking pakiramdam at nagramble ramble tuloy sa aking utak ang mga may kwenta at walang kwentang tanong.

pahinga na muna.

goodnayt.

song of the day - SUPERMASSIVE BLACK HOLE

Wednesday, December 3, 2008

Twilight Saga


For the first time, (take note: first time) I’ve seen a non-animated movie not only once but twice in one day (first sa cinema 5 then sa cinema 7 sa sm north together with my two beloved friends, Jem and Queenie.)

Hmmm, I’ll accept the fact that twilight is worth watching. haha…. The best part would be the baseball scene…. wherein the Cullens(include na natin si Bella pero hindi talga naglalaro si bella nun), played baseball, hmmm, not your typical baseball game, it's pretty suicidal for the usual sports game. haha… “panlarong bampira lang”…

Edward's quote touched me when he said: “I don't have the strength to stay away from you anymore.”

And then Bella replied honestly: “then don’t”……
-------------------------------------
I think the sequel is the most awaited part of the Twilight Saga. haha…. exaggerated na ba?..

-------------------------------------
The movie tells about love. Well, obviously… but my point is, no matter who you are… no matter where you're from… or what’s your history, as long as there is selfless love upon the two lovers… it will always work......and another thing, this movie left me a message that every one has a heart that can love unconditionally and freely...

Tuesday, December 2, 2008

She Smiled

(wow, 2 posts a day? haha, namiss ko ang magblog... hmmmm, actually, natuwa lang ako dito...) =)

did it ever happened to you, that you are so mad then suddenly felt fine just because.....


SHE SMILED???....


hahaaaaaay...

Month of Christmas

(taglish to, baka hindi lang dumugo ang ilong ko, sumabog pa kapag purong ingles =))

Month of december na and I feel so excited. bakit? kasi this month is the month of sharing, the month of thanking, the month of loving and the month of CHRISTMAS...

nawawala talaga ang samaan ng loob lalo na't papalapit na ang christmas. nagiging masaya lahat. ok lang naman kahit na walang pera, what's important is the family.. ung kumpleto kayong magkakasama sa noche buena... (kahit nga ang dionglay family ay hindi kumpleto, masaya pa rin kami kasi kahit malayo ang padre de pamilya [working abroad] ramdam naman namin ang kanyang presensya) marami kasing paraan para magkasama sama ang buong pamilya.

share lang.

last sunday night, ang gaan ng pakiramdam ko kasi BUBUUIN na ulit namin ang christmas tree.. kahit na kinabukasan ay luluwas na naman ako naabutan ko at nakita ko (kahit na isang gabi plang)... ang christmas tree namin na may taas lamang na 6 feet but that's ok. it felt so right din nung binuksan ang christmas lights, nung gabi ring iyon... ang ganda kasing titigan ang bahay namin hehehe.

siguro by this time, marami ng christmas decors sa bahay namin, hindi lang sa loob pati sa labas. naks sobra tuloy nakakaexcite umuwi ng probinsya..

nga pla, because it's already the month of december, napakalamig sa laguna. i went back home (laguna mode) last saturday. akala ko parehas lang ang weather sa manila (minsan kasi parehas lang) un pla sobrang lamig. ang sarap tuloy matulog. hehe. yan tuloy may ubo and sipon ako ngaun. haha...

i cant wait to go back home, i cant wait to celebrate the noche buena with my family and i cant wait for christmas... (gifts, aguinaldo, bonding moments...etc)..

bibigyan pa ba ako ng aguinaldo kahit 17 na ako? hmmmm.....

Wednesday, November 12, 2008

Wag Mo Na Sana

nung sembreak plang, lagi kaming nanonood ng tv, kaming magkakapatid. tiyempo na ang palabas sa cinema one ay maganda.. (ung kila john loyd, baron geisler at hindi ko kilala ung isa e) siguro ang title nun ay "OO na mahal na kung mahal kita"..... pero hindi ako sure.

maganda ung theme song nya. at na-LSS ako dun haha. ang kumanta ata nun ay parokya ni edgar..o baka nirevive lang nila.. maganda talga ung song pati ung nilalaman. hehe


WAG MO NA SANA
Naiinis na ako sa iyo
Bakit mo ba ako ginaganito
Ikaw ba ay naguguluhan
Sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo
Ano pa bang dapat na gawin pa
Sa aking pananamit at pananalita
Upang iyong mapagbigyan pansin
Aking paghanga at pagtingin sa iyo
CHORUS:
Wag mo na sana akong pahirapan pa
Kung ayaw mo sa akin ay sabihin mo na
Wag mo na sana akong ipaasa sa wala
Oo na mahal na kung mahal kita Hahhh hahhh.
Ano pa bang dapat na gawin ko
Upang malaman mo ang nadarama ko
Upang iyong mapagbigyan pansin
Aking paghanga at pagtingin sa iyo
OO NA MAHAL NA KUNG MAHAL KITA

Tuesday, November 11, 2008

My New Celeb Crush ^^


hmmm, in behalf of myself (haha tama ba?), i would like to announce my NEW (ULTIMATE??..haha) CRUSH. her name is Gail Nicolas (sana si gail nga ito kasi kahawig siya ni marian..e baka si marian ito haha)...whew, OMG, she's so beautiful.

(walang gayahan ng crush ha) hahaha..

gudnayt.

Monday, November 10, 2008

Iba si "Ako" sa Kanila

true to life..

si "Ako" ay isang mag-aaral sa isang sikat na uniberidad dito sa manila. sa katunayan ay second year na siya sa course na engineering, major in mechanical engineering.

unang year ni "Ako" sa manila ay maayos ang kanyang pamumuhay. marami ng mga friends, mga kabarkda, mga kakilala etc. pero alam na alam nya na ibang iba sya sa kanila. isang probinsyano kasi si "Ako" at minsan lang siya makapunta ng manila, pero nakarating na siya ng agusan del sur, surigao del norte, surigao city at iba pang lugar sa mindanao. probinsyano talga pero kaya naman niya ang makisama sa mga taga manila (kahit na alam nyang ibang-iba siya).

di naglaon ay nagsara ang dorm na tinitirhan niya sa may tapat ng unibersidad kea napilitan siyang lumipat ng ibang bahay. sa tulong naman ng kanyang magulang ay nakahanap siya ng matitirhan. mas maganda na dahil mga taga probinsya na rin ang kanyang makakasama. ang iba ay naging schoolmate, batchmate at ang iba rin ay kakilala ng magulang ni "Ako". talgang dama nya ang kanyang pagkakaiba sa mga kasama nya dahil sila ay matagal ng magkakasama pero d nagtagal ay natutunan din ni "Ako" ang makisama sa kanila.

ang pagsisimula ng kanyang ikalawang taon bilang estudyante sa unibersidad ay parang naging simula ng isang....(pano ko ba iddescribe).... ah basta, dito nya naramdaman na ibang iba talaga siya. may mga dumating na bago pero mga taga probinsya pa rin. kilala nya sa kanilang mga mukha ang mga bagong salta.

habang tumatagal ang pagiistay ni "Ako" sa bahay na iyon ay mas nagtatanim siya ng poot (inis nlng siguro hehe), dahil sa mga nangyayari sa kanya ron.

--rewind--

matalino si "Ako" at hindi naman sa pagmamayabang ay kasama siya sa pilot section (section 1) ng kanilang school. first year highschool pa lamang siya ay ipinamalas na nya ang kanyang talino kahit na hindi pa siya kabilang sa section 1. (2nd yr kasi siya napalipat sa section 1 dahil nga sa mga ipinamalas nya nung unang taon). dito nararamdaman ni "Ako" na siya ay "belong", na siya ay kasali sa grupo at welcome na welcome talga siya. hindi katulad sa ibang section na magugulo, maiingay, walang respeto sa isat-isa...atbp mga kalokohan.

--back to present--

hindi na malaman ni "Ako" kung magsasalita pa ba siya o hindi na dahil sa mga pangaasar ng iba nyang kasama sa boarding house. bawat salita mo kasi ay dudugtungan nila ng pangaasar. grrr sarap batukan. haha. minsan ang ginagawa nlng ni "Ako" ay tumahimik at makinig sa usapan nila. minsan naman nakikisali rin siya para walang isiping iba ang mga kasama niya.

minsan, iniisip na rin ni "Ako" na lumipat ng matitirhan, kung saan ang mga kasama niya ay hindi na naiiba sa kanya. ung ugali, ginagawa..etc. sa katunayan ay masaya na si "Ako" sa mga nauna niyang kasama (nung nasa dorm pa siya, 1st yr 1st sem).. mas masaya kasing kasma at talgang barkada/ kaibigan na ang turing niya sa kanila.

siguro, sa ngayon ay talagang "pakikisama" nlng ang gagawin ni "Ako" para naman walang isiping masama ang mga kasama niya ngayon.

