Saturday, July 26, 2008

Lugar ng Huling Pinagsamahan

taong dalwang libot walo ika dalawamput dalwa ng buwan ng hulyo...martes... isang magandang araw para sa lahat ng nabubuhay sa mundong ibabaw sa kadahilanang sila ay buhay pa...

hmmm...tuesday! unang araw ng klase sa ikaapat na linggo ng hulyo (tama ba??) hehe... tamang tama.wala pa akong allowance. haha....panu ba naman, si mama nasa mindanao nagbabaksyon...isa lang ang pagasa para magkabaon at iyon ay ang "Hari ng Padala"...

hindi ko pinroblema ang pagkakulang ng pera ko dahil atlis meron pa naman ako kahit konti... ang mahalaga masaya pa din. hehe...kahit hindi alam ang dahilan kung bakit masaya... subjects namin ngaun ay: computer lab, calculus, lit, filipino, at ang pinakamatinding physics.... whew... sa loob lamang ng limang oras ay natapos ang aming pagsusunog ng kilay at sa loob din ng limang oras..biglang nagtexxt ang mama ko at nagpadala na nga daw siya ng allowance...at nakatulong nga ang HARI NG PADALA...kea lang hindi pa ako marunung kung panu kumuha ng pera don..hahaha... anyway kinabukasan may quiz sa comp (kea hindi ako makapgblog e)..hehehehe....

lunch tym: as usual sa tinaguriang "mashpo" na naman kami kakain...ok lang masarap naman dun e...hehe..wlang sawang tapsilog na togpoportipayb pesos wid matching iced tea na un ha... o dba mura... nahati kami sa dalwang table....kasi naman, iniwan kami ng iba naming kasama...umuuna sila e.... ang mga nakasabay ko lang tuloy ay sina bea mark alec (sinu pa ba?? sori sa nakalimutan ko)....ayan kami kami din ang mga magkakasama sa table.. ok lang un, at least ung table namin e...pang kainan tlga,,,keysa naman sa kanila..table ng bilyaran. haha... anyway.....msaya pa rin ang lahat...(sa mga hindi nakaintindi, WALANG awayan ang nangyari.. mahina lang tlga kayong umintindi)... haha..peace...

natpos ang lahat ng may galak sa puso. (exag)..uwian na ba?? hindi pa,.. nagyaya nga pala si rhenz na pumunta sa sm san lazaro, ok lang na sumama ako para makapunta na din ako sa pinakamalapit na LBC branch na sana ay mayroon sa sm san lazaro..may matindi pa pla--> huhu may naalala ako!!!!...sana wag kaming pumunta doon....naginsist si recee, na siya na lang daw ang magddrive...(mayaman, may kotse e).. lima lamang kami sa loob ng kotse...ako si mark si rhenz si christian at siyempre wag nating kalimutan ang driver na si recee.... eto xa o:
ayan si manang tsuper...hahaha biro lang.. wag kayo, magling yan magdrive....pero xempre kelangan pa din ng prayers. hahahahah...

si mark katabi nyan....ako nasa likod pati si rhenz at christian....

buti nlng nakarating kami sa sm san lazaro ng matiwasay. haha... nagpark si recee, xempre.haha... dun sa parking area...sa mainit na bahagi ng gusali.

buti nlng pagpasok mo ng mall, mararamdaman mo na ang lamig ng simoy ng aircon.....aw..un un e. hahaha...inuna na namin ung akin para magkapera na din ako. nagtanung kami sa gard kung san ung LBC at buti naman ay nasagot nya... sa pinakababa pa pla un.. tsk tsk... nakababa na kami..nakapasok na sa LBC..hanggang ..."NAKALIMUTAN KO PALA ANG ID KO"..waha... bumalik kami sa kotse...kami lang dalwa ni recee...si mark christian at rhenz ay nagsimula ng mag gala...

habang naglalakad pabalik ng kotse.

dionglay: huli kaming magkasama dito
recee: ow? dnga?
dionglay: (nakakaloko to ah! hahah)..uu..sa national bookstore kami huling magkasama tapos kumain pa siya ng lunch sa KFC.

wla lang..bigla ko lang nabanggit kay recee ung mga katagang un...hindi ko lang alam kung bakit cguro naalala ko lang siya dahil sa mall na un..(ako kea..naaalala kea nya??).. hmmm
pagkakuha ng aking id sa kotse ni recee...bumalik na kami agad sa loob ng mall...at buti nlng nakakuha ako ng pera...marunung na ako. aun....hehe...

iniwan muna ako ni recee at sinundan nya ung iba sa comic alley.....pagkatpos kong makuha ang pera..hindi ko akalaing makakaMEET ko si RYOMA ECHIZEN....ows?? naniniwala ba kayo?? kung ayw nyong maniwala.. tingnan nyo to..kasma pa namin sa kotse....

oh..anu naniniwala na kayo????? ha??? BUTI NLNG AT HINDI KAYO NANINIWALA KASI HINDI NAMAN TLGA....hahah.(corny)
...si rhenz lang yan na nagbalatkayo bilang si ryoma ng seigaku...ewan ko ba kung bakit...crush nya ata si ryoma.. hahaha...peace...

hindi ko aakalain na maiisipan nilang pumunta ng national bookstore kung saan huli ko siyang nakasama..... oo nga pla..mahilig nga rin pla magbasa si recee... masarap kapag naaalala mo ung mga moments na magkasama kayo...kung sino man ang gusto nyong makasama....


haaaayyy...(june26)..jan kami noon...masayang masaya kami... masarap tlga ang feeling kapag naaalala ko siya...pero masakit din kapag alam ayaw na nya sa akin...............T_T

hanggang sa labas ng national bukstore..hindi ko na napigilan ang magpicture para may tatlo akong remembrance....hindi lang nya kundi pati na rin ng mga kasama ko..

kung sakaling naalala mo ulit ako..
tawagin mo lang at ako ay lalapit
kahit iniwan mo ako sa gitna ng kawlan
hinding hindi kita makakalimutan...

sa mga oras na tyo ay nagkasama
ibang saya ang aking nadarama..
subalit bakit bigla kang nawala????
kinalimutan at iniwang nagiisia....

haaayy buhay nga naman...pilit mo na ngang kinakalimutan...hayan at bumabalik ng d mo namamalayan....pero aus lang... kung WALANG GANYAN..HND MO MATATAWAG NA BUHAY ANG BUHAY MO...tandaan ha...hehehehe... nyt...

Saturday, July 19, 2008

Monday d' 14th

helo ulit sa lahat ng aking mga taga suporta,..haha. charing!! ang tagal ko nang hindi nakapagupdate..ngaun lang ulit. hmmm...ishshare ko lang sa inyo ung nangyaring KALUNOS LUNOS SA AKIN...hahaha.. hmmm kelan nga ba un.. ahhh alam ko na, JULY 14, LUNES...HINDI ko NAIHANDA ang isang KAPOTE, BOTA atbp....wala akong kaalam alam sa mangyayari sa buong maghapon..

Lunes noon, may PE na naman....hmpf. pero ok lang dahil advanced basketball naman ang PE ko at hindi ARNIS...nagising na naman ako ng als otso ng maga at pumasok bago mag alas nuebe... 9am kasi ang PE namin e...kasama ko na naman nun si mark si avis at si homer..kami ang F4..joke joke joke....anu bang nangyari nun...hmm.alam ko na, dinistribute ung aming NAPAKAGANDANG pe uniform....tsk tsk tsk...(sa kabaligtaran)..red team ako pati si homer at mark..si avis nahiwalay..green team xa e..bagay naman sa kanya.hahaha....dahil sakanyang MIND. haha. joke ulit... puro joke!?!,, haha

whew, nakakapagod ang maglaro ng basketball..dalawang oras na walang pahinga..niluluto sa power ng sun...iniiga ang aming mga pawis...at ang pinakamatindi, wala akong dalang tubig... (anu ba yan!!!!)..C2 na naman ang iinumin ko...FYI..ang aking stomach ay naglalaman ng 95% green tea..OMG...

natapos ang PE namin ng nakapanalo kami sa practice game...RED vs BLUE.... isa lang ang lamang namin...15-14. hehe..ang laki ng skore no? waha.. nagparinig sa akin ang mga taga asul...ngunit hindi sila umubra sa akin..hahahaha...yabang e no...

ang ganda ganda ng panahon..masarap magswiming...este..masarap gumimik..haha.... pagkatapos ng laro, xempre kumain muna kami ng tanghalian...minalas ako..wahahaha... NATAPUNAN KASI AKO NG ICED TEA, NABALI ANG AKING KUTSARA, MUNTIKANG MABASAG ANG BASO, AT NALAGLAG ANG TINIDOR.....hula ko ISANG BABAE LANG ANG NAKAKAALALA SA AKIN...UMAMIN KA NA....GRRRRRRRRR... haha.. grabe, kelangan na ng todong pagiingat at baka ang sumunod ay MAHULOG AKO SA MANHOLE...oninyit...hehe.

dahil sa mga nangyari, talgang nagingat na ako.. baka malasin ulit ako e...haha.. hindi naman 13 ngaun...14 kea ngaun...hindi rin friday...LUNES kea....lunes, lunes, LUNES....tsk tsk tsk..

natapos akong kumain nang may suot suot na basang damit (dahil sa iced tea).. sayang ang aking porma...japorms pa naman...naka engg shirt at shorts at rubber shoes...

