Saturday, February 19, 2011

nagT_Tsis na kami!


lecheng 4th year second sem life yan
! sinimulan kami sa papetiks petiks na prof, sa puro walang klaseng araw, sa puro events, sa katamaran at ngayon tatapusin kami sa isang SHET! THESIS! pero proposal palang naman :D ramdam na ramdam na ramdam na ramdam na ramdam ko na ang college! haha kala ko nung mga bandang November, hindi ako estudyante! ngayon ko lang napagtantong nagbayad pala ako ng tuition. mygaaad! LOL


sa mga hindi nakagets, ang buhay kasi naming mga ME students ngayong sem ay parang isang LIBRARY! tambayan :)))


petiks petiks lang

Wednesday, February 9, 2011

despicable ME

una sa lahat! pansinin nyo muna na every other day akong naguupdate! HAHA



mula noong pinalabas ang despicable me, eh marami nang nagsasabi na maganda raw! siguro mga dalawa! kaya naman nang malaman kong merong kopya sila lea eh HINDI KO NA PINAGLAGPAS PA! para kasi yang super sexy at napakagandang girlfriend, hindi na dapat pakawalan pa!

eto ang aking comment:

uso na pala ngayon ang bidang kontrabida at pati sa mga animated movies eh meron na. ung mga tipong megamind. at eto nga ang isa pa si Gru. trip ko ang kanyang sense of humor! magaling! magaling! swak na swak siya sa panlasa ko! masasabi ko rin na proportional ang katawan niya, mula sa paa, legs hanggang sa ulo! at take note, malakas ang kanyang legs! panuorin nyo nang malaman nyo. at higit sa lahat, sobrang gusto ko ang mga minions niya.



minions

Monday, February 7, 2011

Ang Una Kong Pang-iistalk!

una sa lahat, yang pangiistalk na tinutukoy ko eh, hindi related sa harassement ha! haha. PAREHO LANG KAME NG DINADAANAN! hahaha

game. safe na ako.


kung babasahin mo ang title, parang assignment lang sa Filipino nung highschool. pero seryoso, baka makaperfect ako dito kung ipapasa ko 'to haha


dahil nga sa engineering week pa rin ngayon na pinagkamalang ME week dahil sa sobrang lakas at gwapo ng mga taga ME, eh nawalan kami ng klase.

nahiwalay ako sa mga klasmeyts kong respetadong manyakis, kaya naman kinontak ko sila! at shooot, nasa library daw ang mga mokong. nasa espanya ako noon at ang library ng ust ay nasa dapitan! kaya naman napaSHET ako sa layo ng lalakarin ko. pero nang papasok na ako ng espanya gate eh may namataan, the F! NAMATAAN ako. isang magandang babae. taga educ.

define angel locsin plus cristine reyes plus kristine hermosa plus mariel rodriguez plus kc concepcion minus the intrigas about them! siya na siguro yoon! isang anghel na bumaba mula sa langit para magpakita sa akin! isang diyosang sinasamba nang lahat! kaya naman bilang summa cum laude sa pangIISTALK (joke lang to), eh sinundan NIYA ako (kapal din eh no?). haha.

habang sinusundan ko siya, kinuha niya ang cellphone niya: (tsismoso din pala ako XD)

girl: uy "tooooot", nandiyan na ba si maam?
after 2 seconds (OO! binilang ko.)
girl: ay POTA!, late na ako. ayoko nang pumasok! POTA! niyeta! tatambay nalang ako sa P. Noval.



natawa ako ng di oras! napaWTF ng di oras at napasign of the cross ng di oras!
isa palang zombie na bumangon sa lupa! hindi pala siya isang anghel, isa pala syang pinaghalong, tiger at kalabaw at sinamahan pa ng bulldog! dapak!


anyway, hindi naman perpekto ang mga tao (sabay ganon! lol), minsan kahit na ang pinakakaclose mong kaibigan, siya pa ang tatraydor sayo! konek? may konek HAHA

Saturday, February 5, 2011

ENGG Week

bago muna ang tungkol sa ENGG WEEK, isang madamdaming mensahe ng pasasalamat muna para sa ME family at sa lahat ng taong involve at naki involve HAHA:


medyo madami na akong naitutulong para sa ME at sobrang saya dahil nagagawa ko siya at nagiging successful siya. gustong gusto ko tong ginagawa ko :D at last week lang eh ginagawa namin ang matinding mascot ng ME para sa Engineering Parade, si MECHatron! Maraming salamat kay Edison sa pagsasakripisyo maging possible lang si Mechatron. Maraming salamat kay AC at kay Kerr sa pagiging master artist haha. Maraming salamat sa lahat ng tumulong, mapa 3rd year man, 4th year man, o 5th year man or kung meron mang 6th year sa kanila. Maraming salamat sa machine shop sa pagpapahiram ng drilling machine mabutas lang namin ung orange na pipe. Maraming salamat sa lahat ng nagcomment na professor, studyante from other department, guard, janitor, maganda man o panget ang koment nyo. Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng kani-kanilang mga ideas madagdagan lang ang design ni mechatron. Maraming salamat sa Med Building dahil nagamit namin ang likod ng building nyo para makapag praktis sa incline. Maraming salamat sa Botanical Garden dahil sa pagpapahiram ng inyong daan para makapagendurance test ang aming robot. Maraming salamat sa humps sa may commerce building dahil nasukat namin gamit ang protractor ang angle ng incline LOL at maraming salamat sa lahat ng nagpicture sa akin dahil ang gwapo ko sa camera nyo. hahaha. sobrang cool natin dahil panalong panalo na tayo sa puso ng bawat isa! (SHET! masyadong madamdamin to! HAHA)


mechatron (Edison Ong)

isang comment ng isang studyante na nakatambay sa may main building:

"ang gagaling talaga ng mga taga ME"

oh well, thank you very much HAHAHA


OKAY! eto na ang tungkol sa ENGG WEEK!

ANG SAYA!
HAHAHA un lang!


pero hindi pa tapos ang engg week ha. hanggang feb13 pa haha :D