--fin--

Thursday, November 6, 2008

Triple A: Ang Artie Artie

1. Thou shall make gamit “make+pandiwa”
“Let’s make pasok na to our class!”
“Wait lang! I’m making kain pa!”
“Come on na, we can’t make hintay anymore!”

2. Thou shall make kalat “noh”, “di ba” and “eh” in your pangungusap
“I don’t like to make lakad in the baha nga, noh? Eh di ba it’s like, so ewww, di ba?”
“What ba? Stop nga being maarte noh!”
“Eh as if you want naman also, di ba?”

3. When making describe a whatever, always say “It’s SO pang–uri!”
“It’s so malaki, you know, and so mainit!”
“I know right? So sarap nga eh!”
“You’re making me inggit naman, I’ll make bili nga my own burger.”

4. When you are lalaki, make parang punctuation “dude”, “tsong” or “pare”
“Dude, ENGANAL is so hirap, pare.” - (ENGANAL = Engineering Analysis)
“I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh.”

5. Thou shall know you know? I know right!
“My bag is so bigat today, you know.”
“I know, right! We have to make dala pa kase the jumbo Physics book eh!”

6. Make gawa the plural of pangalans like in English or Spanish
“I have so many tigyawats, oh!”

7. Like, when you can make kaya, always like. Like, I know right?
“Like it’s so init naman!”
“Yeah! The air–con, it’s like sira kase eh!”

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?
“Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?”
“It’s so tight nga there, eh, you know, masikip?”

9. Make gamit of plenty of abbreviations, you know, daglat?
“Like OMG! It’s like traffic sa EDSA.”
“I know, right? It’s so kaka!”
“Kaka?”
“Kakaasar!”

10. Make gamit the pinakamarte voice and pronunciation you have para full effect!
“I’m like, making aral at the Arrhneow!”
“Me naman, I’m from Lazzahl!”


haha, natatawa ako....

Monday, November 3, 2008

Tapos na ang Sembreak

Tandang tanda ko pa, damang dama ko ang PAGDATING ng sembreak pero ngayon ko lang naramdaman na NGAYON NA PLA ANG HULING GABI NG SEMBREAK. aw..

bago pa man matapos ang sembreak ay namomroblema ako sa physics ko..alam nyo na, baka bumagsak ako doon. ang hirap kasi eh..grabe.pero hindi nagtagal at nalaman ko na din ang resulta... pumasa ako sa lahat ng subjects..whew.. sa wakas.. syempre, masaya ako nung malaman ko un..

3rd week of october.
-nagpakain si sir butch bago magsimula ang aming sembreak..
-kea lang hindi na ako nakasama noon kasi pagkatapos ng consultation namin ay umuwi na rin agad ako sa laguna. malayo pa kasi ang probinsya ko, laguna pa. hehe...pero ilang oras lang naman at makakarating na sa bahay namin.

october 17-18.
-haay, ang saya saya sa bahay namin. wala akong ginawa kundi ang gumising sa umaga, kumain, tutbras, punta sa salas, higa sa sofa, manuod ng tv, kakain ulit, tutbras, balik sa salas, higa na naman sa sofa, nuod ng tv, kakain muli, tutbras, balik sa salas, higa sa sofa, nuod ng tv, tulog. ganyan ako kasipag..
-pero syempre kapag mas lalo ako cnipag, nagaayos ako ng living room namin para naman -magandang tingnan. hehe...

october 19.
-luluwas kasi babalik bukas sa UST para kunin ang clearance at magpa pre-sec
-wala akong nagawa sa boarding house kundi ang magNET.

october 20.
-nalaman ko na pasado ako sa lahat ng subjects..salamat kay God...
-2-8 ang section namin. dapat ay 2-7 kea lang dahil sa ganda ng sked sa 2-7 ay naubusan kami.
-umuwi ulit ako sa laguna.

october 22.
-simula ng festival sa nagcarlan, laguna. wala lang, nasa bahay lang ako ng mga nasa oras na yan. nakatambay

october 25.
-nanuod kami ng bb. ana kalang.
-kasma ko ang mga highschool friends at klasmeyt ko.
-sinuportahan namin sila pearl at heizel.
-nakalong sleeves ako na kulay blue kasi malamig sa labas pero pagpasok sa gym mainit na...whew.

october 26.
-maagang nagising para maghanda na naman sa pagluwas.
-sinamahan ko si bimbo papuntang ust para mag entrance exam.
-hotdog sandwich ang aming tanghalian.
-habang naghihintay kay bimbo, nagmeryenda muna ako sa mini stop
-tumambay sa grandstand..tpos biglang umulan, nagpunta ako simbahan
-nung tumila na, tumambay ako sa plaza calderon.
-4:30 natapos ang exam ni bimbo.
-kumain kami sa jollibee sa sm manila.
-hinatid ko siya hanggang buendia.

october 28.
-enrolment
-agawan ng pe
-walang nakuhang pe
-masaklap dahil pinababalik bukas para sa pe
-si recee nahiwalay sa section 2-8...grrrrrr.
-isa lang ang uniform ko
-naglaba ako ng isang uniform

october 29.
-pinalantsya ang kaisa-isang uniform na dala ko
-8am na ako nakadating sa UST
-hindi agad pinapasok ng gard sa gym
-nung pinapaasok na, nagtakbuhan ang mga estujante. parang nagka stampede. hehe
-maayos kaming humanay para madali ang pagkuha ng pe
-tumatagal
-tumatagal pa lalo
-mas matagal pa sa matagal
-nabadtrip na kami dahil hindi na naman kami nakakuha ng pe
-pinababalik sa first week ng november
-wth
-umuwi ng laguna

october 30-november 1.
-tamang tambay sa bahay. hahaha
-nalate ng gising kea hindi nakapuntang sementeryo.
-madaming palabas na horror sa cinema one at sa star movies.
-nanuod kami ng casper sa disney channel.
-nanuod ng XXX (eXplosibong eXklusibong eXpose) katatakutan..hehe

november 2.
-lumuwas na naman.
-3pm ako umalis ng bahay, nakadating sa may 7/11 ng bandang 4pm. nakasakay paluwas ng mga 5pm. at hindi sa bus ha...sa jeep..
-kumain sa jollibee sa sm manila at may nakita akong nakatingen sa akin na magandang babae. hehehe.
-nakadating sa boarding house ng around 9pm.

at ngayon november 3, 2008...ito na ang last day ng sembreak. naging busy din pla ako e.. hehe.. hindi ko lang napansin kasi tinatamd ako. naisip ko nga na sana may pasok nlng para hindi ako tinatamad. ngayon na itinuloy ang aming enrollment para sa pe. kanina, may magulang na nagmamagaling na maiayos ang pila ng mga estujante...aun nagkatalo tuloy sila ni manong guard. tsk tsk.....ARNIS ang nakuha kong pe at ang masakit tuwing monday na naman ako. wala na naman akong bakasyon nito. tsk tsk tsk tsk tsk...

ngayon na ang last night ng sembreak, malapit na rin akong makatulog kasi mejo inaantok na din naman ako e, makakakilala na naman ako ng mga bagong kaibigan..bago na naman ang iba sa aking mga kalsmeyt..at baka magiba na din ang aking seatmate..

gudnayt..
2-8..see you tomorrow.

Wednesday, October 29, 2008

Nauwi sa Wala

PE na lang at tapos na ang paghihirap. PE! PHYSICAL EDUCATION! Major???? hindi, pero kelangan paghirapan at pagpilahan at pagtiyagaan at marami pang iba. mas nahihirapan kaming mga engineering students dahil kami ang nauubusan ng slot. halos wala ng matira para sa amin. PE yan ha...hindi naman yan CALCULUS! PHYSICS! COMPUTER! at iba pang majors namin.

oct. 28, '08. Enrolment ng Engineering. As usual, ramdam namin na mauubusan kami ng pe, kea naman INAGAHAN namin ang pasok para MAKAKUHA ng MAGANDANG P.E.