pagkatapos kumain, napagkasunduan ng lupon ng mga inhinyeryo na magpatabas ng buhok. pero hindi ako nagpagupit hehe..si mark at bea lang.... dun kami sa the avenue..kasi may kakilala si bea dun..nagsimula ng UMANBON..eh naglalakad lang kami nun..kasi sa may dela fuentes lang ata un e...lapit lang...e aun nga biglang umambon...buti nlng may payong ako nun. si bea wala,kawawa naman... pero ok lang dahil nakarating kami sa the avenue ng hindi lumakas ang ulan...ambon lang...naka isang oras at mahigit din kami sa salon na yon...nakipanuod ng pelikula(daboy)...at nakiupo lamang ako. haha. ung dalwa nagpagupit... habang nagpapabeuty ang dalwang chenes...bumulusok ang isang napakalakas na ulan......hwaaaaat???...at tinangay ang isang payatot.... nilipad ang bata...naging superwoman si ate sa lakas ng ulan at hangin..tsk tsk...pag minmalas nga naman....

natapos na silang dalwa magpagupit..ang ulan hindi pa rin tapos sa panghahagupit.. akala namin didiligan lang nya ung puno un pla pinutol nya...tsk tsk tsk..bastos na bagyo...dahil nga sa malakas pa ang ulan..napagdesisyunan ng tatlong musketero na tumambay muna sa the avenue.. hehe....unfortunately (dumaloy ang dugo sa ilong..sabay pahed).....mas lalong lumakas ang ulan...wala na kaming choice kundi suungin ang isang unos...sisirin ang isang matinding problema, harapin ang kalunos lunos na ewan...aun at nakasakay rin ako ng jip..si bea naiwan...d kolam kung panu xa nakauwi...pero thank God nakauwi si bea ng maayos.....

comportable na ako sa jip dahil nalampasan ko ang isang napakatinding pagsubok...pero hindi pa pala dun nagtatapos ang isang matinding labanan....napansin ko ang daan na may lumalangoy na dolphin (basura..ganun tlga sa manila)...OMG, isa lang ang ibig sabihin nun...nilamun na ng tubig ang napakagandang lupain ng quintos at winasak ng alon ang street ng maceda (dun pa naman ako bababa.,hmp)...putek na yan, akala cguro ng bagyo, susuko ako sa kanya ha....inilabas ko ang aking mahiwagang sandata....ginwa ko ang aking makakaya..ngunit hindi ako makatawid sa tawiran dahil ito ang hitsura ng tawiran:

ang malas ay kumakalat na sa buong paligid...wala ng lunas...hindi ko na alam ang gagawin..ang aking mga kababayan ay nagsusumigaw ng tulong..sila ay nakisali sa aking mahiwagang storya.. isa nlng ang paraan upang makatawid sa kabilang dako ng mundo... may isang ermitanyo na sumigaw at ang kanyang sinabi ay..."TOY, TRICYLCE..MURA LANG".. ang kaligtasan ay lumalapit sa aking mga kamay.. buti nlng at makakatawid na ako.... habang nsa mahiwagang tricycle..hindi ko mapigilan ang...MAGPICTURE..dahil sa napakagandang ESPANYA WATERPARK.....ETO OH...

ang ganda no.hahaha...yan ang hagupit ni bagyong "hindi ko alam ang pangalan"... hirap na hirap na ang mga kabalyero na lumusob sa napakalakas na kalaban.... buti nalng at ako ay malapit na sa bahay..haha..

hooray hooray hooray...nakauwi ako sa wakas... haha..

manong driver magkano po ang pamasahe??.. "mura lang..TUMATAGINTING NA BENTE PESOS".......what the____!!!.. ang mahal naman...kayang kayang lakarin e... malapit ng maubos ang aking mga pilak at ginto..pero nagbayad pa din ako.. xempre pag dako nagbayad..dedz ako..tsk tsk tsk..

nakauwi ako sa bahay...na nabasa sa ulan...walang nasilungan..walang nalapitan.. tricylce lang ngunit may bayad..amp....

pero kahit ganun...masaya ang experience na un...first tym un.. pero kahit na mangyari ulet sa akin un...HINDING HINDI AKO LULUSONG..wahahahaha....^_^

Thursday, July 10, 2008

Ano Nga bang Nangyari???

anu bang ginawa ko kahapon?? sayang at hindi ako nakapgshare sa inyo tungkol sa nangyari sa akin kahapon....umikot lang ang istorya ko kahapon sa pagrereview....tama. nagsunog ako ng kilay sa Calculus. (sana nga pumasa ako sa unang quiz namin kanina e..)

ang mga kasama kong nagreview ay sina eunice mark bea ciolo mike at solo...ayan, kami kami ang magkakasamang nafreview sa library...tapos sa bahay, pagkauwi nagreview ulit ako...aun lang...sinubukan kong hindi magpuyat...kaya lang napuyat pa din ako..hehehe...

july10

8am ang pasok ko ngaung araw na to..kasi hwebes ngaun..(ngaun nga pla umalis mama ko papuntang Mindanao..tsk tsk, ingat)..kahit na 8am pa ang pasok ko...umalis na ako ng maaga...cguro mga 7am un...para naman makapagaral ulit ako (ayan na naman aral na naman..hehe... sana pumasa), para sa quiz namin sa Calculus...

isa lang ang wala kong sagot kanina...kaya sana pumasa ako.tlgang nagreview ako para mataas ang makuha ko sa test na yon...kahit na marami akong iniisip. ganun tlga...

hmmm...anu bang mga nangyari ngaun.. ahh...masya ako kanina kasi masayang magsoundtrip... hehe... mga tugtog pambata ang kinakanta namin..pero punk cover ha. hehee

hirayamanawari, sineskwela....batibot...hmmmm. etc, hehe.. marami kami kanina..sabay sabay kaming kumain sa "mashpo" na naman....ganun tlga, masarap dun e.. hehe... (ako mark alec bea rhenz ivan wiggy paul christian jaki ara...pasensya sa hindi nabanggit...hehe)...naabutan din namin don sila bren ruena at si pau..(tama ba?)..hehehe....

(anu ba yan may hangover pa ako hanggang ngaun sa calculus. haha)...

halos wala akong maalala sa mga nangyari...hehehehehe... walang kwenta tuloy ang chapter 7...tsk tsk tsk....

eto na lang ang sabihin ko sanyo.....may bago nga pala akong paboritong kanta,...ewan ko kung matagal na to.. FOREVER by the ambassadors. maganda siya.....pinarinig sa akin un ni mark...tapos aun maganda nga... promis pakinggan niyo..hehehe

haaaay,,,anu pa bang sasabihin ko........wala tlga akong maalala..nakatulog kasi ako kanina.. hahahahaha...





JEM NAMIMISS NA TLGA KITA.............







SORRY T_T



bukas nlng ulit. pasensya.........

Tuesday, July 8, 2008

Makakalimutan ba Kita Kung Lagi Kang Nasa Isip Ko??

july 8, 2008

Siya nga pala si bukopie...hmmm...wala lang.. bakit ko nga ba siya nilagay dito.. NAMIMISS KO NA KASI SIYA EH... kasi naman.. bakit pa siya nagalit sa akin..

tungkol sa kaniya ung kwento ko sa chapter 1..dba?? hmm.. lam mo ba, magkachat kami kanikanina lang.. sabi ko sa kanya na sana bati na kami...kahit na hindi na sya magtext basta peace kami...ok lang sa akin..... isang letra lang nireply niya, pero kahit isa lang iyon...MEANINGFUL yon... "k"..yan lang ang nireply niya.. maaring mawalan na nga kami ng komunikasyon dahil jan.. nalulungkot tlga ako...pasensya na ha, ito lang ang magagawa ko ngaung gabi, aukong umiyak...sa katunayan hindi ako umiyak buong HS..isang beses akong umiyak ngaung college..tas baka paiyakin pa ako ni bukopie.......T_T

dahil sa nireply niyang "k"..cguro peace na nga kami..pero sa totoo lang sana naman bumalik sa dati....kahit hindi na nya ako tawaging bukopie..ok lang sa akin.. basta maibalik lang ung friendship.....haaaay..bakit naman ganito ang nangyayari sa akin ngaun!?.....

Ang ganda nya no!? swerte naman nun taong iniisip nya.. kumusta na kea si bukopie ngaun.....alam nyo ba kung anung stat message ko ngaun?? eto oh.."wala na bang special bukopie ngaun??.....wala kasi akong makita..T_T" nagPM siya sa akin...sabi nya "wala na".....tatawagin nlng kitang JEM ulit. pero hinding hindi ko makakalimutan ang tawagan nating "BUKOPIE"...

anu anu na bang mga nangyari sa atin??? mga masasayang oras na magkasama tayo.......natatandaan mo pa ba ung nagcmba tayo ng dalawang beses?? kasi naman walang mapasyalan sa atin sa laguna e. hehe....tas diba nung gabi nun, bumili tayo ng tigisang box ng choco mucho...favorite kasi natin un dalwa.... eh un kayang tinawagan kita sa cel tapos sabi ko..."bukopie"...un pala si lourd ung kausap ko. hehe...nahihiya ka daw kasi nun sabi nya sa akin....

ahh, ayan naman ung gitara ko na hiniram mo..ewan ko lang kung kelan mo kinuha yang picture mo...pero naaalala ko pa ung araw na pinahiram ko sau yan...
kasama mo pa nun ung kaibigan mong si candice na napakagaling magenglish......nagpadevelop kau ng picture tapos pinasunod mo nlng ako dun..dala dala ko na ung gitara ko nun..at ang pinakamagandang parte don..binigyan mo ako ng picture...nasa wallet ko pa nga un e hanggang ngaun....hehehe...tas dba, nagpunta din ako sa bahay nyo nun....dun pa nga ako pinakakain ng tanghalian eh...hehe.. pero hindi na ako sa inyo kumain nun, umuwi na rin ako nun...tas ikaw na ang nagsauli ng gitara ko sa bahay namin....nagtext nga si mama nun e, ang ganda mo daw. hehehe....

