Saturday, May 22, 2010

drawings.

mahilig akong magdrawing. kaya naman sa t'wing wala akong magawa sa bahay, kumukuha lang ako ng lapis, bondpaper, pambura at pantasa. hindi naman ako ganun kagaling tulad nung iba kong mga kaibigan/kakilala. pro sila eh. ako, baguhan lang. hihi. eto ang ilan sa mga drawings ko:


nov.12,2006: Solid Tayo

malamang highschool pa ako nito noong dinrawing ko 'to. tungkol to sa magkaibigan. noong nasa h.s. pa kasi ako, marami akong kaibigan. mula 2nd yr hanggang sa kami ay gumaraduate talagang kami kami ang magkakasama kahit hanggang ngayon, sa t'wing bakasyon, may okasyon nagkikita kita pa rin kami.



jan.24,2007

'eto namang isang 'to, naisip ko lang idrawing habang nagbabasa ako ng isang librong puro jokes.

farmer: waiter, bring me a ham sandwich
waiter: with pleasure ^^
farmer: no! with mustard. pfft

ngekngekngek

june7,2008: i love this game

at syempre dahil basketball ang favorite sport ko, hindi ko na kailangang ipaliwanag 'yan. i love this game.

may20,2010: how did you know?

may21,2010: engineering student

anime couple. bago lang mga drawings na 'to. wala lang, nainspired lang ako bigla lol.


marami pa akong drawings. mula 2003 up to present. hehe. pero yan 'yung mga gusto ko. haha

Thursday, May 20, 2010

TRICIA santos! deserving manalo sa PBB.

kakapanood ko lang ng PBB ngayon. at ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ni Tricia dahil walang umattend na pinoy housemates sa kanyang birthday party. T_T sakto naman na nag-ba-blog ako kaya sinulat ko na ang aking opinion. lol. kitang-kita din na ibang iba ang ugali ng mga pinoy housemates keysa sa mga teenternational housemates. (i can say na mas mabait ang teenternationals pati si Tricia mabait)

kung ang teenternational housemates, kayang diretsuhin ang kanilang housemate kung may sama sila ng loob sa kanya, ang pinoy housemates naman todo chismisan, walang inatupag kundi ang ichismis ang kanilang kaibigan (kaibigan nga ba?) sa ibang pinoy h.m. my gawdness, wag niyo naman ipahalata sa mga banyaga (naks) ang ugali ng mga pinoy. lol

sana naman ang mga pinoy ganun din, wag sana papatalo sa mga imported pagdating sa PAG-PA-PA-KA-TO-TO-O, kasi kung kaplastikan o kaya ay chismisan lang ang paguusapan, wagi na ang pinoy d'yan. love one another. lol.

TRICIA, deserving kang manalo. pramis. ikaw sana ang manalo sa PBB teen clash of 2010.


wala lang. 'yun lang ang masasabi ko haha.

Wednesday, May 19, 2010

Have Dreams, Will Travel




nice movie ^^, watch it and you'll know what luvidabs is. lol.

Sunday, May 16, 2010

ang init

ibang klase na ang init sa pinas! glodal warning na nga sabi ng pinsan kong kyuti kyut kyut with matching serious peys.

at dahil nga sa sobrang init, iba iba na nga ang pumapasok sa utak ko. una, naisip ko, bakit hindi nalang tayo? joke lol. una naisip ko, bakit ba sa pinas ako pinanganak? at bakit ba ako pilipino? bakit hindi nalang sa america, sa japan, sa europe. basta sa kahit saang malamig. (north and south pole? pede na rin.) bakit ang pilipinas ay wala sa europe?

hay, mga wala lang kwentang bagay. pero alam n'yo natutuwa ako sa mga tao dito. kanya kanyang paraan para lang maibsan ang init sa kanilang mga katawan. lol. para maintindihan ng lahat, heto ang ilang mga paraan nila:


1. halo halo to da max

kahit na tig ki kinse at tig be bente areng mga nagsisilamigang mga are eh mabentang mabenta pa rin sa mga tao dito. sarap na sarap sila habang nilalamon ang mga yelong nilagyan lang ng food color at ube sa ibabaw. hmmm mukang masarap. lol

2. basketball! basketball??

ewan ko ba kung tao ba ang mga tao dito. mantakin mong naisip pang magbasketball kahit na ang init na nga? siguro para hindi nalang nila maramdaman ang init talaga eh nagpapawis na lang sila. ihh ewan ang gulo. lol

3. miming tym

dito sa nagcarlan, laguna hindi uso ang hot spring kaya naman 'pag gusto mo magmiming, expect mo ng sobrang lamig ng tubig. at 'yun ang masaya. it's miming tym.