(see ivan's blog-heaven and earth, joy and pain-, UST @ 4OO..)

ang aga nga namin dumating, pero naubusan pa rin kami ng magandang pe. kea aun, PINAPABALIK kami para MAKAKUHA NA ng pe. wala na kaming magagawa kea pumayag na lang kami, un na ang sinabi sa amin. 8AM daw kami magpunta ang sabi ng mga NAGLILISTA roon.

para may masuot bukas, nilabhan ko na ang UNIFORM ko kasi isa lang ang dala kong uniporme. buti nlng at natuyo siya agad.

oct. 29, '08. Araw ng pagbabalik namin sa UST para magenrol sa PE. maaga ulit kami. 8am nandun na kami tulad ng sabi sa amin. MARAMI KAMING GINAWA... una naghintay, pangalawa naghintay, pangatlo naghintay pa rin. at tuloy tuloy lang ang paghihintay. naiinis na ang iba sa sistema nila. wala ng kwenta. hanggang sa sinabi na bumalik nlng daw sa first wk ng NOVEMBER... @#$%^, hindi ba nila nararamdaman ang hirap namin sa paghihintay doon ng matagal. PUTEK, ang panget ng sistema, walang kaayusan. INUNA pa ung IBA na LATE pa keysa amin. tsk tsk tsk..

BONDING MOMENTS. nagkasama sama kami ngaung araw na to (ako, alec, ivan, homer, avis, recee, eunice, jaki, bren, leonell, pau, christian, wiggy, ruena, cierine, ciolo, sancho, gerald, melvin) -sana wala na akong nakalimutan hehe- nagpunta kami sa TAN YAN KEE para ireklamo nga uong tungkol sa PE na un. sabi nila dapat daw ay sa IPEA kami lumalapit at doon nagrereklamo.

siguro tinamad ang grupo, haha, kea tumawag nalang sa dean's office (hindi ko lam ang storya). naisipan din namin ang kumain.. at doon nga kami kumain sa KFC.

at ngaun nandito ako sa boarding house, nagpapalamig... mamaya uuwi na rin ako ng laguna. hahaaaay, dapat kahapon pa ako nakauwi kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.

ISANG ARAW NA NASAYANG......

SIRA ANG SEMBREAK!!!!!.

Tuesday, October 28, 2008

Kwarto

Isang taon at mahigit na akong nakakulong sa kwarto mo, napamahal na ako at parang ayaw ko nang umalis. kahit anong pilit mo na paalisin ako ay hindi talaga ako kumakawala dahil nga sa napamahal na ako sa kwarto mo.

Sa tuwing may pinapapasok kang iba, ako ay naiinggit, nagseselos na baka dumating ang araw na HINDI MO NA SIYA PAALISIN SA KWARTO MO. natatakot din ako na baka sa pagtanggap mo sa kanya ay kalimutan mo na ako, ako na nagmahal sa kwarto mo, na hindi pinabayaan, nilinis, pinaganda at binigyan ng halaga kahit na alam kong hindi naman ako bibigyang pansin ng KWARTO mo.

Oo, siya nga ang unang namalagi sa kwarto mo, pero minahal ba niya? binigyan ba niya ng halaga? diba, ilang buwan lang o baka nga wala pa ay lumayas na siya doon? sinimulan kong pasukin ang kwarto mo at nakita ko ang dungis na ginawa niya. naawa ako at sinubukan kong mahalin ang kwarto mo. tinanggap mo ako, pinatuloy, naging malapit tayo sa isa't-isa dahil sa pag-aalaga ko sa kwarto mo.

Tulad ng sabi ko, umabot ng isang taon at mahigit ang pagmamahal ko sa kwarto mo. naghirap ako, marami akong ginawa sa loob ng isang taon. hiniling ko na sana dumating ang araw na subukan mong tingnan ang kwarto ko. at pinagbigyan ako ng langit, sinilip mo lang. pero ok na iyon. pabalik-balik lang ang pagsilip mo, hindi ka tumutuloy. hindi ko maintindihan kung bakit. hanggang sa pinilit kita. nagalit ka sa akin at sinampal mo ako noon. alam kong mali ang ginawa ko. dapat ay hinahayaan lang kita kung ano ang gusto mong gawin.

Nagalit ka sa akin ng apat na buwan. pero kahit na galit ka ay namamalagi pa din ako sa kwarto mo, nagdadasal na sana pansinin mo na ulit ako. at pinagbigyan muli ako ng langit. magkaibigan na ulit tayo. habang tumatagal pa ay napapaganda ko na ng husto ang kwarto mo. mahal ko na talaga, ayaw ko ng iwanan. ayaw ko na maghanap ng iba pang kwarto dahil para sa akin kwarto mo na ang pinakamaganda sa lahat na talagang dapat alagaan.

habang nakadungaw ako sa bintana at hinihintay ang pagsapit ng alas-singko ng hapon, hindi ko namalayan na pumasok ka. sabi mo ay gusto mo lang akong makita dahil namimiss mo na ako. natuwa ako. sinabi ko rin na miss na miss na din kita. nagkwentuhan tayo at nagtawanan. talagang hindi mababayaran ang nangyaring iyon sa kwarto mo. sinabi ko sa isip ko na sana mangyari rin ito sa KWARTO ko.

Saktong alas-singko na ng hapon, tumayo ka at hinawakan mo ang aking kamay. tinanong mo ako kung HANDA NA BA AKO, ang sabi ko ay HANDA NA AKO. nakangiti ako sayo at malungkot ka naman sa harap ko. nagtataka ako kung bakit, kaya hindi ko napigilan ang itanong kung anu ba ang kailangan niya. may tumulong luha mula sa kanyang mga mata, humihingi ng tawad sa akin. ang sabi niya kahapon lang ay pinayagan niya ulit na papasukin ang lalaking nauna sa akin. dahil doon, may tumulong luha na rin mula sa aking mga mata. hindi ko na kasi napigilan ang sakit na naramdaman ko. gusto ko ng lumayas dahil ako lang naman ang nagmamahal sa kwarto niya, hindi naman niya mahal ang kwarto ko. ayaw ko na siyang kausapin. tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon. sumigaw siya kung seryoso ba ako, sabi ko oo.

Sa nangyaring iyon sa kwarto mo, nalungkot ako ng sobra. ngayong wala na ako sa kwarto mo, hinihiling ko naman na sana ay gawin din NIYA ang ginawa ko sa kwarto mo. huwag na sana niyang dumihan ulit.

Ngayon, nandito ako sa kwarto ko. inaalala ang lahat ng nangyari sa kwarto mo. pero iniisip ko na rin ang maghanap ng panibagong kwartong aalagaan at mas mamahalin para naman ang may-ari ng kwartong iyon ay masiyahan at alagaan din ang kwarto ko.

T_T

Sunday, October 26, 2008

si DUDONG

dahil sa kalungkutan napag-isipang mag-isa,
nagpunta sa parke at doon nalang tumunganga,
biglang may tumabi lalaking pogi,
tisoy, matipuno at walang pasintabing sinabi...

“unsa man imong ngalan?”

ako’y napangiti at biglang naitanong

“ahmmm…bisaya ka man dong?”

at ang sagot nya’y,

“ay oo, ngalan ko’y DUDONG”

bgla nya ulit tinanung kung ano’ng aking ngalan.
pinipilit ako, sabik na sabik malaman…
nakakainis, tanong ng tanong..
un pala, ay naku, bayot si dudong..


baaaaaaw.

Tuesday, October 14, 2008

P For All

susubukan kong maging madugo ang aking blog ngaun. haha. kung may mali sa grammar, pasensya na..MAKATA LANG!, comment nlng kau ha. salamat.

let’s begin…

Have you experienced the feelings of loneliness? the heart-breaking down falls? the never ending problems? and many more?

don’t forget that GOD is always there for us to help and guide us always. these problems are just the trials He gave in order for us to be stronger and become more stronger. if you quit, then, you can’t face all the exciting exercises that our Great Teacher will give.

according to the book “IMBENTO KO LANG”, written by the famous AE Dionglay, when year is not yet "uso", Inventor God invented the most powerful and unbreakable thing that can help to relieve the loneliness, problems etc. that His living things are experiencing. this thing is called the “P FOR ALL”.

What does it mean? what are the pros of it? and also the cons?

P FOR ALL:

P - Prayers.
Prayer will lead us to God. It will help us to relieve our stress by asking help from God. It is the most helpful way to communicate with the Creator.

F - Faith.
Faith is a requirement in this invention. without this, it will not work. this invention has no battery, only faith will work.

O - Object.
Of course without the object, it will not work also. Object is the living thing who/which experiences down falls, problems and many more.

R - Repent.
to repent is very important. it will lead us to have a better life. why? because we will be relieve for we exclude the sins we’ve made and include God in our everyday life.

A - Almighty.
We are praying for the help of the Almighty, who is God. without Him we are nothing. He is the root of all goodness in the world.