alam mo ba kung anung meron sa sept 17,2007???...wala lang. hehe. siguro hindi mo na tanda no?? pero un ung araw na pumyag ka na tlgang manligaw ako sayo nun.....monday yan kung hindi ako nagkakamali.. at nasa araneta ako nyan nanunuod ng UST vs FEU....xempre masaya ako nun kasi pumayag ka na e, dba??

anu pa ba, ay eto pa....ang kaunaunahan sa lahat...ung mahal na araw.. niyaya mo ako pumunta ng sinipian non..kasama si karla, at symond...tumawag ka pa sa bahay namin nun.. heheheh....tas pumayag ako..naglakad tayo ng malayo..pero ok lang kasma naman kita nun e....

napakadami pang nangyari satin....maraming dumating sa buhay mo, may dumating din sa buhay ko.......sobrang tagal tlga ng 2011, tlgang marami pang mangyayari...isa na tong nagalit ka sa akin.... kahit na sinabi kong hihintayin kita ng 2011...mukang malabo na un sa ngaun dahil sa mga nangyayari... haaay..

ngaun nasa up diliman ka na.. mas lumapit ka na sa akin...may mga masayang moments din tayo dito sa manila......sa UST kita pinasyal nung una mong dating dito......tumambay tayo sa lover's lane, nagkakwentuhan......sumunod ay sa sm san lazaro at sa sm north....kahit na maraming mapapasyalan dito, hindi ko pa rin akalain na sa kinabukasan ay magagalit ka sa akin.....

dati malayo ka kasi nasa up los banos ka.....bakit ganun, kung kelan mas lumapit ka sa akin, saka ka nagalit??

sana hindi ko na naitanung ung "NAKAMAMATAY" na tanung na iyon...ang tanung na sumira/pumatay sa samahan natin......nagSOSORRY tlga ako sayo.......

sana ung "k" na nireply niya sa akin ay nangangahulugan tlga ng aming pagkakaayos......sana mawala na ang pagkainis nya sa akin.... kasi minsan pag naiisip ko un, hindi ako makatulog......

ang tagal ko ng naghihintay sayo..pero hindi ako nagsisisi dun.....kahit na ganito ang nangyari, alam kong maayos to..at magbabalik din ung dati........



****july 9, 08
12:12am

Patatas Moment

grabe ang aking pagkapuyat. pano naman kasi, around 12:30am na akong nakatulog...haaaah, dahil sa pisika kaya ganun..hirap maganalyze takte... nagising ako kanina ng saktong 6am...buti nlng wala ng gumagamit ng C.R.. kea dirediretso na ako sa paghahanda ng sarili para sa mga susunod na oras...

anu bang araw ngaun? at anung nga bang meron? araw ng martes ngayon at may magaganap na PITASAN mamaya lamang sa di nalalamang oras...sa lover's lane. magkakasama na muli ang mga potato prospect ng buo...

maaga akong nakaalis ng boarding house... .. para magawa ko sa room ang hindi ko pa natatapos na assignment sa physics. isa nlng ang kulang ko don e.

masaya na naman ang lecture namin sa calculus kahit na inaantok pa din ako ng konti..dahil nga sa late ng nakatulog...galing tlga ni sir carbonell e.. sabi nga niya...wag daw namin sayangin ang oras kakalaro ng online games....dahil marami pa daw marami sa internet na pedeng pagkuhanan ng aral... kung magreresearch lang daw.. sang ayon naman ako dun..

hindi dumating si ma'am mae..ang prof namin sa literature. buti nalang at nagkaroon kami ng vacant period...inilaan namin ang oras na yon para makapagbonding sa isa't isa....

maraming nangyari sa loob ng isang oras na iyon.. lumabas ako ng klasrum para masinagan naman ng kagandahan ng araw... paglabas ko nakita ko sila eunice at bea na naguusap...wari'y may problema...hindi naman ako nagkamali sa aking hula...may problema nga. si eunice ay may problema.... kahapon, july 7 ng taong 2008, ay hindi nakasama si eunice sa aming pagaaral sana sa pisika...sa kadahilanang nawawala ang kanyang atm at ang kanyang susi....binalikan daw niya ang atm card niya sa quezon ave at nakita naman niya to.....bumalik siya ng dorm at nakita ang susi..ngunit nang icheck niya ang kanyang pera..nawawala na ito.... sino ang salarin??? anu ang motibo sa pagnanakaw? may klepto nga ba o wala sa dorm nila? (tumwag o magtext sa aming himpilan) sana makonsenya na un... "Help her God".........matagal tagal rin na nagkwento si eunice tungkol sa madramang nangyari sa kanyang kahapon...(mga nakinig kay eunice: ako, bea, ivan, leo)..

natapos ang isang oras ng pagpapahinga..at nagsimula na ang filipino class namin...oninyit, napitas dito si raz. haha.....pero wag na nating pagusapan iyon. hehehe...daldal ni raz e...naging masaya ang talakayan sa filipino kahit na medyo nakakaantok ito...

physics na ang sumunod sa filipino. last subject na to....konting oras nlng, magsisimula na ang pitasan...matutuloy kea?? sa katunayan nung magsisimula plang ang klase, ayaw ni rhenz matuloy ang pitasan dahil NEED daw nya na magvend...anu un?? haha.. d ko alam un e.

12nn na...tapos na rin sa wakas ang klase.. malapit ng mangyari ang main event ng kwento ko......inaasahan namin na maging kumpleto sana kami ulit ngaung araw na to...tinanung namin si recee kung sasama ba siya... susunod nlng daw siya...dun sya tumambay sa kaniyang kotse...bigatin..haha... si avis hindi makakapunta kasi may sakit...naiintindihan namin un......

kumain kami sa "mashpo"..(bansag namin sa isang kainan sa p noval, isang kainan na madalas may makikitang kang nagpPDA)..magkakasama kaming lahat ng patatas maliban kila recee eunice at avis...susunod din nlng daw si eunice....kasama rin namin ang naligaw na si leo... hehehe... iba ang sayang nadarama ko...dahil sa sila'y kasama ko....

pagkatapos ng aming pagsasalo salo, pumunta na kaming mga patatas sa aming tagpuan...kung saan doon kami magoopen forum...magpipitasan.. naghanap kami (ako, rhenz, ivan, mark, alek, homer, jaki) ng magandang pwesto kung saan doon kami maguusap usap.......habang si bea naman ay sinundo si eunice...

inip na inip na nun si rhenz...gusto na nyang umalis.. kasi nga dahil dun sa sinabi nya kanina sa akin...kaya naman nag takda siya ng 5minuto... kapag hindi pa sila dumating, aalis na daw siya..hindi na matutuloy ang pitasan..ang bonding moments.. 2 minutes nlng ang natitira ng dumating si recee ng nagiisa.. si bea at si eunice nlng ang kulang.....konting minuto nlng ang natitira...(matutuloy pa kea??? hmmm..sana naman).....isang minuto nlng ang natitira, segundo nlng....mukang d na sila dadating... pero may isang salita si bea..pag sinabi nyang tuloy..matutuloy un...thank God...sa loob ng isang minutong natitira...nakadating din sila.......

pinagdesisiyunan kung san ppwesto....at napgkasunduan ng lahat na dito...

ayan....yan ang lugar kung saan naganap ang hindi pa nalalaman kung masaya o malungkot na bonding moment naming mga potato prospect...

nung una..walang gustong mauna na magsalita o magshare ng gusto nilang sabihin....buti nlng nandiyan si jaki..at siya ang nagsimula ng lahat.... may kinwento siya sa amin tungkol sa "close" at "open"....ang pattreasure at ang paglelet go....tungkol yan sa kaibigan niya.... ang dating ng kwentong niyan sa akin ay parang isang intro...parang may gustong malamn si jaki sa amin na hindi pa nya alam......at tama nga.. sa huli ng kwento may sinabi siya.. kung meron daw siyang hindi alam tungkol sa mga nangyayari ay ishare na namin sa kaniya....pero kung ayaw tlgang sabihin, ok lang...baka matindi ang reason kaya ayaw sabihin..si bea ang sumunod....una hindi pa siya makapagsalita. dahil nangangamba siya na bka may mangyari pag katpos ng forum na un...tulad ng pagiwas....etc.. pero isang pangalan lang ang nasabi ni bea...un ay ang "recee"...

sa kalagitnaan ng paguusap....nagshare si rhenz, nagshare din si homer...
si rhenz muna...nagtatampo si rhenzkay ivan dahil sa siya daw ay nagbago... naging mayabang...si homer naman ay nagtatampo din sa akin...dahil parang lagi akong nangaasar tungkol sa kanya at dun sa isa pa...nagsorry naman kami.. buti nlng at sinabi nila un..para naman malaman namin ng maaga at mabago namin ang aming ugali......

hindi pa diyan natapos ang aming paguusap...hmmmm may napansin lang ako kay bea....ang tahitahimik niya...bakit kaya?? sana ok lang siya.........nagshare din si ivan sa kaniyang nararamdaman...namimis na nga niya si recee..parang nagbago din siya at hindi na ginagawa ang mga trip
na dati nyang ginagawa sa amin...tulad ng paghawak ng damit mo.... etc.. ngaung alam na ni recee na maraming nakakamiss sa kaniya..baka magbalik na rin sya sa dati...

si eunice ay nagshare din....parang may tampo rin kay rhenz...dahil sa sinabi kay ivan. pero hindi ganun katagal ang pagsasalita ni eunice dahil naiintindihan naman ni rhenz un...nagshare din si eunice tungkol sa knyang nwalang gamit.....
nagshare din naman ako tungkol naman kay homer....naiinis lang ako sa kaniya KAPAG nagdedebate kami...un lang.. hehe...pero hindi big deal un sa akin...un lang ung sinabi ko kasi wala naman akong masabing problema..kundi un lang. masaya nang kasama ngaun si homer....un lng tlgang pagdedebate namin minsan ang aking kinaaayawan.

