Sunday, December 27, 2009

Wednesday, December 9, 2009

movie movie-han

may bagong pakulo (panget naman kung kakornihan) ang M.E. department at ito ay ang Mechanical Engineering Film Festival o sa madaling sulat ay MEFF! malapit na kasi ang M.E. week o ang linggo ng mga gwapo.

punong puno ito ng originality.

madali lang ang gagawin, kailangan lang naman manggaya ng pelikula.

choices: (nagmula sa korning utak ng mga estujante)

-transformers
-click
-300
-jumper
-paranormal activity

at marami pang iba...

sabi lang kami ng sabi ng mga kung ano anong mga pelikula, tutal hindi rin naman ako, o si sancho, o si patrick, o ung isa pang patrick, o ung isa pa ulit patrick, o si bj, o si tienzo, o si laurence, o si mykiee, o si zoilo, o si gab, o si paul, o si isa pang paul, o si oni, atbp ang mageedit. ang mahihirapan lang ay si aguda.

muntikan ng mapagpasyahan ang transformers, kaya lang umalma agad si aguda so pinagbigyan namin. mahirap nga naman gawin.

ilang minuto pa....

mantakin mong may nagsuggest ng 300 eh 21 lang kami at isa ang babae. so obvious naman hindi pede un. boring din kung click at mas lalong boring din kung jumper (tatalon lang ng tatalon). may nagsuggest din ng paranormal activity pero babaguhin ang title at gagawing abnormal activity, medyo sumangayon naman si gab dahil mejo abnormal naman siya. pero naisip din na panget ang kakalabasan kung documentation ang amin at ung sa ibang section ay movie clip talaga.

kaya naman....

sa huli napagpasyahan na ang gagayahing pelikula ay ang...




TYAGONG AKYAT...




wala sa choices, abnormal eh lol



TRIVIA:

si paul aldover ay mataas tumalon, kaya nyang talunin ang ice cream-an ni manong sa tapat ng eng'g. bravo.

Tuesday, December 8, 2009

medyo may kwentang post

ang tagal ko nang hindi nakakapagblog haha kaya naman nakakamiss magpost ng mga kakornihan ^^

ang daming pedeng ikwento tulad ng sembreak, statistics, ma'am cobar at ang latest ay ang plant tour.

sembreak:
tulog, kain, isip!

statistics:
isang malaking yehey

ma'am cobar:
super yehey. hindi ko akalain.

plant tour:
happy. first time kong magplant visit at syempre kasama ko ang mga M.E. boys. narealized ko na masayang magdala ng camera pero nakakalungkot din dahil hindi ako makasama sa mga group pictures. pero ok lang 10megapixel naman ang camera ko kaya ang sarap hahaha!

un lang.baaw.

Thursday, October 1, 2009

Corny Mode

dahil sa wala pang maipost..eto muna :)


SA ISANG JEEP

PASAHERO: Boss, Jollibee.

DRIVER: Hindi ako si Jollibee.

PASAHERO: Hindi. Magkano sa Jollibee?

DRIVER: Depende sa value meal, sir.

PASAHERO: Putakte! Magkano ho ang pamasahe sa Jollibee?

DRIVER: Ang alam ko, walang masahista du’n.

PASAHERO: Anak ng %$#ˆáô?!?! Gago ka ba?! Magkano ang ibabayad ko hanggang Jollibee?!

DRIVER: Ay, sorry, sir… lampas na tayo!!



haha (hindi to galing sa akin)

Sunday, September 6, 2009

BATANGAS INVASION

DANELLA. TENTEN. CELLY. JAKI. CIERINE. LEO. IVAN. HOMER. ALEC. CHRISTIAN. MARK. BEA. PAUL. WIGGY. ANGELO.

15 STUDENTS. 15 BAGS. 3 CAMERAS. 1 CELEBRATION. 1 RESORT. AND...AND...ISANG BURAOT.


AUGUST 23.
HANDA NA ANG LAHAT (NAGING TAGALOG? LOL). DAHIL SA HINDI NAMAN AKO MASYADONG EXCITED AY NAGISING AKO NG 3AM IN THE
MORNING. AT PAGKADILAT NA PAGKADILAT NG AKING MGA MATA AY NAKITA KO SI EMILY ROSE, NAGBIBILANG LOL!!!