L - Love.
Love is the gift that we can give to God and to all His living things. after the conversation between you and God, you will feel His love for you. Because God loves us for who we are. “bago pa man natin siya mahalin, minahal na nya tayo at minamahal pa din hanggang sa ngaun.”

L - Living with Him.
Being God the center of our life, we are blessed and we are safe from all the danger that may happen. He is the leader, the guide, the way in order for us to be success in everything we do. we should dedicate all our sufferings and doings to Him coz He offered His life for us to be redeemed.


Its pros are:

ow wait....INFINITE PROS!!! WAAAAAH...

Its cons are:

hwaaaaaat???? NO CONS...

this is what you call the SUPER HYPER MEGA MAS HIGH PA SA HIGH TECHNOLOGY INVENTION by Inventor God.

This time, I just want to thank God for answering all my prayers. I thank Him for inventing the most powerful and unbreakable thing which is the “P FOR ALL”……

I will recommend it to YOU! because it is true……for YOU, He will…. and for Him, you MUST…

haha, sana naintindihan nyo..first time to.naisip ko kasi na pasalamatan si God dahil sinasagot Nya ang mga dasal ko, tapos dapat English na din para magkaron ng English issue ang aking makakatang Gawain. salamat muli.

Monday, October 13, 2008

Ang Ikatlong Uri

true to life...

ikaw ba ay nasusuka na sa mga nakikita mong "kauri" mo ngunit may "oblique triangle" na muka na parang "espasol" sa puti? ikaw ba ay naaasar na sa mga "sitsit" na naririnig mo kapag napapadaan ka malapit sa "david's"? lalo na malapit sa mga salon sa San Pablo? sa shopping mall doon?

haaaay...dito sa mundo.. may taltong uri ng "mataas na hayop":

-una- ang mga may tunay na KAPANGYARIHAN
-pangalawa- ang mga HINAHANGAD ng mga may KAPANGYARIHAN

at...

-pangatlo- ang TAGA-AGAW ng mga HINAHANGAD sa mga may tunay na KAPANGYARIHAN

Kahit na alam mong isa ka ng tunay na "maton", isang "habulin" tulad ni "Chris Tiu" ay hindi mo pa rin mapipigilan na ikaw ay mabading.. alam nyo ba kung bakit? dahil siguro ito sa mga nakapaligid sa iyo, o dahil "mas mahal ka ng yayee mo" (don't take it literally ^^)

dito sa lugar sa ulap, sa nagiisang barrio ay naninirahan ang mga "TAKWIL" o ang mga ikatlong uri. kapag may nangyayaring problema, dumadating na unos ay sila ang sinisisi. sa ulap, kaya ka hinahatulang "TAKWIL" ay dahil sa hindi ka tanggap ng mga tao, ayaw nila sayo at madalas iniiwasan dahil sa "pagnanakaw". ngunit di naman talga sila magnanakaw..

1. pinakakawawa

kawawa talga ang mga under sa pangatlong uri dahil umuunti ang kanilang kaibigan, nawawala ang kanilang kaibigan, niloloko ng mga may kapangyarihan.....at ninanakawan. (ang mga may kapangyarihan ang tunay na magnanakaw ngunit dahil sa kanilang kapangyarihan ay napapasunod nila ang mga "TAKWIL". )

2. nakakalitong bagay.

tuwang tuwa naman ang mga nasa pangalawang uri dahil sentro sila ng ulap. may puti, kayumanggi, at itim ngunit kahit iba iba sila ng "mata" ay marami pa rin ang nahuhumaling. (lagot nga lang ikaw na may kapangyarihan kapag ikaw ay nagupitan")...

mapapansin natin na ang pangalawa ang siyang nagiging panguna at ang pangatlo ay hanggang pangatlo lang.

3. tunay na nagmamahal

minsan nang dumating sa buhay ng "TAKWIL"/Ikatlong Uri, ang magmahal ng lubos ngunit hindi sinuklian. kung sinuklian man ay kakatiting lang at may pandaraya pa. sinu ba talaga ang nagmamahal ng lubos at nagbibigay ng tunay na serbisyo sa mga may kapangyarihan? kung mapapansin nyo ay "sinasamba" ng mga may kapangyarihan ang "aphrodite" ng kanyang buhay. ngunit "ngiting aso" naman ang pinapakita ng mga pangalawang uri. ang mga nasa ikatlong uri ay nagpapaaral kahit walang trabaho, nagpapakain kahit walang maipakain, nagpapabahay kahit na siya ay walang bahay, nagpapalagay sa ref kahit na mainit ito, at nagmamakaawa at gumagawa ng paraan makatabi ka lang.

haaay, dito sa lupain ng "Craig" napapalibutan ang lungga namin ng mga ikatlong uri. at madalas silang:
-nakaminiskirt
-nakaheadband
-nakaponytail
-naninitsit
-kumakaway
-nagtatanong ng pangalan
-nanunuod ng babsketbol ng mga kalalakihan

at marami pang kaeklabuhan...

ang mga nasa ikatlong uri na rin siguro ang gumagawa ng paraan para sila layuan at "itakwil", ngunit tao pa rin sila at sila ay may "uri" kaya nga tinawag silang "ikatlong uri"..

"Nilikha tayo ng Diyos na kawangis Niya" - kelangan natin mahalin ang mga taong nakapaligid sa atin san man uri kabilang sila dahil dito minamahal na rin natin ang "LUMIKHA SA ATIN"..

note: nasa 4th floor ako habang ginagawa ito at sa tapat na condo ay may bading na nakatingen sa akin habang nagttype dito sa blog. hahaha. (wag lang sana siyang gumawa ng paraan para iwasan ko siya)...hahaha

fin

10:26pm

Sunday, October 12, 2008

Back to Normal

waw, nagsimula sa unang PM..."Bukay, kumusta?", sinundan ng pangalawang PM, "Bukopie kumusta?", hindi nakatiis sa pangatlong PM, "Bukopie...=D", at tinapos sa pang-apat na PM, "=D bukopie"....at ako ay nagreply na. hehehehe.....

..siguro nga, back to normal na ang lahat.

sana, wala na ulit mangyaring problema.. masaya na akong magkaibigan ult tayo.. at magiging close ulit tayo, alam ko, pag lumipas na ang mga ilang araw... ay mali pala!!!, kapag lumipas na ang ilan pang minuto... hehehehe

"bumabalik na ba ulit tayo sa dati? kung gayon masaya na ulit ako! ^^,"

magandang tanghali sa inyong lahat....

12:53 pm

Saturday, October 11, 2008

FRIENDSHIP NEVER ENDS...

Sa haba haba na ng aking buhay dito sa mundong ibabaw.... i never had a friend like you, you, you and you.....

bago magsimula ang lahat, nais kong sumigaw... WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!! pede isa pa??? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!..... ayan ok na, maraming salamat..

-ngaung araw na to, isiniwalat ang aming mga grades sa computer at physics.... masakit man isipin ngunit iba sa amin ay IRREG, REGULAR(congrats), at WALANG KASIGURADUHAN tulad ko, (may pagasa pa)..

-sa wakas kaninang alas kwatro ganap ng idineklara ang aming sembreak... bakasyon na..

ang barkadahan at pagkakaibigan ay hindi natatapos, yan ang tatandaan nyo aking mga kaibigan....hanggat nandito kau sa aking puso, hinding hindi ko kau makakalimutan.... kahit magkahiwalay man tau ng landas..kahit san man tayo mapunta, kahit may sari sarili ng pamilya....basta tandaan nyo lang na, hanggat nasa puso ko kau... hindi ko kau makakalimutan....

NOTE: lahat kami ay MATATALINO !!! ^^,

-BREN-
siya ang DL (dean's lister sa mga bobong hindi nakakaalam) namin nung kami ay first year... masipag at magaling sa science. hehe, nung first year kami sa kanya pa kami nagpapaturo ng chemistry para makapasa at maintindihan lamang namin ang diniscuss ni mam alava... hehehe..

-PAUL-
intramural player ng engineering..astig diba.. malakas pumalo at mataas ang talon. may itsura ngunit maliit (hehe, peace), at magaling sa math. nawala siya nung first year second sem kasi lumipat siya ng setion, pero ngaun kasama na ulit namin siya.

-MARICAR-
si maricar na siguro ang pinakamatangkad na babae sa classroom.. heheh, (kung hindi ako nagkakamali).. magaling kumanta. kung kakilala nyo lang ang babaeng ito, matutuwa kayo dahil ibang klase siyang tumawa.. agigigigigigi...