si alec at mark naman ay hindi ata nakapgshare kasi busy sila sa pagppsp..hehehe...pero ok lang un..baka wala lang tlga silang makitang problema ngaun sa amin.....


syempre hindi naman laging malungkot ang topic namin...gusto ko kasi may saya rin..kaya hindi ko mapigilan ang magpatawa..buti nlng at natatawa sila.. mgandang tingnan kapag ganito ang samahan...sana wala ng tampuhan..iwasan.....inisan... atbp...

natapos ang aming pitasan bago mag 4pm.....sana naging masaya kaming lahat
sa nangyaring open forum sa aming mga potato prospect.....

palitan nlng natin ang salitang "PITAS"..at paltan ng "PATATAS"...para naman magandang pakinggan ang title ng chapter na ito.. "PATATAS MOMENT"


Monday, July 7, 2008

Sayang. Nakooooo naman.

quarter to 8am na akong nagising, bumangon ako siyempre...may gumagamit pa ng CR. tsk tsk..lunes ngayon. wala dapat akong pasok e. pero ok lang. kelangan kong tanggapin na may pasok ako ngayon. PE lang naman e. hehehe. advance basketball. baka sakaling may mangyaring maganda sa akin....asteeeeeg.

ang tagal ni jp maligo, kaboard ko...natapos siya ng saktong 8am. tsk tsk. pero kahit na ganun, nakapasok naman ako sa uniberesidad ng maayos at matiwasay. hehehehe.

naabutan ko sila mark at bea sa tapat ng engingeering building.doon ang aming tagpuan. hehe.. balak pa namin kumain pero hindi na natulloy kasi nakakain na si mark..tsaka malapit na mag9am. baka malate pa kami sa aming PE class. naabutan din kami ni dada...mayroon pa kasi siyang audition sa dance troupe ng engineering... (natanggap kaya siya? hmm...)...

dumiretso kami sa...anu nga bang tawag sa lugar na un na may bilihan ng siomai, zagoo..takte nakalimutan ko.....ahh basta doon kami nagpunta. gusto kasi nila ng zagoo e..eh kea lang pagdating namin wala pa. kea bumili nalang kami ni bea ng waffle..ewan ko kung anung binili ni dada... ang binili ni mark ay nestea na ang presyo ay tumataginting na 15 pesos...tsk tsk....ang mahal.. nga pala, american hotdog ang flavor ng waffle namin ni bea. hehe...lasang hotdog pero hindi lasang american..ahah...after that (sabay pahed na naman sa dumudugong ilong)..diretso na kami sa victoria court (uuuuuy mukang nagkamali ako ng type ah..haha)....este sa basketball court. si dada naman pumunta na noon sa kanyang audition at sinamahan siya ni bea...haay nako ang layo layo ng court. takte....hindi pa nga naglalaro pawisan na. pano sa p.noval court pa kami kelangan pumunta...eh sa tapat lang ng engineering building ahhh may court na...ang dami pa.

hindi muna kami pumasok ng court..instead (sabay pahed na naman. anu ba yan..pagod na ako kapapahed sa ilong..)..lumabas kami ng campus. nagsiomai muna ako. 20 pesos, apat na piraso. nilagyan ko ng hotsauce...sabay kagat... sabay umusok..sabay namula, sabay bili ng tubig..sabay inom...aun sa wakas natanggal din ang anghang....si mark nagpaxerox nung sa p6. may assignment kami dun e. (hanggang ngaun hindi ko pa nagagawa. hehe)..

pagkatapos ng umuusok at namumulang pangyayaring iyon..diretso na kami sa court..dumating na rin nun si homer.,,,ang ginawa lang naman namin ay nagbayad para sa jersey ng aming PE. advance basketball nga kasi dba?.. pagkatpos nun, pinagpraktis kami ng shooting....

2on1 daw...ang hamon sa akin ng dalawang naggagalingan at nagsisitangkaran at may malalaking katawan (salvador??..este.)..ooooyyy bago kau magulantang..kabaligtaran ang lahat ng iyan.........na sina homer at mark... kahit na bago palang si mark sa mundo ng basketball..at si homer ay may alam sa basketball..pumayag na ako.. para maturuan ko na din silang dalwa.....hindi ng leksyon ha..kundi ng pagbabasketbol....

sayang.......hahaha..dapat sineryoso ko e. natalo tuloy nila ako. 10-9 ang iskor. pero ok lang un kasi naman..oo nga naishoot nga ni homer ang bola sa ring pero travelng naman siya. hehehehehe..pinagbigyan ko lang na counted un. hahaha...

niluto kami sa sobrang init....anu ba yan..mahilo hilo na ako nun e..kea pahinga muna...at ilang minuto lang ang nakalipas..dinismiss na din kami.. palet palet na ng damit.doon kami nagpunta sa male shower sa gilid ng ust sa may tapat ng bilihan ng pe uniform na katabi ng gym...(o cguro ung mga tomasino diyan, alam na kung san na un)..

nagpahinga muna kami sa katabing pavilion..at aba may dalawang HINDI dalagang pilipina na ang gaganda, mapuputi, atletic, mahaba at maikli ang buhok (mas type ko ung mahaba ang buhok), chinita, at may KOTSE...OMG thank you Lord for your beautiful creations. sabay tunog ni homer ng "wang wang wang wang wang"....ibig sabihin maganda tlga. hehehe...iyan ang kalandian ni homer......sayang na naman hindi namin kilala. haha.

napagisipan namin na sa engineering building nlng magpalet ng damit...para naman maganda at feel at home..engineering students kami e..dun kami dumaan siyempre kung saan masisilayan pa rin namin ang dalwang HINDI dalagang pilipina.

naku naman, nasa tapat ng engineering building ang aming dean na si Engr. Peter Lim...natakot pa nga si mark e. hehe.....atras daw sabi nya. pero anu ka ba, wala lang un, magpapalit lang naman tayo ng damit e..un lang un.. paglapit sa entrance..kinausap lang kami ni dean at ang sabi lang ay huwag daw magtsitsinelas.....

nasa loob na kami...nakapagpalit na din ng damit (nakamides nga ako e. hehe..intramural shirt namin nung HS)....at naisipang puntahan ang nagaudition na si dada....nakasayaw na si dada pero hindi pa alam kung pasado pa siya..naghintay pa kami ng ilang oras (ang paghihintay na to ay nakatakda na para mangyari ang pinakaSAYANG na parte ng kwento ko...kaya humanda kayo).....may pinakilala si dada sa akin, kea lang may problema, nakalimutan ko na naman ang pangalan...anu ba yan....hmpppp. dalwang babae un, nagaudition ata ung isa tas ung isa ata ewan ko, basta nakauniform e....aun.....hindi pa pla sasabihin kung tanggap si dada..matagal pa pla ang hihintayin...kea eto na naman, napagdesisyunan ulit namin (ako bea mark homer.....F4) na kumain na ng tanghalian...pasado 12nn na rin nun e..

sa "orange" ulit kami kakain...lumabas na kami ng bldg...(malapit na ung cnasabi kong nakatakda..huwag kaung maexcite). naglakad na kami papuntang "orange"..nadaanan ang "beanhoppers", "goldilocks", "ung cnasabi kong may zagoo, siomai house", "gilid ng mcdonalds"..sabay liko pakaliwa pagdating sa duo ng gilid ng mcdo...nakacap ako nun, nakatingin sa nilalakran at NANGYARI NA NGA ANG PINAKASAYANG SA LAHAT...hindi ako makakatulog nito (charing)......

homer: ui dionglay, nakita mo un???

dionglay: cnu???
(sabay tingin sa likod)

dionglay ulit: si RONA??????

waaaahhh anu ba yan...bakit ganun...bakit hindi ko nakita... bakit ikaw lang homer ang nakakita..............bakit???? BAKIT???????????? BAKEEEEEEEETTTT??????? (exag na to. haha)...

sa lahat ng hindi pa kilala ang aking ULIMATE CRUSH NA SI RONA..ETO XA:

patay kau sa hitsura niyan....SAYAAAAAAAAAAAAANG TALGAAAAAAAAAA.. AMPPPPPPPPPPP........NASA HARAP KO NA HINDI KO PA NAKITA......ANU BA YAN.. bakit ganun, kung sinu ung ultimate crush mo..siya ung hindi mo makita kita...samantalang ung iba,, nakikita nila,,, nakakaasar.....isang napakalaking SAYANG tlga un........waaaaaaaaaahhhhhhhh nakakainis.......grrrrrrrrrr.....roaaaaaaaarrr..
(exag ulit..hehe..)

hindi bale..darating din ang araw na makikita ko siya ng personal...ung makakausap..makakasama... kea lang kelan kea mangyayari un????? huhuhuhu....

hinayaan kong lumipas ang kalunos lunos na pangyayari....pero sa isip isip ko, sayang talga... xempre..maiintindhan nyo na naman ako.......sa katunayan, hindi pa din ako makapaniwala na dumaan sa harap ko ng hindi ko namamalayan si Rona....kea bumalik kami, tiningnan namin dun sa hindi ko nga alam ang pangalan na may tindahan ng siomai at zagoo...aun.. haaaaaaayy..

ocge ok lang, tuloy tuloy lang kami sa paglalakad..hanggang marating na namin ang kaharian ng "orange"...whew, nakakagutom maglakad...masarap kumain.. honey beef ang inorder kona may kasamang C2, ganun din ang kay mark wala nga lang C2...chicken sisig ang kay bea..sarapppp..hmm.. pork teriyaki ang kay homer...kung hindi ako nagkakamali...ang sarap ng tanghalian lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo..at siyempre kapag may magagandang babae na kumakain din sa fastfood na un. hehehe......

