Tuesday, September 14, 2010

study well

sunod sunod na naman ang quiz namin ngayon. limang straight na araw, puro may quiz. pero okay lang kasi immune na naman kami sa mga ganyang bagay.

ang problema lang...

sa tuwing iniisip ko na magrereview ako sa SCL at sa Management parang....






sige... facebook na nga lang muna. rofl



PS.

kungrats sa mga bagong Mechanical Engineers!!!!! pagandahin ang pinas! lol

Saturday, September 11, 2010

thermoDAMNamics

umuwi ako sa probinsya namin, naah. pero kahit umuwi ako, kelangan ko pa din magreview sa thermodamnamics kong subject. nakakabadtrip nga lang kasi nasa mood ako magaral ngayon eh kaso mukang mauudlot kasi nakalimutan ko ang steam table ko. xet xet xet. dammmmmit, thermodamnamics! i'll pass you. lol.

Thursday, September 2, 2010

where almost everything is perfect (naks)

kalokohan yung title.


SENTOSA. UNIVERSAL STUDIOS. CABLE CAR. MERLION. FLIPTOP. MABAHONG SAPATOS. LINDA. SKYPARK. NAMUMULIKAT NA PAA. SPIRAL BRIDGE. MAGAGANDANG CHIKAS. MALULUFET NA TAXI. BAWAL ANG CHEWING GUM. STRIKTONG BUS DRIVER. MATAAS NA WHEEL. NADIDILAANG KALSADA (lol). WALANG RICE SA MCDO. DA BEST NA MGA SASAKYAN.


san pa ba? sa SINGAPORE lang yan. >:)


sa buong buhay ko, hindi ko inexpect na makakapunta ako sa city of...pinaghalong lion at serena. pero mantakin mong nakapunta ako. expect the unexpected nga naman. nakita ko kung gano talaga kaganda ang singapore (mga lugar, mga babae lol, mga sasakyan atbp). disiplinado ang mga tao pero meron din naman konting mga pasaway tulad ng mga nagkalat na lasing pag gabi at nagje jey walk. nagkalat din ang mga pinay pag gabi, madalas nagaabang ng mga magsusundo sa kanila. haha.

unang araw palang namin dun, pasyal na agad ang inatupag namin. syempre pag nasa ganung bansa ka gamitin mo dapat ang lahat ng oras sa pageenjoy (walang tulog tulog haha). hindi kami sumakay sa kahit na anong sasakyan. lakad lang talaga. paga kung paga. napakaganda ng mga view, at kahit san ka tumingin pede mong picturan kaya naman pati napakagandang basurahan pinatulan (nagrhyme pa lol)



ang magpapicture sa merlion lang talaga ang habol namin sa unang pamamasyal. pero unang araw palang naka 500 plus pictures na kami. meron naubusan ng memory, nalowbat ang camera at meron ding nadapa. joke. lol.


(L-R: yuan, colon, sir almira, real, ako, gab, bondoc, marven, mico)



sa pangalawang araw naman. nagpunta kami sa KRUGER, isang pagawaan ng fan, air condition at kahit na anong konektado sa ventilation. ang masasabi ko lang super hi-tek sila. nakakalungkot ang pilipinas. lol. after ng plant tour, nagdecide sila sir almira na kunin na ang ticket namin para sa universal studios at hindi ako sumama sa kanila (pinuntahan daw nila ang house of condoms T_T). at pag sapit ng gabi, isang matinding inuman ang naganap. go TIGER BEER! lol.

sa pangatlong araw, mga mistulang respetado kami. hindi mo iisiping kami pala ang mga estujante na mechanical engineering sa ust na sobrang ingay, mahilig mang trip, nagmumura, pumapatay (LOL) at walang inatupag kundi ang mangopya kapag exam.



sa pangapat na araw at huling araw ng matinding regional conference, pinuntahan namin ang NEWater. maganda din dito at talagang mapapatodo picture ka sa dami ng malaysian beauties. LOL. (may picture ako kasama nila bleh!) mabilis lang kami dito at parang nakatambay nga lang kami after ng tour eh, kaya naman napagpasyahan namin maglaro ng luksong baka sa loob mismo nung planta. mas nakakatuwang panuorin ang mga taga ibang bansa habang nanunuod sila sa mga pinoy na naglalaro (hindi kasi nila alam kung ano ung pinaggagagawa ng mga pinoy)

at syempre ang panghuli at ang pinakamasaya sa lahat, ang pagpunta namin sa universal studios. ibang klaseng experience ang sumakay sa cable car kasama ang mga makukulit kong kaklase at subukang yugyugin ito. o_O syempre walang katapusang picturan ang nangyari. sa pekeng merlion muna kami napadpad, bago kami dumiretso sa universal studios. dahil sa sobrang excitement, hindi na napigilan ang pagpicture hanggang sa malapit ng malobat ung camerang dala ko. nakakabadtrip nga eh, kelangan kong patayin ang camera para magcharge at buhayin ulit kapag magpipicture na. sulit na ride ang revenge of the mummy! pramis!

(with bondoc. ako ung nakablue :D)



gusto kong maulit to :D