-PAULA-
si paula naman ang babeng ewan.hehe, hindi ko lam kung bakit pero kapag kasma nyo siya hindi nyo mapipigilan tumingin dahil feeling nyo nakatingin din siya. hehehe. e sa un ang nafifil ko e...mahinhin si pau at mabait. palakaibigan din..

-RUBEN-
kahit baguhan lang ang chickkboy na ito sa aming section, ay nakasundo ko na to, hndi naman kaagad pero habang nagtagal ay nakasundo ko na din. siya ang taong may killer smile. hehehe, nice nice... masayahin tong taong to sa tingin ko.. hmmm..

-BEA-
siya ang aming presidente.. haay, kitang kita sa kanya ang pagbabago, nasan na kea ang tunay na bea? ang beang nakilala namin nung mga unangn araw ng pasukan??? sana bumalik na siya dahil nakakamiss na din ang tunay nyang ugali na mabait, masipag, palakaibigan at mapagmahal sa kaibigan....

-DIVINO-
isang genius, living einstein pero kung makikilala nyo siya may kalokohan rin pla. hehe. sa totoo lang, wala sa kanyang muka o personalidad ang katalinuhan pero PUTAKTE.. HALIMAW SA LAHAT NG SUBJECT kahit na patulog tulog lang sa filipino, physics at philo..o halos lahat ata ng subject hehe.... pero promise, masaya rin syang kasma..isipin nyo isang matalinong cool....dba?

-IVAN-
siya ang pinaka inosente among the class (weh? d nga?), masayang kasma tong taong to promise.. magaling magdrawing, magbago ng boses, magpatawa, at marami pang iba. naadik siya sa phall*s dahil sa aming prof sa lit na itatago ko na lang sa kanyang tunay na pangalan na Mae Sevilla.. tsk tsk tsk... hahaha... aus ba?

-CIOLO-
nakooo, anu bang masasabi ko kay ciolo, sya ang teddy bear ng grupo. cute daw kasi sabi ni recee. hehe. ibang klase din tumwa at kapag nagsasalita ay parang umiiling na hindi mo maintindihan. hehe.

-CHING-
wooooooooooow, itong si ching, tulad ni ruben ay isa ring bago sa section. ibang klase ang mga banat ng taong to. matatawa ka talga. bigyan ko kayo ng example... anu ang tawag sa M&Ms??? hulaan nyo ha.. mamaya na ang sagot.

-RECEE-
iba na ang may sariling kotse, tsk tsk tsk. ito nga pla ang driver namin at sundo tuwing awasan na. may pagka ewan ang babeng ito dahil sa kanyang mga di kanais nais na kilos. hahaha. lagi namin siyang nakaksama sa kainan, tsibugan at iba pang may kinalaman sa pagkain. hehehe peace.

-DANELLA-
minsan nagshashare ang babaeng ito sa akin ng mga tungkol sa uhmmmmm. secret... hehe.
kakwentuhan ko din to sa usapang UAAP, basta basketball updated to e. para sa akin, ewan ko baka para sa akin lang, mataray tong babaeng to...ang dating ba naman sa akin ay parang nakakatakot maging kaaway hehe.

-BILLY JOEL-
tahimik na lalake. pero ibang klase magrecomend ng video. tsk tsk. siya kasi ang nagsabi sa akin na panuorin ko daw ang GOST PAYTER dahil matatawa daw ako dun.. at di naman siya napahiya, natawa talga ako. haha. (panuorin nyo rin ha)..

-RUENA-
itong si ruena ang seatmate ko nung first year first year at ngaun ay minsan ay seatmate ko pa din. hehe. kea lang kapag lipatan na ng upuan ay pinapabantay nya sa akin ang mahiwaga nyang paper bag. hehe. pero aus lang un sa akin. hehe.

-KENNETH-
isa rin tong HALIMAW sa physics. tulad ni divino, may kalokohan din to hehe. pero masaya rin kasama. kagrup ko to sa physics lab, at doon mgaling syang manghula. haha. kasi konti lang ang nagiging percent error ng gawa namin e. heheh..aus tlga.

-SANCHO-
siya ang taong nagpaprint ng aking assignment sa philo. ung law. hehe. isinalba nya ang aking assign kasi wala akong printer dito e. thimik din ang taong to at tingin ko mahilig to magdrawing kasi, one tym, nahuli ko to na nagddrawing sa time ng PHILO. akalain mo un, d rin pala nakikinig ang genius na ito hahaha.

-GERALD-
may kalokohan din tong lalakeng to, kanina ba naman, nanunuod kami ng walt disney tarzan..sabi ba naman sa akin ay "dionglay nuod tayo ng dvd....p*rn", OMG anu un??? hahaha umaus ka ha....not infront of the kids ha. hehehe. pero mabait ang lalakeng to.. palakaibigan din.

-REINHOLD-
sa grupo ng divino and the gang (bansag ni innocent ivan), siya na siguro ang pinakatahimik sumunod si ching. pansin ko at siguro pansin din ng lahat na siya ay may angking cute na boses. hahahah... at alam nyo ba na magaling pala tong tumugtog ng flute.. flute nga ba un?? hmmm.... sya si cedie ng two-ten. hehehe.

-KRISTEN-
ang babaeng ito ay masarap asarin. hehe. kasi hindi siya napipikon kea ganun. masaya tong kasama. ang tono nga lang ng boses nito ay may kaartihan. haha. pero aus lang un, tanggap na namin kung anung uri siya. dba dba?

-DERWIN-
tahimik din ang baguhan na ito. kabarkada nila divino kea alam na kung halimaw sa grade o hindi. sa totoo lang, kung hindi ako nagkakamali siya ang kaunaunahan kong nakausap sa grupo ng divino and the gang. kasi kapag tym ng filipino nasa likod ko sya.

-PATRICK L.-
kapag usapang basketbol, isa rin siya sa mga kausap ko. favorite nga nya ay boston celtics e. tapos gusto nya rin nya ako makalaro.. napahinhin nito kapag magrerecite, hehe. tapos nakakatawa pa siya nung tym namin sa filipino..ung sa "baloooooooot, balooooot....", haha, nakaktawa...(baliw)

-AVIS-
ka-PE ko to, iba nga lang ang team. minsan nakakalaro ko din sa basketball. skolar ang taong to so alam na kung anung ibig sabihin. hari pa rin siya ng rubiks cube. haha, kahit na nung first year pa kami nun, naaalala pa ko pa din un kasi sa kanya ako nagpaturo e.

-WIGGY-
siya ang laging kasama ni paul, magkasama din sila nung lumipat sila ng section nung first year. pero ngaun kasma na ulit namin siya. isa rin to sa mga nakakasama ko sa basketball sa cubao. nga pla, batanguenio to, at halatang halata un....dga wiggy?? hehe

-CIERINE-
ang kababago lang magdalagita. hehe, makata ang babaeng to at tlagang ang dating sa akin ay parang alam lahat ng bagay bagay. hehehe. ewan ko ba kasi sa lahat ng sabihin nya ay mayron siyang explanation kea nakakahanga talga. ibang klase ka cierine...

-RHENZ-
siguro unang tingin mo sa kanya, titirik na agad ang buhok mo sa lakas ng hangin. pero syempre nature nya lang un, hindi nyo pa kilala ang tunay na siya. religious to, handang gawin ang lahat para lang sa mahal nya.

-ERROL-
eto ang katanungan ko sa ym ng kung anung assignment, anung pagaaralan atbp. hehe. tahimik din to.. nga pla may pagkakahawig siya kay jumong. kahit na hindi ko kilala si jumong, pero un ang sabi ng mga klasmeyts namin e. sa katunayan, jumong ang tawag sa kanya nung first year. hehe

-MEO-
tandang tanda ko pa, nung mga oras na ako ay down na down sa physics, pahiyang pahiya na dahil ang net force ng ktose ko ay pataas..huhuhu, siya lamang ang kaisa isang kumampi sa akin. heheheheh.. at ako ay natawa dun dahil alam ko naman na mali ung akin. hehehehe.

-ALEC-
pinapakilala ko sa inyo si miggy mouse, hehe. favorite nya ata kasi si mickey mouse. haha. lagi ko din itong kasama tuwing lunch, kapag uuwi kasi sabay sabay kami kay recee. hehe. siguro masasabi ko ng adik to sa monster hunter. hahaha. promise!!!

-MARK-
itong si mark ang kasama ni alec sa kaadikan sa monster hunter. so ibg sabihin adik din to. hehe. kaklase ko si mark sa lahat ng subjects ko, PE man yan o CWTS. hahah. mataray tong si mark, haha, nananapok ng babae, aus e anu? pero minsan gentleman daw...