pagkatpos nun, magaaral na kami...binalikan namin si dada sa engineering bldg..hindi pa rin siya tapos...hahahaha..

teka bago mangyari un.. pagpasok sa bldg, napitas ako ni manong guard...tsk tsk...bawal daw ang nakashorts..pero pinagbigyan pa rin ako ng chance para makapasok...5 mins lang daw para bisitahn ang kaibigang si dada.

nang malamang hindi pa nga tapos ang babaeng iyon, lumabas na kami ng building..at tumambay sa pavilion ng engineering....hindi na kami dumiretso sa library kasi baka hindi rin kami papasukin dahil makashorts nga ako..atsi mark nakamaong din na shorts..

tinext nga pla namin si eunice nung maga..para sa isang review..

actual message:

"may grup study tau sa calculus. kung gus2 nyo d2 na maglunch, punta na kau d2 ng 11am or 1pm. kitakits. dala kau buk sa p6. ptxt c maricar. ty"

yan ang message na pinadala ko kay eunice..
si maricar ang unang nakadating...si eunice naman, hindi nakadating, kasi naman may nakalimutan ata siya sa quezon ave...atm ata at susi ng kung anu...si homer nakauwi na din nun...

apat nlng kami..ako mark bea at ang bagong dating na si maricar.. para makagawa kami sa physics..kinuha namin ung laptop at nagsimulang magsulat.
bumili muna si bea ng zagoo..(sa wakas nagbukas na, malamang, hapon na e.).. kea lang sayang naman ang pera kasi, hindi daw nya naramdaman ang kaluluwa ng binili nyang zagoo na hindi ko alam ang flavor....matubig daw kasi. hehehe...ganun din ung kay maricar..bumili din ako...at ganun nga din, matubig nga habang tumatagal ang paghigop sa zagoo (tama ba ang term?hehe)......

natapos ang aming kasiyahan sa isang magandang kwentuhan at samahan...kahit apat lang kami..masya pa din kami.... kahit maraming sayang ang nangyari ngaung araw na ito...hindi naman nasayang ang pagpasok ko dahil sa bonding naming apat....

nandito na ako sa bahay, hindi ko namalayang gabi na pala...hindi pa nga ako kumakain e...hehehe.......

ibang klaseng sayang......

Sunday, July 6, 2008

Priceless na Patatas (tatak P.P.)

hindi pa ito ang chapter 5 ha. hehehe.....dahil sa hindi pa nga ako inaantok, ito nalng muna ang pagkakaablahan ko.....hehe..

masarap magkaron ng mga tunay na kaibigan. kea lang mahirap makahanap ng mga taong ganun.

ngaung college na ako, nararamdaman ko lagi ang presensya ng mga kaibigan ko. at tinuturing ko na silang tunay na kaibigan at kapamilya na din..... sa simula ng pasukan nung first year first sem, nagsimula ang lahat...

kinakabahan ako sa unang araw ng klase. anu kea ang mga mangyayari..cnu kea ang mga magiging professor ko, sana hindi terror,sino kea ang makakasundo ko..ah basta.. marami akong naiisip nung araw na un....pumasok akong gusot ang aking uniporme.sabi kasi ng landlady namin na ok lang daw un kasi unang araw palang naman ng pasok e. so sa isip ko, oo nga naman. ok na to....

si HOMER.
pagkatpos kong magalmusal. hinanda ko na ang aking sarili para sa unang araw. tinitingnan ko ang reg form. at rm210 ang nklagay na rum.section 1-9 ako. "san kaya un?"..yan nlng ang pumasok sa isip ko na pede kong itanung sa guard.

dionglay (walang alam sa lugar): guard san po dito ung rm210? section 1-9 po?

hindi pa nga nakakapagsalita ang guard, may lumapit na agad sa akin....

homer (noon ay hindi ko pa kilala): ay tol, section 1-9 ka? ako nga pala si homer. parehas tayo. tara sabay na din tayo. kanina pa din ako dito e. (sabay akbay sa akin na akala mo'y close na kami).

sa isip isip ko nlng, aus tong lalakeng to ah. homer pala ang pangalan nito. kala mo'y close na agad kami. pumasok sa isip ko na baka siya ang hindi ko makaintindihan sa klase. un pala hindi...habang tun=matagal nakikilala ko si homer. masipag, matalino, palakaibigan, mapagmahal.

isa si homer sa mga tunay kong kaibigan. kahit na ganun siya kung magsalita, kumilos etc, alam nya pa rin ang kanyang limitasyon.

si RHENZ.


ang tagal dumating ng prof. leche. iyan ang nasa isip ko noong first day ng klase. badtrip na tlga ako nun. UST pa naman..tapos walang prof. anu ba yan.. dahil sa iba na ang mood ko, lalo pang nagiba ng makita ko ang isang lalaki na lakad ng lakad sa harap ko. takte, nakakaloko na to ah. ang yabang maglakad. kala mo siga. yan ang first impression ko sa kanya.....ang lakas ng boses, takte..kala mo may bagyo sa sobrang lakas ng hangin. anu ba yan.........

nakilala ko si rhenz dahil nagkasabay kaming kumain sa "mangiare"...nayayabangan pa rin tlga ako sa kanya..tawagin ba naman kaming bataan niya. aus tong lalakeng to ah.

siya rin mismo ang nagbago ng pagkakakilala ko sa kanya. mabait pala tong mahangin na to. marami nangyari sa buhay ko kasama siya.... at iyon ang d ko inaakala...

nagsimula ang lahat sa pagtulong niya sa akin sa pagkuha ng nakalimutan kong notebuk sa classroom. magkasama din kaming nagbabasketbol sa cubao. magkasama din kaming kumain sa mini stop. natulog ako sa kanilang bahay. nakipagkwentuhan.at marami pang iba.....

tinuturing ko na si Rhenz ngaun na isang tunay na kaibigan....dahil sa siya ay siya at wala ng makakapagbago nun.

si RECEE.


grabe..algebra na. nakakakabado. terror ba ito????? sana naman hindi...

sir lopez (na dati'y hindi ko pa kilala): magbigay kau ng mga natutunan nyo sa algebra nung highskul.....hmmmm....CRUZ, recee...
recee (seatmate ko): hmm sir hmm.......tungkol po sa hmmmmm....

hanggang sa wala nang nasabi ang babaeng ito.......nakasalamin pa naman..
nung araw na iyon..natatawa ako sa kanya kasi naman siya agad ang unang napitas. kababaeng tao pa naman....pero lumilipas ang panahon....grabe. sobrang talino pala ng babeng ito. tama, nakasalamin kasi. mahilig sa manga si recee....sa anime at favorite nya ang star.. etc. siya ang kaunaunahan kong nakilalang babae..kasi nga naman seatmate kami...nagpapakopya, asteeeg..naalala ko tuloy nung english tym.....grabe. hehe...kame lang dalwa ang naka 10. ang ginawa ko nlng para hindi mahalata, binago ko ang skor ko at ginwa kong 9. hehe. bait tlga ni recee. iglesia ni kristo pla ang kanyang relihiyon pero kahit ganun, nagkakaintindihan naman kami.. hehehe......

masya si recee kasama, kasi naman..natural na natural na babae. maraming hindi alam..hahahaha...joke. dun lang sa mga artista at palabas sa tv siya maraming hindi alam. ehehe... hindi nya alam ang pinoy big brother. hahahaha

iyan si recee...tunay na kaibigan yan. minsan sa bahay pa nila kami nagrereview..kaming buong patatas,..nakakamiss na nga e.....cee. hehe

si BEA.
ang tangkad ng lalakeng to ah. hula ko rakista na to. lagi kasing naka rak en rol e. naka earphone..at maraming alam na banda......

ayan na naman ang mga lalake ng 1-9. magdodota na naman. panu ako makikisama? hindi naman ako marunong magdota...tsk tsk tsk.. wala akong makakasundo sa mga to...

si bea na cguro ang pinakamabilis na nakilala kong mgtype sa balat ng lupa. adik tlga sa computer..paltan natin ang salitang adik...mahilig tlga sa computer. parang inilaan na nya ang kalahati ng buhay niya sa pagkokomputer..kea malabo na makasama ko to........iyan ang first impression ko kay bea (seth tlga ang nickname niya..surname niya ung bea).

nagbago din yan ng naksama ko na siya...nakalimutan ko na nga lang kung san un...basta magkakasama kami sa mcdo kumain....nagkwekwentuhan... hanggang sa unti unti ng gumagaan ang loob ko kay bea....ngaun ngbago na ung first impression ko sa kanya...

hindi siya nangiiwan ng kaibigan..totoo magmahal.kita naman kasi sa mga reaction at kinikilos nya...tahimik siya minsan..at hindi nakikisama..pero leader talga ang tingin ko sa kanya ngaun....pag wala xa parang watak watak ang potato prospect....tsk tsk.ibang klase ang hatak ni bea sa mga kasamahan niya... friendly kasi at marunong makisama...siya rin ung taong hindi nagpapapicture..hahaha...ewan ko ba

tunay na kaibigan si bea..hindi nangiiwan at may isang salita....

si AYBAN.
isang araw sa klasrum..nagtanung si recee kung marunong daw akong magdrawing. sabi ko "oo marunong naman ako bakit?"... sabay turo ni recee sa isang lalakeng nakatalikod na buhok lang nyang kulot ang aking nakikita... "anu naman tungkol sa kanya?"......"magaling kasi un magdrawing eh".....