FAST FORWARD (AYOKONG MALAMAN NYO NA NAGHINTAY KAMI NI CHRISTIAN NG HALOS ISANG ORAS DAHIL SA CALLTIME NA HINDI NASUNOD.LOL)

DIREDIRETSO ANG ANDAR NG JEEP NA SINASAKYAN NAMIN. WALANG TRAPIK. MAGANDA ANG PANAHON. KWENTUHAN DITO, KWENTUHAN DOON. LAUGH TRIP DITO, LAUGH TRIP DOON. ILANG ORAS KAMING
NAKAUPO SA JEEP DAHIL SA MATAGAL ANG BIYAHE. MAY MGA TULOG NA PINAGTRIPAN, MAY MGA T.L. (HINDI TULO LAWAY...TALSIK LAWAY LOL)

ILANG ORAS PA AY NARATING NA RIN NAMIN ANG AMING DESTINASYON. KAHIT SAN KA TUMINGIN AY MAGANDA ANG VIEW!!!! MALINAW ANG TUBIG. MAGANDA ANG PANAHON. WHITE SAND BEACH. AT MAGANDA ANG VIEW..ULIT. (SABI NI IVAN!) ISA PA RAW. AT MAGANDA ANG VIEW NA NAMAN (SABI NI HOMER!)



KAIN. (BIBILISAN KO PARA MAKAPAGSWIMMING AGAD!) SYEMPRE HINDI DAPAT MAGPAHALATA NA EXCITED KANG MAGLANGOY. RELAX LANG DAPAT KAHIT KATING KATI NA ANG YONG KALAMNAN SA PAGLANGOY.

ILANG MINUTO PAPAGKATAPOS LUMAMON AY NAISIPAN NA RIN MAGSWIMMING...

FIRST TIME KO:

1. SA BALAI SA LAIYA RESORT SA BATANGAS. SIGURADONG YAYAYAIN KO ANG MGAPARENTS KO PARA PUMUNTA ULIT DOON PARA NAMAN MAKITA DIN NILA ANG GANDA NG RESORT.

2. MAKAKITA NG JELLYFISH SA BEACH.

3. MAGKAYAKING. KAHIT NA MEJO KINAKABAHAN PA AT LEAST NAKAYANAN KO. ANG SAYA. SANA MAULIT.



PHOTOGRAPHY: DANELLA EGWARAS


















3ME-C: INGAY LANG, SIGE.

MAGULO. MASAYA. MABABAW. MATALINO. MAGALING. MAUTAK. MAHUSAY. MATHEMATICIAN. MALENAB. MALENAB? BAKIT MAY MALENAB?

THIRTY-THREE ASPIRING MECHANICAL ENGINEERING STUDENTS. SEVEN SUPER BRAINY PROFESSORS. ONE TAKEN GIRL. ONE BBOY IRANIAN. AND ONE CRAZY PRESIDENT.

3MEC.

SA UNANG PAGKAKATAON SA HISTORY NG MECHANICAL ENGINEERING DEPARTMENT, NAGING TATLO ANG SECTION SA THIRD YEAR. LAGI KASING HANGGANG DALAWA LANG. KAYA NAMAN SPECIAL ANG 3MEC SA MGA PROF.

ANG COLON AND THE GANG:

KUNG DATI AY MAY DIVINO AND THE GANG, NGAYON NAMAN AY MAY COLON AND THE GANG NA. SAMAHAN NG MGA GANGSTER NA PINAMUMUNUAN NI COLON, PERO WALA PA SIYANG MYEMBRO.

PAROKYA NI SANCHO:

MULI NA NAMAN NAGPARAMDAM ANG PAROKYA NI SANCHO MATAPOS ITONG MADISBAND. LEADER PA RIN SI MSG3 NA ANIMO'Y SI SIR GUINTO. SUPER LOYAL PA RIN SI MYK DAHIL HINDING HINDI RAW NIYA BIBITIWAN ANG GRUPO KAHIT NA SIYA LANG ANG MYEMBRO.