-JACKIE-
si jackie ay tahimik din. hehe. mahilig siya sa disney classics tulad ni ayban. nung first year second sem, hanep, HALIMAW din to sa chemistry.. minsan nakaksama ko din siya sa pagkain tuwing lunch at sa pagdodota (pero nanunuod lang ako kasi hindi ako marunung)

-PANCHO-
sa totoo lang magaling si pancho MAGPAKOPYA, hehe. nakagrup ko na nga din pla ito sa computer. at aus, nakatapos kami sa computer sa tulong ng kanyang kaibigan. kasi, gagawin lang daw ng kaibigan nya ung program namin kung makikipaglaro siya ng dota. aun, sa sobrang bait ni pancho, nakioagdota siya. hehe....bait tlga. galin dn to magdrums, feel ko, kahit d ko pa nakikita. heheh

-HOMER-
nung mga first year pa kami, parang hindi kami nagkakaintindihan, lagi kaming nagsasagutan. at feeling ko napaka perfectionist ng taong to. minsan nagdedebate din kami. pero ngaun alam ko na na tlgang ganun lang tlga si homer...HALIMAW nga pla ang taong to sa computer. takte...

-RAZ-
ibang klaseng kalokohan ang mararanasan mo kung kakilala mo lang siya. hehe. siya ang taga bili namin sa buena bonita tuwing magphi philo na kami. napakarami tlgang kalokohan ng lalakeng ito, tas malakas pa ang boses, isa lang ang trademark namin sa kanya at un ay ang "oninyit"..

-PATRICK R.-
sa grupo ng divino and the gang, siya na ang crush ng bayan. (xa xa xa ikaw na, putek. kunin mo na trono ko)... hehe, tapos sakanya ko din isinesend ang mga files sa philo at siya na lang ang magkakalat sa mga kasamahan nya. dun ko siya nakilala...

-EUNICE-
si eunice ay isang payat hahaha. tubong mindanao, bisaya, parehas kami may lahing bisaya. lagi nga pla tong nakangiti kea ewan mo kung maaasar ka ba o hindi. hehe. mgaling din to sa science, palibhasa chem eng. (tama nga ba?) hehe

-SOLO-
tahimik din ang lalaking to. siguro, para sa akin, small but terrible din to. may tinatago din na angking galing. hehe, si solo nga pla ang kalimitang prayer leader namin. laging personal ang prayer nya, ang cute kasi kasma ang buong klase sa prayer nya maging ang prof.

-CHRISTIAN-
bored ka ba? sumama ka sa akin at tulungan mo akong pagsalitain ito. hehe alam nyo ba kung bakit? kasi halos hindi na nagsasalita to kapag kasma namin siya. sobrang thimik. d mo lam kung inaantok pa o gising na kasi halos d na rin siya gumalaw. heheh pero mabait tong taong to.dka magsisisi kung makikilala mo siya.

-LEONELL-
ang isa pang HALIMAW sa halos lahat ng subject. isa rin sa mga naging DL ng section namin nung first year. dati palang, nakaksama ko na si leo tuwing lunch, maging hanggang ngaun na kami ay second year na. maingay nga pla to, malakas ang boses kea ingat kayo ha.. hehehehe

-FLOW-
si flow ang babaeng...ewan ko ba, hehe. siguro kung hindi nyo sa ganun kakilala, baka sabihin nyo maarte, pero d naman kayo nagkakamali hehehe...kea lang subukan nyo pa siyang kilalanin at makikita nyo kung maarte ba tlga o hindi. masya kasama ang maliit na to at masarap din asarin. heheh peace

-KELVIN-
sa lahat ng bago sa section namin, siya ang kauna unahan kong nakausap ipinakilala kasi siya sa amin ng dati rin naming klasmeyt. hehe. malaking tao to, pero tahimik din. seatmate ko nga to sa literature e, at kitang kita ko kung panu sya maglaro ng pokemon sa cellphone ng lantaran. hehehe

-MICHAEL-
si michael na cguro ang religious sa section, kapag may play tlgang hindi mawawala ang pagkareligious...tanda ko pa nga ung samahan na tinatawag na DOTA e. alam nyo ba kung anung ibig sabihin nyan??? hindi no??? ang ibig sabihin nyan ay (Disciples Of The Almighty)..galing no, galing yan sa bibig ni michael..


tandaan nyo lang aking mga kaibigan na ang ating samahan ay hindi ko makakalimutan. hindi magtatapos ang samahang nabuo, magkahiwalay man tayo, nasa puso ko pa rin kayo....


ibig sabihin ng M&Ms ay----Makukulay na Mani...--> words of wisdom mula kay CHING!! hehehe..

gudnayt..

11:07pm

Wednesday, October 1, 2008

INFLUENCES

TRUE TO LIFE!!!

SIYAPATSIETE-B- ito ang pangalan ng barrio na makikita lamang kapag nakasakay ka sa eroplano. mahirap makapunta dito dahil ang karapatdapat lamang ang pinahihintulutan.

isa ako sa mga pinagbigyan para makapasok sa nagiisang barrio sa ulap.

hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ng mga nandun at kung anu ang magiging trato nila sa akin.... syempre kinakabahan ako nun. alam kong mahirap makisama lalo na at alam mong ang mga pakikisamahan mo ay matagal ng magkakasama at magkakakilala...

SAGITNA- ito ang pangalan ng bahay na aking tutuluyan. dito naninirahan ang mga pinili. sasama sila don. at madalas nagkakasiyahan...

PINILI- sila ang mga taga ibaba.. sila ang mga pinahintulutan makapasok sa siyapatsiete-b. kakaunti plamang sila at isa na ako sa mga un.

una kong dating sa barrio, ay hindi ko na ipinakita ang tunay na ako. naging tahimik, madalas nagiisa dahil nga sa hindi ko malaman kung panu ang gagawin ko dahil sa ako lang ang nagiisang bago sa lugar na un.

tapos mahirap pang makisama kung sila ang kasma mo sa buhay:

-PULAHAN- isang "ika-unang taon" na napakalakas mangasar. mahilig siyang maglarawan ng kung anu anu basta may bilog, parisukat, parihaba, bilohaba, tatsulok atbp. may itsura ngunit di sapat ang talino. hindi ko alam king bakit siya napili.

-PREMA ANTON- tulad ko, isa siyang "ikalawang taon", mahilig magluto ngunit walang kasarap sarap. may kapatid na babae na animoy sanggol. mahilig siyang manuod ng mga mandirigmang labanan. ngunit takot rin naman kung sa kanya ay may manghahamon.

-TATA MUSIKERO- isang "balik". mahilig sa musika at sa katunayan ay ito ang kanyang ikinabubuhay. muling nakipagsapalaran upang lalo pang gumaling ang kanyang talento sa pag mumusika.

-PAYASONG SANAY- isang "tapos" kung tawagin. malakas mangasar at sanay magpatawa. isa ring musikerong payaso na nasa pinakamataas na lebel ang kakayahan. unang tumikim ng bato ngunit nagbago.

-PAYASONG MAISIP- isang "ikatlong taon". kung magpatawa ay walang dating ngunit matalino. nagtataglay ng critial at logical thinking kaya hindi na ako napaisip kung bakit isa siya sa mga pinili.

-PREMA- umabot siya sa "ikawalong taon" ngunit ngaun ay kabilang na din siya sa mga "tapos". iba ang ugali kung kayat siya ay pinaguusapan sa likod nya. mapagpanggap sabi ng iba. pero mabait siya at magaling kumumpuni.

-LABONG MUSIKERO- tulad ni pulahan, isa siyang "ika-unang taon". iba ang talento sa kanyang kinukuha. mahilig sa musika ngunit d nya kayang gamitin lahat ng instrumento. wind lamang ang kaya nya.

-BUTANDINA- sa "tapos" siya kabilang. healer ng sagitna. sa kanya lumalapit ang mga taong may nararamdaman kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit isa rin siya sa mga pinili.

-ANTONIA- isa rin sya sa mga "tapos". tulad din ni butandina, isa rin siyang healer. mahinhin. kapatid sya ni anton ngunit malaki ang pinagkaiba.

-DIWATANG K.- isa ring "tapos" na kasintahan ni prema. sakitin ngunit mayy angking kagandahan. malumanay magsalita at soon to be healer ng lugar.

-MAHINHIN- isang pinili na hindi ko alam ang antas. madalas kung lumabas at bihira ko rin marinig ang kanyang boses. kapatid siya ni pulahan.