eto example:


lagot kau jan...hahaha..yan ang drawng ni ayban na iniscan ni recee. ang galing no. dati pinapakita lang sa akin ni recee ang mga drawing ni ayban....hanggang sa nakilala ko na siya. bigla ko nlng siya naksama. hehe. panu nga ba kami nagkakilala??? hehehe...hindi na un mahalaga, ang mahalaga ay nakilala ko si ayban...at hindi ako nagsisisi doon.... kaclose ko na tlga si ayban ngaun....
magaling kumanta, magdrawing, magiba ng boses....atbp...talentado ika nga....

ibang klase ang sayang mararamdaman mo kung si ayban ay magiging kaibigan mo...


si AVIS.
unang araw plang ng klase...nagpatawa na tlga ang lalakeng ito. magpapakilala kasi kami noon e....sabi nya skolar daw xa at gusto nya daw maging lawyer. haha. e engineering ang kinukuha nya..naku naman......

first impression ko dito..mukang siga na to. ewan ko kung naaalala pa niya... may pumasok sa classroom namin na hindi namin mga klasmeyt.....sabi nya sa akin..."hindi nila kaya to".. sabay turo sa kanyang nagliliitang mga muscle. hehehe....

nakilala ko pa si avis ng matagal.. may mga araw kasi dati na kami ay magkasabay lagi...naging kaclose ko xa.... nauntog nga ako sa poste dahil sa kanya....naglolokohan kasi nun e. hahahaha..habang naglalakad...hindi ko npancn na may poste pla..aun untog. sugat nga e,,sa may mata.. sumakay siya sa trip ko nun, sabi ko, kunwari may sumuntok sa akin.hahaha

masayang kasama si avis...natural lang din xa. at mgaling sa rubic's cube.. asteeeggg..tunay na kaibigan, tunay na iskolar...

si JACKIE.
isang tahimik na dalagang pilipina.haha pero pag kasama mo, isang salita plang niya...tatama tlga sa puso mo. tulad nlng nung sinabi nya kay rhenz na "BABUI" hahahaha.....

si jackie ang sandigan namin sa chemistry. ang galing nya e. at may kuya rin xang imortal. hahahaha.. imortal sa katalinuhan. ibang klase si jackie... kahit na tahitahimik lang,mararamdaman mo pa rin ang presensya nya. mabait si jackie, matalino at palakaibigan..... nakikisama din si jaki sa mga trip namin.... tulad nung sa bday ni ayban...sa panghahampas kay recee pag nakakakita ng kubang kotse.....at bumabanat din si jackie ng mga jokes....hehehehe... jokes tungkol sa mga hayop... hehe... mahilig magbasa si jackie, kea naman book na may pamagat na "ugly" ang binigay namin sa kanya nung nagdebut siya. tumutulong sa amin si jaki kapag kelangan na tlga namin ng tulong...tulad nlng nung sa turbo c....siya ang naging inspirasyon namin kaya kami nakagawa at nakapagpass ng program.. hehehe.. slamat jaki...

walang problema sa babaeng ito...totoo iyon.. masaya maging kaibigan..

si MARK.


recollection noon, at may pinapapasa na kung anoo....directory ata ng mga klasmeyt namin....katabi ko nun si mark, at dun ko siya unang nakilala... kala ko siga..kasi naman, dun xa nakikisama sa mga magugulo at maiingay. hahaha.

simula nung makilala ko si mark, lagi na kami sabay umuwi.,kasi naman parehas lang kami ng dinadaanan...taga balic balic kasi siya,,e ako taga cayco st. dati. kea ganun... tsaka cmula first year college classmate ko na to...sa lahat ng subject kahit na pe..kahit sa sumer class...hanggang ngaun...kahit sa nstp klasmeyt pa din kami....

may minamahal si mark.si tetay. hahaha. tama ba?? mataray daw si mark sabi nung iba.. hindi naman tlga sila nagkakamali. ahaha. mataray talga to, naninigaw, at nanghahampas..kahit na babae ka pa..hahaha...pero hanggang dun lang ang pagkakakilala nyo sa kanya...subukan nyong lumapit sa kanya, makipagkwentuhan....sigurado akong makikilala nyo siya ng husto.....

hindi rin nangiiwan si mark...at tlgang marunung makisama. at chickboy. hahahahaha

si ALEC.


nakilala ko si alec dahil sa seatmate siya ni mark. unang tingin ko palang sa kanya..lalakeng lalake ang dating..kea hindi na ako magtataka kung madaming may gusto sa kanya.

listener si alec. sa lahat ng kwento ko o sa lahat man ng sabihin ko nakikinig siya. nagoopenup din siya sa amin. sa katunayan may kasalanan nga ako kay alec e.pero nevermind na un...kasi nakalipas na un. hehe..

tawag ngaun kay alec ay salvador kasi naman, el cuerpo fanatic to. hehehe.. mahilig din siya sa mickey mouse. haha.....tanda ko nung nagpunta kaming apat nila bea mark at alec sa greenhills..nakaspot siya ng isang tsinelas na may mickey mouse...hahahaha...at tlgang sinukat pa nya kahit na pambabae pa un... pero hindi naman niya binili. ehehe....

magaling si alec sa english. nung 2nd sem nung first year, siya ang leader namin...swerte nga namin e. hehehehehe

naging kaclose ko si alec kasi hindi naman siya mahirap pakisamahan...mabait, matalino, at palakaibigan din.

si EUNICE.
first year, 2nd sem na namin naging klasmeyt ang babaeng ito. malii, payat at mukang bata...hehe...

nakilala ko si eunice kasi naman, hinatid ko siya nun sa kanilang dorm kasi malapit lang naman siya sa sinsakyan ko e... umuulan kasi nung araw na un..wala akong payong buti nlng meron siya....tahimik pa ako nun sa kanya kasi tahimik din siya sa akin..pero habang tumatagal umiingay na ang bruha. hahahaha.......

matalino si eunice, chem eng e...kea magaling sa chem. kamukha niya si mam andres, ang prof na nambagsak sa akin sa kem. nakakainis. haha. pero ok lang....nangyari na un e.....ok balik na tau kay eunice, natutuwa ako kay eunice kasi sinasabihan nya ako ng mga sikreto niya....at napatunayan ko naman sa kanya na trustworthy ako.

kahit na lagi kaming nagaasaran..alam kong tunay kang kaibigan....

POTATO PROSPECT..



sa bahay nila recee...


kila recee ulit



POTATO PROSPECT ang tawag sa amin. cguro alam nyo na naman ngaun kung bakit priceless e anu...

tlgang masarap may kaibigan kau na tumutulong sa inyo kapg may problma kau.....diba? sana maging solid pa tau ng husto..para hanggang sa pagtanda natin, hindi tayo nagkakalimutan...

mahal namin ang bawat patatas.....


PRICELESS POTATOES.....that's all.^_^


Linggo Ngayon Ah!?

whew! dahil sa puyat at sobrang antok na nararamdaman...hindi na namin narinig ang nagsusumigaw na alarm clock ng aking celphone. pero nagicing padin naman kami. around 8:15 na kami nagising....at 9am pa ang pasok nitong si Rhenz. may orientation kasi kami ngaun ng NSTP e..ako naman 11am pa. nakaidlip ulit ako at pagmulat ko nakaaus na si rhenz, handa na sa pagpasok sa unibersidad. sumabay na ako sa kanya. uuwi na rin kasi ako nun.

sumakay ako ng jeep. sa unahan ako nakaupo, sa katabing upuan ni mamang tsuper. napatingin ako sa salamin...at napaisip.."gwapo ko pala kapag bagong gising"..hahahahaha...anyway..

nakadating ako sa bahay sa craig st ng 9:30am. nagpahinga ng konti, kumain, at naligo na din. pero grabe pa din tlga ang nararamdaman kong antok. kasi naman around 3am na kaming nakatulog tapos aga pang nagising. haaay..kwento kasi ako ng kwento eh, ayan tuloy napasarap. hehe. tapos na akong magaaus ng aking sarili ng mga 10:15am..at pumasok na sa unibersidad. ngunit dahil nga sa antok, nakalimutan ko pala ang aking registration form. "anu ba yan" sayang sa pamasahe...bumalik ako sa boarding house at kinuha ang aking naiwan. at balik na naman sa UST. nakadating ako sa ust ng quarter to 11. eh dapat 10 minutes before 11am dapat nandun na. buti nlng hinintay ako ng mga kaibigan kong patatas (mark, homer, bea, alec, jackie) at kasama din nila sa patrick.

nakadating kami sa building ng commerce-ab ng saktong 11am. buti nlng hindi pa nagccmula ang orientation...

unang basa ko sa pangalan ng prof.....nasiyahan na ako, kasi naman kapangalan nya ang crush ko..si RONA...kea lang malayo ang mukha. hehe. dahil lang sa pangalan kea ako nabuhayan..kea lang nung nagsalita na xa...awts, nakakakakakakakakantok talaga....haaaaaaaaaaaaaaaah. hindi ko mapigilan ang pagpikit ng aking mga mata..gustong magpahinga. buti nlng nagising ang kamalayan ko, haha, kasi naman, may isang engineering student na umepal. hahahaha.. 11-12am ang pasok namin....dumating xa ng quarter to 12. haha..kumusta naman un, ang aga diba? sa kabaligtaran..pinitas tuloy siya ni ma'am Rona..ang buong diskusyon ng aming instructor ay umikot lamang sa eleap. sabagay, un lang naman ang gagawin namin buong sem..ang magonline at maglog in sa eleap. hahaaay...antok na antok na ako..buti nlng at tinapos na nya ang kanyang orientation bago plang mag12 ng tanghali.