KOPONAN NI ROMEO:

SI ROMEO ANG NAIIBANG LEADER. LEADER SIYA PERO SIYA ANG BINUBULLY NG KANYANG MGA MYEMBRO. IDOL SI WILLIAM HANG. SILA ABE, JUAN, AT MICO ANG MYEMBRO NA MAS MUKA PANG LEADER KEYSA KAY ROMEO.

JV CASIO:

KUNG KILALA MO SI JV CASIO, KILALA MO NA RIN KUNG SINO ANG TINUTUKOY KO. HINDI NA SIYA NGAYON SI ALEC "MIGGY MOUSE" MIRANDA, SIYA NA NGAYON SI ALEC "CASIO" MIRANDA. TANDAAN... ALEC "CASIO" MIRANDA!!

PRESIDENT GAB:

NGAYON KILALA NYO NA KUNG SINO SI CRAZY PRESIDENT. SIYA ANG NAGPAUSO SA CLASSROOM NG NAIIBANG MAFIA WARS. PASALAMAT SIYA AT NAWILI NAMAN ANG LAHAT.

COBAR FANATICS:

PINAMUMUNUAN ITO NG NAGIISANG BBOY IRANIAN NA SI FARSHID RASTEGAR RAMSHEH (NOSEBLEED) DAHIL SA BAWAT DISCUSSION NI MA'AM COBAR AY LAGING NAKABUKAS ANG KANYANG......ANG KANYANG CAMERA. KASAMA NIYA SA GRUPO ANG IBA PANG CAMERA MAN NA SINA COLON (MEMBER DIN PALA NG COBAR FANATICS), PATRICK, BJ, REAL, MARVEN, ONI, JM, JR AT MARAMI PA YATANG IBA.

LAUGH TRIP:

HINDI RIN PAPAHULI SA LAUGH TRIP ANG 3MEC. ESTE SI EDWARD TIENZO LANG PALA. HINDING HINDI SIYA MAGPAPATALO SA PALAKASAN NG TAWA, PALAKIHAN NG PAGBUKA NG BIBIG HABANG TUMATAWA, PABILISAN SUMAKIT NG TIYAN SA KAKATAWA, AT SA PAGHE-HEAD BANG HABANG TUMATAWA.

PERO....

PERO MAY LUMALABAN... ANG NAGIISANG CREMEN NG BAYAN.

YELLOW JACKET:

SIYEMPRE, UPDATED DIN KAMI SA UAAP DAHIL BOOM WALA KAYO (ONE CLAP), BOOM MERON KAMI (ONE CLAP), BOOM WALA KAYO MERON KAMING YJ. SI PATRICK. NGUNIT DAHIL MARAMING PATRICK SA AMIN, TAWAGIN NYO NALANG SIYANG COKS TULAD NG TAWAG NG IBA.

IMPERSONATOR:

KUNG MGA BADING LANG ANG MAY TALENT MANGOPYA, PARANG BADING NAMAN ITONG ISANG 3MEC STUDENT KUNG MANGOPYA NG MGA BOSES. UI ZUI. I MEAN, SI ZOILO AY MAY NATATAGONG ANGKING TALENTO. BADING ANG KALIWANG KAMAY AT LALAKI NAMAN ANG KANAN. LOL.

TOP:

KUNG MAY DIVINO ANG CIVIL ENGINEERING, MAY AIRA ANG ELECTRICAL ENGINEERING SYEMPRE HINDI NAMAN KAMI PAPATALO AT TAKE NOTE NASA SECTION NAMIN SIYA. MERON KAMING JESTONI...ONI FOR SHORT.