-IKALAWANG MAHINHIN- tulad ni mahinhin, hindi ko rin alam ang antas ng babaeng ito. morena ang kumpleksyon.

-PULUTANES- "tapos" ang antas ng lalaking ito. mahilig sa dikit sa lalo na sa inom. matangkad na payat at napromote pa para mamalaagi sa tuktok. mabait ngunit may kalokohan din.

-NGITI- si ngiti ang pinaka matagumpay sa lahat, isang "tapos" na palipat lipat ng lugar ng trabaho. ipinanganak na mayaman at patuloy na yumayaman. anak ng puno ng siyapatsiete-b.

-YRMA- isang "di-tapos" ngunit mabait na tagapagbantay. siya ang nakakasama ng bawat pinili kapag naiiwan sa sagitna.

yan ang mga bago kong makaksama. ako si ANGELO isang "ikalawang taon", at patuloy na nagsusumikap para marating ang antas ng "tapos".

Monday, September 1, 2008

First day, Badtrip, Reflection, Reminisce

sa totoo lang nakakabadtrip ang araw na ito kahit na unang araw pa lang ng september.... cguro dahil sa mga to:

-kahapon, UE vs UST, dahil sa kapabayaan at kabobohan na naman ng mga atletang tigre eh natalo na naman kami by 2 pts....tsk tsk.. nawalan tuloy ng pagasa na makapasok pa sa final four. kawawa naman.

-Monday ngaun, at dahil monday niluto na naman kami sa initan kanina. PE kasi namin e... 9am ang PE namin tapos matatapos ng 11am. sows sobrang init...

-Physics ang palaging ginagagwa..dahil sa madami ang kelangan gawin sa pisiks, puro pisiks na ang laman ng utak ko at sana dahil don pumasa na ako..research, finished kea lang problem solving hind pa...grrr

-nakakatamad ang araw na to dahil sa hindi maingay dito sa bahay namin, sabagay tanghali plang pero kahit na, d naman ganito dati e...sobrang nakakaantok tuloy.

-wala na akong pera, nakakainis. kung titingnan nyo ang wallet ko baka 20 pesos nlng ang makita nyo. haaay. kaya ko pa ba mabuhay magisa?? hirap akong magbudget..sana makapangasawa ako ng magaling magbudget..

-kelangan ko ng pambura dahil sa nagkamali ako ng pagsulat, ang problema wala akong makita. waaaaaa. pinagtataguan ba ako ng pambura. naghanap na ako kung saan saan pero wala tlga akong makita. tanda ko mayron akong sariling pambura pero nawawala pa din...mga board mate ko wala din pambura wala tuloy ako mahiraman.

puro kabadtripan nlng ang nangyari sa akin at saktong tumama pa sa unang araw ng september. haaaayyy...kung pede lang na "Wake me up when September ends", eh di ang saya sana kasi october na ako gigising. haha. pero hindi pede e..kelangan talga ang magtry ng magtry hanggang sa makuha natin ang gusto natin makamit.

kelangan ba tlgang kasama pa sa buhay ang mga problema. buti nlng wala pa akong mga matitinding problema na nadadaanan kea lang ang dami ng mga problem solving ang dumaan sa akin dahil sa math. BADTRIP.

kakayanin ko ba tlga ang engineering? sana makaya ko. gusto ko makapagtapos kahit na bumagsak ako. kasama na naman tlga un sa buhay e. kapag bumagsak ka matuto kang bumangon at bumawi. bumagsak na ako dati sa Chemistry, at sana hindi na ako bumagsak ngaun sa physics. Kaya ko to! Kelangan magaral ng mabuti. bata pa naman ako kea malayo pa ang aking mapupuntahan. kung bumagsak man ako, God has a plan for me.

animation! gustong gusto ko tlga maging animator. makilala ang aking mga ginawang karakter. at makagawa din ng mga movies. un tlga ang pangarap ko sa buhay. second choice ko lang naman tlga ang engineering e. bakit kasi wala ako nakitang magandang school dito sa pilipinas na magaling sa animation.. haay, kabadtrip na naman. pagkatpos ko ng engineering, magaaral ulit ako ng animation, pupunta ako ng ibang bansa at don ko tutuparin ang dream ko maging animator. sa katunayan mejo nagpapraktis na ako ngaun mag animate..kahit na mejo walang kwenta pa ipapakita ko pa din sa inyo...
ayan o. o anu say nyo?? grabe nahirapan ako jan..mas lalo na siguro kung papagalawn ko yan hehe.. pero ok lang napagaaralan naman yan e.
sana itong simula ng "BER" ay maging masaya na para sa akin, countdown na para sa Christmas hehehe.. kahit na marami pa ang dumating na trials sa ating buhay kelang lang natin mag move forward.. dba? tama naman.. kea ngaung first day ng "BER"-september, kahit na kabadtripan ang dumating agad..ok lang yan, kasi nabubuhay tayo. isipin mo na lang ang PATAY..sa tingin mo ba, nababadtrip pa ba ang mga patay????? siyempre hindi na diba, kasi patay na sila at tayo BUHAY PA!! kea tanggpin natin kung anu man dumadating sa buhay natin... ayt???
PHYSICS mode na ^_^
fin

Wednesday, August 27, 2008

TEN OVER TEN

Helo. nagbabalik na naman ako. hehehe...sobrang busy ako this past few weeks kasi todo aral dahil nagkaron kami ng prelims. sana naman ay matataas ang mga nakuha kong marka...



binago ko na ang title ng blog ko, ginawa ko nang REMINISCE at hindi na LIFE'S CHAPTER kasi hindi ko rin naman to nauupdate araw araw...minsan na lang... dahil nga sa minsan ay busy na din ako...



maluwag ang time ko ngaun, natulog at gumising lang naman ako ngaun...tapos kumain, nagayos. tapos naginternet na naman. un lang.. dahil sa wala na akong magawa naisipan ko ang maghangaroo..hahaha..at ang saya dahil naka perfect score ako...whoooo......



napasabak tlga ako sa matinding isipan..haha...nung una buti nlng mga madadali pa hanggang sa umabot ako ng 8pts. yesSsSs....


napaisip pa ako lalo jan kasi naman, 6-letter word lang..tapos element pa. hahaha BARIUM o RADUIM lang ang iniisip ko diyan.....tsk tsk tsk tsk...buti nlng inuna ko ang letter R..wohoooo... at tumama ako RADIUM nga ang sagot..haha at aun 9pts na ako. wahaha..

ngaun 9 na ang points ko, naramdaman ko na na makakaperfect na ako sa wakas..haha... buti nlng ang phrase ang lumabas...at mahaba pa, nafifeel ko na tlga ang pagkapanalo ko. hahah.. yeheyyyyy...... dahil sa mahaba nga ang pinapahulaan, pumindot lang ako ng pumindot ng letra hanggang sa umabot na nga sa talo ang mali ko... pinagisipan ko yan mabuti para makaTEN naman ako..hehe...at syempre, tulad ng inaasahan......I GOT IT. HAHAHAHA..


woOhoOooo.. un lang pla ang sagot..haha... masaya na ako e...kea lang hindi ko lam na ganun lang ang mangyayari...tatakbo lang ung nakasabit na hangaroo..tapos sasakay sa kanyang bike at matindi pa dun eto..hindi nga siya nabigti PERO NASAGASAAN NAMAN SIYA NG BUS habang nagbibike...anu ba yan. hahahaha.....

kawawang kangaroo...kea endangered e..tsk tsk tsk.....