ang dami talagang magagandang babae sa commerce-ab...haaay nagsawa si homer. este nagsawa kami. haha

tanghali na nun..so kelangan naming kumain..dahil kung hindi siguradong ang isa ay tataob. naisipan namin kumain sa jollibee-dapitan. dun lang kasi malapit ang building na pinuntahan namin e. hinintay pa namin si Flow at si Ara. unang dumating si Flow na kasama pa nya ang kapatid nya na soon to be thomasian na hindi ko naman naintindihan ang pangalan. tsk tsk...sumunod na dumating si Ara. pagdating nila, diretso na kami sa jollibee...

sa jollibee, habang nakapila, nakakita si mark ng simcard sa sahig. smart. hehe. tinesting ko, gumagana pa. aus.

ako na pala ang oorder. isang C1, at dalawang burger steak.. isa sa akin kay bea at kay ara. sa akin pinabili ni leo ehh..habang umoorder, nakauwi na pla sila paula, flow at ang kapatid nya, at homer...kala namin kasabay namin silang kakain,pero hindi pala. pero ok lang....kasabay ko pa din naman kakain sila mark bea leo at ara. umalis din naman agad si ara pagkatpos niyang kumain kasi meron pa siyang orientation sa NSTP.

wait, bago nga pla kumain, nagkamali pala ako ng order para kay bea, kasi naman sabi ni leo..kahit anung softdrinks daw basta walang ice...un namang crew eh hindi naman ata kami nagkakaintindihan...nakakainis. hahahaha.. pero ok lang....

busog na busog na kami. ang sarap ng kain namin kasi naman malamig sa jollibee-dapitan e.hehe. naglaro muna si bea ng Dj portable sa PSP ni mark..pahinga ba..kasi mga busog nga naman. pero pagkatpos nun, umuwi na din kami.....humiwalay sa amin si leo. si bea naman diretso sa pacific...magdodota na naman ata. hehehe. so si mark na naman ang kasabay ko sa paguwi.

haaay, nakakapagod ang araw..linggo ngaun dapat nagpapahinga kami, dapat walang pasok. siguro kelangan ko na tlgang masanay bilang isang kolehiyalo (tama ba? hehe). sabagay twing linggo naman tlga kasi ang NSTP.......

nakakapagod tlga ngaun, at nakakaantok din...tulugan na naman..ay hindi muna pala ako matutulog kasi sayang ang UNLIMITED. nagunli kasi ako e, dahil kay Flow, natouch kasi ako sa kanya..^_^

Sa Bahay Ni Rhenz

kahapon, july 5.2008 ay napapgkasunduan namin na matulog sa bahay nila Rhenz.. kea naman kagabi ay hindi na ako nakapgonline.

sinabi ko kay rhenz na 8pm na lang ako pupunta sa kanila pero nakaalis ako ng boarding house ng 8:30pm. bago ako pumunta sa bahay ni rhenz,dumating ang dating border ni ate amy na si joy....ayaw nila akong paalisin dahil magpapainom daw siya. kea lang,la na akong magagawa. nakakontrata na ako kay captain ball e (charing!). umalis ako ng bahay na pera lang ang dala ko. hindi na ako nagdala ng mga damit kasi naman isang gabi lang naman ako dun.

naabutan ko si rhenz na naglalaro sa DC link (computer shop), parang binagyo ang muka, inabutan ng matinding unos, binagsakan ng dumi ng mundo sa sobrang badtrip siguro. tinanung ko siya kung bakit...sabi nya..."Shett pare talo na naman kami sa........(hindi ko maintindihan sinasabi nya e kasi naman hindi ako mahilig sa online games.) sabi ko, "aus lang yan..o kumusta naman ung laban ng UST at UE?"....hindi rin daw niya alam,kea nagGM xa sa ym kung cnu nga ang nanalo......unfortunately (sabay pahed sa ilong na dumudugo), talo daw ang UST. tsk tsk.malas tlga. ang panget na ng laro ng mga varsity ng UST.

naging word of the night ni Rhenz ang salitang "TALO"....talo sa online game at talo pa ang manok nya sa uaap (UST). haaay nako malas ang gabi dahil puro talo ang nangyayari..

konti nlng ang natitira nyang time sa paggamit ng computer kea naisipan na namin na maglogout na at pumunta ng mini stop. nagbalik na naman ang dati....ang bonding tym namin sa ministop habang kumakain ng cup noodles lapaz batchoy sa kanya at bulalo naman sa akin. dun plng nagkwekwentuhan na kami. GUSTO DAW NYA MAGKAROON NA NG LOVE LIFE. ang sagot ko lang "e di manligaw ka na sa klasrum"........

ay teka komercial muna.....habang pumipili kami ng bibilihin sa mini stop, may pumitik sa tenga ko, pagtingin ko, si Lucille pala, naging klasmeyt at schoolmate ko nung highschool sa St Mary's Academy of Nagcarlan, Laguna. wala lang, nabanggit ko lang kasi nanaba siya e.hehe.

ok balik na ulit. pagkatapos namin lumamon ng cup noodles at lag-okin ang isang bote ng C2, sumibat na din kami at tumuloy na sa bahay ni Rhenz. sabi ni rhenz may gitara daw..pero hinahanap ko, wala ako makita. un pala kinuha na nung may ari. tsk tsk tsk. sayang naman. rak en rol na sana.....wala na kaming ibang magagawa kundi ang magkwentuhan tungkol sa kung ano ano. buti nlng may kumatok sa pinto at may ibinigay.......isang JUMANJI...este CHESS BOARD pla. aus to, may malalaro na din sa wakas.... nagkahamunan, nagkatitigan, nagliliyab ang mga mata, uhaw sa pagkapanalo....nakailang laro rin kaming dalwa ni Rhenz..cguro lima un.kasi dlwang beses akong nanalo at 3 beses siyang sumuko...hahaaaay, anu ba yan Rhenz TALO ka na naman...ok lang yan....hehe.. 5-0. tsk tsk tsk. bawi ka nlng next time....dahil sa ang swerte ni Rhenz ay unti unti ng lumalayas sa kanyang pagkatao, naisipan na namin tumigil sa paglalaro at ipinagpatuloy nlng ang aming napakagandang kwentuhan tungkol sa LOVELIFE. gusto na daw niya kasing magkabf eh este gf pala. (kung gusto nyong malaman ang detalye ng aming pinagkwentuhan ipm nyo lang ako. eto ym ko angelo_thomasian100@yahoo.com, bawal ipaglantaran e. hehe)....napagkwentuhan din namin si flow. kasi naman lagi nyang cnasabi ang mga katagang "Shut up"..."eto panget pa din"....haayy, dapat confident xa. kea hindi xa nagkakaboyfriend eh.........

dionglay: flow panu kung sabihin ko saung ang ganda mo????
(ineexpect kong sabihin nya ang thank you)

flow (walang kabahabahalang sinabing): shut up dionglay

hahahaha..anu ba yan...

..ganyan ang pagkakakwento ko kay Rhenz tungkol kay flow.....

ang bilis ng oras..alas dos na pla......sabay pinatay ni Rhenz ang ilaw...OMG, sobrang dilim tlga wala akong makita.....T_T

dionglay (nagiiyak-iyakan): rhenz, buksan mo na ang ilaw...cge ka hindi kita patutulugin.....hala rhenz may dumaan sa harap ng pinto.......waaaahh... cge na buksan mo na ang ilaw

rhenz: HAHA, anu ka ba dionglay, bahala ka

dionglay (may naisip ng trip): BLOOOOOODY MARY.....BLOOOOOOODY MARY.....BLOOOOOOOOOOOODY MARY........HAHAHAHA.. cge na buksan mo na ang ilaw...

haha...hindi rin napigilan ni rhenz ang nadaramang takot..at binuhay nya rin ang ilaw, haha. anu ba yan...un lang pala ang dapat gawin...tsk tsk.

tiningnan ko ang aking relo, hindi na namin namalayan na 3am na pla....at hindi na rin namin napigilan ang aming pagod at ang antok......at kami ay nakatulog na ng mahimbing......zZzZzZzZzZzZzzzzz...

Saturday, July 5, 2008

Unti-unti ng Sumasaya

Maaga akong bumangon kanina. 6am, ngunit grabe pa rin ang nararamdaman kong pagkaantok. panu ba naman, anung oras na naman akong nakatulog kagabi. naiisip ko pa din si bukopie.. magtetext na kaya siya ngayon? hmm. sana.. ngunit pagkatapos maligo, hindi ko na iyon inisip dahil kelangan ko ng mamuhay ulit ng masaya kasi naninibago na din sa akin ang mga klasmeyt ko e.

"Kelangan masaya". Iyan lang ang nasa isip ko habang nakasakay sa jeep. Una kong nakitang kakilala at klasmeyt na din ay si Flow. sinabayan ko siya ng paglakad..pero tingin ko hindi niya ako nakilala..sabay tingin niya sa akin..tipong nagulat siya ha. anung ibig sabihin nun?? hmp. Sabay kaming pumasok ng Engineering bldg. Ooops, nagulat ako dun, wala siyang ID ngunit nakapasok siya. tinanong ko siya kung nasan na ang id nya. un pala matagal ng nawawala. si flow talaga.hehe. takte nakalimutan ko may quiz nga pla sa filipino, nako kelangan ng manghiram ng libro.sinu keang meron? hmmm...haay bahala na nga. hehe. alam ko na naman ang mga katangian ng wika eh.

Analytical Geom ang unang subject namin kanina. hindi pa siya ganun kahirap kasi simula pa lang naman ng first sem eh. masayang magturo si sir butch carbonell,"d best" ika nga...halo halo ang cinasabi nya pero kahit ganun, sigurado akong maiintindihan mo ang lecture nya. lumipas agad ang dalwang oras ng pagaaral ng math.

Literature naman ang sumunod..haaaaaay. masaya ang literature..kea lang minsan, nakakantok din tlga. nakoooo lalo pa kaninang nakakaramdam pa ako ng matinding antok. buti nlng kuwentuhan kami kanina..tungkol sa ballad.