4. ice candy anytime anywhere

may 5 inches, may 6 inches meron din maikli lang, mga 4 inches pero pag ito'y natikman mo na, shooot, siguradong hahanap hanapin mo. siguradong tanggal ang nararamdaman mong init sa katawan lol. meron kami nyan >:) nasa ref!

5. iba na may aircon

malamang, kung init na init ka na at hindi mo alam ang gagawin para matanggal ang init sa'yo lol. eh di buksan mo aircon. sowwws.





kanya kanyang mga paraan at kanya kanyang trip lang. haha. ako tambay sa likod ng bahay (maraming puno eh), sitting pretty with matching shades. solve ang problema :)

Monday, May 10, 2010

Anong Masasabi Mo Sa Eleksyon 2010?

Cluster 59
Precint 133A
Yukos Elementary School (YES)

Okay! sige. eto masasabi ko sa eleksyon 2010:

walangya. hindi organisado. badtrip. putakte. nakakainis. bago pa ako nakaboto, kelangan ko munang dumaan sa matinding siksikan, unahan sa pagpapalista, pagpapabilad sa araw at maghintay ng halos limang oras at 'yun ay para lang iboto ang presidential bet ko na si Gibo na mukang wala ng kapag-a-pag-asang manalo. gusto ko na ngang mangealam eh kung makapal lang muka ko lol. no system at all shet, parang jejemon lang! grr

una kinabahan ako syempre, kasi first time nga eh. kahit naman sino kakabahan kapag first time. mula sa pagpasok ko sa voting area hanggang sa pag-upo ko sa upuan, kinakabahan pa din ako. lol. ayan tuloy lampas lampas ang pagkaka shade ko dun sa bilog na hugis itlog daw! grr.


sa huli, CONGRATULATIONS pa rin ang lumabas. sa wakas naranasan ko magpalagay ng indelible ink (cue: unchained melody)



bumoto ako :) be proud hehe



una kong pagsabak sa pagboto, sobrang gulo na. sana text text nalang ang botohan.

Monday, May 3, 2010

Front of the Class

boredome strikes again at sinamahan pa ng sobra sobrang init ng panahon. kaya eto blog muna ako :D

ONE MAN. ONE SYNDROME. ONE LIFE. ONE DREAM. He never let it win. He didn't quit. He didn't stop just to make his dream come true. To be a great teacher.


what a wonderful movie. very inspiring. nirerecommend ko sa inyo. panuorin nyo rin.



nainspire ako sa movie na to. true to life movie tungkol sa isang lalake na may tourette syndrome at kahit na mayroon syang ganung klase ng sakit eh hindi un naging hadlang para matupad ang kanyang dream na maging isang teacher.




BRAD COHEN-the one who has a tourette syndrome in real life



nagkaron si Brad Cohen ng mga awards at isa na rito ang Teacher of the Year. kahit na ang ibang mga magulang ng mga bata ay ayaw sa kanya dahil nga sa kanyang sakit, gusto naman siya ng mga students nya at dahil don pinapatunayan nya talaga na hindi porket may tourette siya eh hindi na niya kayang magturo tulad ng isang normal na teacher.





nakapagsulat din siya ng libro at dito nya nilagay lahat ng mga experiences niya, lahat ng trials/pagsubok na dumaan sa kanya bago siya naging successful teacher. at take note: elementary teacher siya (kukulit pa ng mga bata)


marami ako narealize sa movie na to:

maswerte ako/tayo kasi normal tayo at kayang kaya natin tuparin ang mga dreams natin. feeling ko tuloy kung ako ung may tourette syndrome, hindi ko talaga kakayanin. baka hindi ako lumabas ng bahay. pero siya (si Brad Cohen) hindi siya nag give up sa kanyang dream, kahit na noong bata pa siya nilabanan niya talaga un at hindi siya nagpatalo sa sakit niya hanggang sa lumaki siya. wala siyang pakialam kung ano sabihin ng mga tao kahit na nasasaktan siya. ang pinaghuhugutan nalang niya ng lakas ng loob ay ang mga taong nagmamahal sa kanya..family, friends, GIRLFRIEND (oh ha..talo tayo) at ang kanyang mga mahal na studyante. feeling ko un ang gusto niyang iparating sa atin, ang wag sumuko sa gusto natin kahit na maraming trials na dumating, nandiyan ang mga taong todo suporta sa atin. wag na natin isipin ang sasabihing masasama ng iba. be inspired, be brave :)



da best :D