Wednesday, August 6, 2008

August na, Sinimulan ni Florence Umlas

Pasensya ngaun lang ulit ako nagupdate.. hmmm....august na pla ngaun. Panibagong buwan na naman at madadagdagan na naman ang mga mangyayari sa akin. may positive at syempre siguradong may negative na yan..

buti nlng maganda ang simula ng month of august. aug 1, 2008, friday itong araw na to. excited na ang lahat para sa kinabukasan. Why? e kasi magiistar city kami. wohooooo.... libre kami dito ni FLOW (ayan capital letter para naman makita mong character kita dito..haha)..... debut nya kasi. pero ang bday tlga ay nung july 31. malungkot nga daw ang bday nya e..alam nyo ba kung bakit? ay sa akin nlng pla un, baka magalit pa sa akin si flow kapg sinabi ko....hehehe... isasama nga pla namin si sir butch sa aming pagiistar city..pero karamihan din sa aming klase ay hindi makakasama kasi siguro maraming gagawin..tapos ung iba naman uuwi ng kanilang probinsya.. aun at ganun nga ang nangyari.

aug 2, 2008, eto na ang araw na pinakahihintay siguro(haha hindi sigurado) ng lahat..lalo na siguro ng ating bday celebrant na hindi naman tlga nya bday ng aug 2... sabi nga ni flow, hindi naging masaya ang araw nung birthday nya..kea kelangan naming bumawi sa araw na ito..kelangan maging masaya si flow at maramdaman niya na nagbirthday siya..18 na siya e (hindi lang halata, hindi dahil sa baby face ha...kundi sa height. haha peace tayo flow)..... aun, unti unti ng lumalapit sa takdang oras ang aming pagiistar city....

nang matapos ang klase, diretso kami sa madalas naming kinakainan ng lunch..dun sa binansagan naming "mashpo".. masaya ba ang lahat? oo, masaya ang lahat..kasi malapit na. haha. kung hindi ako nagkakamali, magkatabi kami ni flow sa table nun..seatmate kami. pero hindi siya umorder...ang grupo naman ng tendahpau ay nagpunta kung san para bumili ng susuotin ng may debut.... pagktapos namin kumain, diretso kami uwi ni mark...excited e. hahah. kasabay si bea at sumabay na din sa flow..pinauwi kasi si flow e.

sa bahay namin, iniscan ko muna itong aking laptop kasi baka may virus, ayaw gumana nung internet e....tagal nga natapos nung pagscan e.. anyway, hinintay ko ang text ni mark...un ung hudyat (kakadugo ba ng ilong?? haha) na pupunta na ako ng UST..haay, at nagtext na nga si mark, ang aga pa nun ha, 2pm..pero ang aming assembly time tlga ay 4pm. haha.... dumating ako sa skul ng mga 2:15 siguro, tapos wala pa sila. ako ang nauna..naghintay pa ako ng kaunti at dumating na din sila mark nun kasama si bea nun...

nasa library sila recee nun...nageeleap.... dun namin sila pinuntahan. pag dating dun, nag e leap na rin ako pra makapgpost na ako sa discussion board para sa CWTS. nang matapos un, pumunta na kami sa sasakyan ni recee na nakaparada naman sa tapat ng engineering bldg. grabe kung tutuusin ang haba ng nilakad namin.. haha... tapos ang nakakainis pa na mejo nakakatawa na din..ang aga aga ko dun tapos, hindi ako kasama sa first batch ng inihatid ni recee sa star city. haha...biruin nyo un, 2:15 nandun na ako, tas nakaalis ako ng around 5pm.hahah dumating kasi si recee na kasama si jackie nun e ganung oras na. tsaka may nangyari din sa kanila na hinding hindi siguro makakalimutan ni recee. haha.....second batch nga pla kami nina alec rhenz at sinama na rin namin si christian tabirara.

yehey, sa wakas, nakarating na rin kami sa star city. nandun din ang napakabait na dadi ni recee..na napaka suportive sa kanyang anak. ^_^...

habang nasa star city, hinihintay namin ang mga sumabay sa sasakyan ni sir butch.. marami rin sila nun... lampas 10 sila. hehe.. kalahating minuto lang siguro, dumating na rin sila kasama na ang nanlibre.. hehe..

sa tulong ng dadi ni recee, nakapasok kami sa star city at syempre nagbigay lang kami ng 75 pesos para sa ticket at ung natitirang gastusin ay sagot na ni flow.

whew, ramdam namin ang excitement sa pagsakay sa mga rides.waha..panu ba naman RAYC kami. hahaha....(hindi alam ni ten ten ang ibig sabihin nyan..kau ba alm nyo???)... Ride All You Can kami...wohooooo....ang saya...

una namin sinakyan ang Carousel. kasi pagpasok mo plang tapos konting lakad lang makikita mo na ang carousel. aun kea dun kami..buena mano namin un.. hindi ako sumakay sa pekeng kabayong hindi gumagalw...dun lang ako sa upuan..kasama ko si avis mark at flow..at nasa harap namin si sir butch na nakasakay sa isang munting kabayo na mas malaki pa si sir. in short sa pambatang kabayo.haha.... natapos ang ilang ikot at hindi man lang kami nahilo..haha... pero may kasma kami na nahilo daw pero hindi nagsuka, si bea ata un.. kasi naman nasa carousel na nga sila dun pa pumwesto sa umiikot pa... sabi nga ni sir.. may relative circular motion pa daw un..kung hindi ako nagkakamali sa pandinig. haha...

next namin sinakyan ay ung Viking...whew, grabe, kamuntikan na akong maubusan ng boses sa kasisigaw... kakakabado din e. hehe...lalo kapag konti nlng vertical na. hahaha... tapos kapag nagsswing na pababa...nanginginig ako. wahaha.ganun tlga....masarap kapag swing pataas. sunod sa viking...hindi ko lam ang tawag..haha.. basta parang viking din...kung hindi ulit ako nagkakamali.."magic carpet" ata un e. mas masaya dun keysa viking. katabi ko si ten ten nun... nauntog pa nga ako ng isang beses nun e.. hahaha

hindi ko lam kung ito nga ang next...sinakyan namin ang bump car?? o bumper car?? kung anu man yan, basta sumakay kami jan. hahaha... marunong ako magdrive..wohooo... tapos sumakay din kami sa ferry's wheel...at un ung nakakainis. walang kathrill thrill...nakakaantok.. hahaha... description nga namin dun e, pwesto un ng mga magsyota.. na gusto ng privacy... mga kasama ko sa ferryswheel ay sina alec jaki at mark... habang nasa ferryswheel kami, sumakay pala sila sa star flyer ba un?? haha..pasensya hindi ko lam ang mga pangalan ng rides. haha. nakailang ulit nga sila nun e..hindi ko sinubukan dun kasi baka hindi ko kayanin. hahaha...mahina ang loob ko nakakainis....next time susubukan ko na un promise...

iba pa naming sinakyan ay ang wild river...kung saan nabasa lang ako. wahahaha...paano naman kasi sinabi nang ako dun sa likod e, dun ako pinapwesto sa harap. haha..basa tuloy ako. pero ok lang kasi masaya naman e. hehe... sumakay din kami sa parang mini roller coaster na mejo may thrilll din...at may isang loop.. whew.. ang panget lang dun..ang sakit na nga sa braso ang sakit pa sa likod.. tsk tsk..no need to explain why.....

pumasok nga rin pla kami sa parang horror house... na hindi naman nakakatakot. sa totoo lang kami pa ung nanakot. hahaha... nakakatawa nga sila kasi sigaw ng sigaw e, si pau naman umiyak daw sa sobrang takot.. matatakutin pla si pau...pumasok din kami dun sa may mummy ba un.. na wala rin kakwenta kwenta...haha...hindi rin kami natakot. at si pau, ganun na naman...pero hindi siya umiyak...katabi ko nga siya nun habang naglalakad e..tsaka si rhenz.

mayroon pa ba akong nakalimutang rides???? hmmmmmm... aus na yan. hehe. basta masaya ang trip namin...matpos ang matinding kapaguran, naisipan na rin sa wakas ang kumain... isang BBQ at isang rice. kahit ganun, nabusog naman ako, may tubig rin pla.... sabay sabay ba kaming kumain nun?? haha..hindi ko na alam sa sobrang pagod...ang naaalala ko lang ay kasama ko sa table sina recee jaki gerald homer sir butch alec...yan lang ba??? pasensya sa nakalimutan...hehehe..... pagktapos kumain, nagpicture picture kami para naman may remembrance kami... pagkatapos nun, naisipan na rin ang umuwi..umuwi kami syempre ng masaya....

habang naglalakad papalabas ng star city...hindi tlga nakatiis ang diyos ng pangyayari, kasi may isang bagay na nangyari......uuwi na nga't lahat, may sinabi sa akin si avis na, "bukopie" sabay turo sa second quadrant kung saan ako ang orign (invisible cartesian plane yan ha), nagtaka ako kung bakit...pagtingin ko sa bandang west of north..siguro 10 degrees with respect to the vertical.... may nakitang akong poster...aun poster lang naman pero ang matindi sa poster na un.........eto oh..tingnan nyo:

yan ang nakita ko. ^_^...at hindi ko nagawang magpapicture..para lang mailagay ko dito sa aking mahiwagang blog....hehehehe... "namimiss na kita, hihintayin ko ang pagpansin mo ulit sa akin"

haaay....yan ang nangyari sa first 2 days and night ng month of august ko... sinimulan ni flow ng maganda ang month ng august ko...at natapos naman ng magnda din ang gabi ng august 2, 2008 ko....