Filipino na ang sumunod, quiz takte. kala ko mahirap. un pala pipili lang kami ng limang katangian ng wika at bigyan ng paliwanag..wow, ang saya saya, madali lang pala. whew...sabay hinga ng malalim. sa kabutihang palad, hehe, natapos ko naman.

Physics...patay bigatin, "waaaaaah, nawawala ang aking notes. patingin naman sa mga upuan niyo. baka nasingit lang diyan.physics notes un, matindi yon.".sus nasa bag ko lang pala. haha. hindi kasi ako naghanap agad e. ok lang un. tumawa naman sila. hehe. examples lang ang binigay ni maam roque pero ayos na din.naintindihan ko naman. hehe.

sa wakas tapos na ulit ang limang oras ng pagaaral. kainan na.

kasama ko lagi kumain ang mga kaibigan ko. ang mga miyembro ng potato prospect. malapit ako ngaun kay ayban. masaya kasi siyang kasama. natutuwa ako sa kaniya.siya ang tipo na talgang pag nakaisip ng joke, matatawa ka.ewan ko lang, un ang pansin ko e. hehe.

ayban: sana'y malaman mo.....(el cuerpo fanatic)

siguro ay hindi nyo alam kung bakit ako natatawa.pero nakakatawa talaga e. kung kasama nyo lang kami, matatawa din kayo. promise. ^_^

wahahahaha.

ang sarap tumawa. ang sarap maging masaya. lalo na at kasama mo pa ang mga kaibigan mo. Alec, Rhenz, Mark, Bea, at si Ayban. sabay sabay kaming kumain sa "orange" (yan ang bansag namin e.) nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa amin kahapon. kasi naman magkaiba kami ng pinuntahan. si rhenz at ayban kasama pa ng iba naming mga klasmeyt ay nagpunta ng trinoma. at kami naman nila mark, bea at alec ay sa Greenhills naman. kitang kita sa mga mukha nila ayban ang haplos ng saya habang nagkwekwento. hehehehe....dami daw nilang ginawa, ganito ganoon ganire......nuod ng sine etc. wow ang saya nga no.....tapos na kaming kumain pero nagkkwentuhan pa din kami ng kung anu anu..hanggang sa maisipan ng umuwi. humiwalay sa amin si bea. magdodota ata. dota master un e. at kami namang natitira ay nagpunta sa computer shop para magtransfer lang ng file. hindi ko alam ang pangalan ng comp shop na un pero tatak na un sa isipan ko...hahahahaha.... pagpasok palang ang ganda na.....uuuuyy, puro babae naman ang gumagamit ng computer.....merong isang lalaki, kea lang matanda na. kea lang sa kasamaang palad, hahaha, sa d inaasahang pangyayari...pagbukas ni mark ng internet explorer...waaaaaaahh, ANU YAN??? REDTUBE.COM......OMG. puro babae ang nasa comp shop na un. anu ba yan...sabay kinabahan na ako. buti nlng walang nakakita. kundi patay. hahahahahaha. d namin mapigilan ang tawa..hindi kasi namin alam ehh. cnubukan namin paltan ang homepage ngunit ayaw mapaltan....tsk tsk. asteeeeg na comp shop. hahaha.........

ang bilis na naman ng oras. natapos na ang pagcocomp namin. oras na para umuwi. hehe...masaya tlga ang araw na ito. July 5, 2008. magkasabay umuwi si mark at si rhenz.parehas lang naman kasi sila ng dinadaanan e. si alec humiwalay. sa loob siya ng UST dumaan. daming nakadilaw, opening kasi ng uaap ngaun. ust vs ue ata. si ayban naman ang kasabay ko.

heto na ako ngaun sa bahay.....punta agad sa kwarto at binuksan ang laptop ko.....haaaay, ang saya.

sana lagi lagi ng ganito.

phrase of the day: sana'y malaman mo.......hahahaha

Friday, July 4, 2008

Simulan na Natin!

Gabi na, heto't gising pa din ako. O sige, ako nga pala si Angelo at Dionglay ang surname ko, ganda no?. 17 years old na ako at nagaaral sa unibersidad ng santo tomas. Engineering ang kinukuha ko.

Masaya ba kayo sa buhay niyo? Aba dapat lang, baka mabatukan ko kayo kapag "HINDI" ang sagot niyo eh. Pero siyempre, di ba, masaya rin kung makakadama tayo ng lungkot. Haaaay. Tanda ko, araw ng huwebes noon, june 26, 2008, napakaganda ng gising ko. Alam nyo ba kung bakit? Eh kasi naman magkikita kami ng BUKOPIE ko. Si bukopie si Jem. Siya ang aking pinakamamahal. Sa katunayan, isang taon at mahigit na ako sa kanyang naghihintay para aking ligawan. OK balik na ulit tayo, hmmm, magkikita kami noong araw na yon para tumingin ng pwedeng iregalo kay Pearl, kaibigan namin. Ididiwang na kasi nya ang ika-18 na kaarawan niya. Saktong 1pm ko na siya nameet. Kasi naman parehas kaming walang load. Si Bukopie ay nagaabang lamang kung saan man dako na nakapalibot sa UST. Pero alam niyo ba na sobrang bait talaga ni God kasi dumaan si Mark Obico, dating schoolmate, at sa kanya siya nakitext. Nung una, umuwi muna ako kasi akala ko hindi na matutuloy ang lakad namin. Ngunit saktong pagdating sa bahay, sa Craig St. nagtanggap ko ang text nya na ang sabi ay "nandito na ako sa UST puntahan mo na ako.". waaaaahhh,sa isip isip ko nlang, ako'y napasigaw. "Anu ba yan", ang mga katagang lumabas sa aking bibig. "Bakit ngayon ko pa natanggap dapat kanina pa". Haaay. siyempre nakakahiya naman kung babae pa ang maghihintay sayo dba?. kaya kumaripas ako ng pagaayos sa sarili. nagpalit ng damit sabay sibat. "Takte, mukang trapik ah". nabanggit ko habang naglalakad. buti nlng ay may jeep akong nasakyan agad. habang umaandar ang jeep na medyo mabagal pa nga dahil sa trapik,nakatanggap na naman ako ng text message mula sa kanya."puntahan mo na ako dito. kanina pa ako naghihintay nandito ako sa may overpass". anu ba yan, kung pede ko lang sabihin sa driver na bilisan ang takbo at ako ay may katagpo...nagawa ko na siguro. pero hindi pede eh, ako ang mapapahamak. Siguro, after 15 minutes, nakadating na ako sa wakas sa UST at doon tanaw ko na ang pinakamagandang babae para sa akin sa balat ng lupa. Unang tanaw ko pa lang sa kanya, sumaya na agad ang aura ko. tipong nagsuper sayan na hindi naman tlga. basta un na un. ala una na nun...diretso agad kami sa sm san lazaro, ngunit walang nakitang pangregalo. kumain lang si bukopie sa kfc, habang ako ay nanunuod at nakatingin sa mga magaganda nyang mata. pagkatapos sa sm san lazaro, pumunta na kami sa sm north kung saan malapit ang unibersidad ng pilipinas. doon kasi siya nagaaral. doon kami naghanap ng pedeng iregalo sa national bookstore. nagpaikot ikot kami doon. at as usual, wala na naman kaming nakita. dahil doon,naisipan na namin umuwi. habang naglalakad, napatingin ako sa kanyang lanyard na galing sa UP at tinanong ko siya,"panu kea kung magsuot ka sa inyo ng lanyard ng ust? hmm". sagot niya, "cge b, basta magsusuot ka din ng lanyard ng UP sa loob ng UST.". xempre pumayag ako. cnu ba naman ang hindi papayag na makipagpalit sau ang mahal mo.

Anu ba yan ang bilis ng oras. heto at sasakay ka na naman pauwi sa bahay nyo at hindi ko na naman nasabi ang mga katagang "i love you.". habang pauwi, hindi ko akalain na imimiscol ako ni bukopie.naisip ko nlng na siguro cnasabihan nya ako ng "ingat ka sa paguwi.".sabay ngiti ng puso ko.

Asan nga ba ang malungkot na parte don? siyempre wala,.heto na. kinabukasan, naisipan kong maglod. naalala ko kasi ung sinabi ng kabord ko na naging ex nya si bukopie. so ako naman, si tanga, tinanong ko kay bukopie. ang nangyari tuloy. nagalit siya. tlgang parang lion na roar ng roar. ang dami nyang binitawan na mura, grabeng babae. sa huli nagalit din sya sa akin. at eto ang naalala ko:

June 27, 2008..hapon around 5pm. tinatanong ko kung bakit siya nagagalit..ang sagot niya...."Alam mo namang hindi tinanong mo pa."....

aw, tinamaan ata ang puso ko dun. pero wala tlga akong alam kung naging sila nga dati. cmula noon hanggang ngaun (JULY 4, 2008), hindi pa rin siya nagtetext sa akin. at mukang nakalimutan na ata ako. hindi ko alam kung mabigat ba ung nagawa kong kasalanan o hindi e. basta ang nakatatak sa isip ko ngaun....."kung kaya nya akong iwasan, ako hindi ko kaya...pero kung iyon ang gusto niya, baka makaya ko rin T_T"...nakakalungkot man, ang dami ko ng email na pinadala ngunit walang reply. nakakapagod din pala.....talaga......

kung nasubukan nyo na ang magmahal ng totoo. alam niyo kung anu man ang nararamdaman ko.

mababaw ba o hindi ang dahilan kung bakit siya nagalit?????? basta ang sa akin, mahal ko siya. i will never stop loving her....kahit na alam kong limitado ang buhay natin.......