3MEC PLAYERS:

HINDI NAMAN SIGURO MAWAWALA SA ISANG DEPARTMENT ANG SPORTSFEST. AT DAHIL PURO KAMI SPORTS MINDED AND NOT GREEN MINDED, PUNONG PUNO KAMI NG MGA PLAYERS. TULAD NALANG NI JUAN NA 6 FOOTER ATA. SI JR NA ISA NAMANG TIGERSHARK. SI XAVIER NA KABILANG NAMAN SA TEAM B NG WOODPUSHERS (TAMA BA? LOL). AT SYEMPRE ANG MGA TAMBAY NG BASKETBULAN: (WALA NAMAN SIGURO AKONG NAKALIMUTAN)
-JUAN
-ABE
-MICO
-PATOLOT
-GAB
-PATRICK
-ONI
-ZOILO
-BIM
-COKS
-PAUL
-ROMEO
-XAVIER
-GELO D' GREAT (KASAMA AKO LOL!)

LOVE TEAM:

SYEMPRE BAKIT KO NAMAN KAKALIMUTAN ANG ESCORT AT MUSE SA AMING SECTION. ANG NAGIISANG BABAE NA SI ELAINE AT SYEMPRE SI RIC (BOYFRIEND NIYA). UNG IBA AYAW PA MAGLANTAD, MAGAGALING MAGTAGO NG IDENTITY. PAG BUMIGAY SILA SIGURADONG DADAMI PA ANG LOVE TEAM SA SECTION. LOL!

GALING CFAD NALIGAW NG ENG'G:

KUNG DATIRATI MERONG IVAN, NGAYON NAMAN PINAKIKILALA KO SI REAL. ISA RING ANIME FANATIC NA LAGING MAY DALANG IPOD, NASA TENGA LAGI ANG EARPHONE AT MAHILIG DIN MAGDRAWING NG IBA'T IBANG ANIME CHARACTERS.



YAN ANG 3MEC. PATIKIM PA LANG YAN..


TO KNOW MORE ABOUT US JUST VISIT US EVERY WEDNESDAY AND FRIDAY DURING OUR STAT TIME SA THIRD FLOOR, HANAPIN NYO NALANG. THANK YOU. :)

Friday, September 4, 2009

She's Walking..and Crying

"Don't feel such a loser!" Kung iniwan ka ng pinakamamahal mong syota, try to move on. Sa pag-ibig (shet), hindi naman kailangan na ibuhos mo na agad ang lahat lahat. Kailangan mo rin magtira in case of emergency tulad ngayon. Ayan tuloy, naaapektuhan na lahat ng nasa paligid mo (kung mababasa mo to, diba tama ako?).

Ilang taon ka na ba? marami pang taon ang dadaan sa buhay mo at hindi lang siya ang lalaki sa mundo. marami ka pang mamimeet. (ung iba nga, bading nalang ang hinahanap eh.[dagtang lason]) try to open your heart and give chance to others.

my insan on the dance floor :)



jed's hidden talent. akala ko magaling lang sa kalokohan, un pala magaling din sumayaw. (Philippines' wonder girl, i mean wonder boy :)) pati si tito nagduda haha

Friday, July 3, 2009

Mechanical Engineering

my friend's rusty gear from his brain. LOL

Tuesday, June 30, 2009

con...as-whole

isa pang post, trip trip haha.


bigla lang din pumasok sa isip ko, at kahit na maiksi lang ito... go lang. pandag dag din yan. hehe







"Patalsikin si..."





ang lakas lakas ng sigawan kanina, palibhasa may nagrarally...






...hindi tuloy ako nakapagconcentrate sa aking pangongopya haay.

tatlong tuldok (...)

it's time to make a change. mukang wala na talaga kaya hindi ko na ipagpipilitan. waa. matagal tagal na rin. pero hindi nakakamiss, talagang biglang pumasok lang sa isip ko ngayon at nagkataon naman na may nasagap akong signal ng internet. bakit ganon?

dati rati, nakakainis. nakakainis kasi luluwas na naman, matagal na naman akong malalayo. hanggang sa text nalang ulit, hanggang sa chat tapos wala na ulit. kahit isang oras palang, nakakamiss na talaga. pero ngayon hindi na, parang nawala na. hinding hinding hinding hinding hindi na talaga katulad ng dati.

anyways, masayang kausap pala ang lola ko, kahit na siya ay may alzaymers disease (nanlumo ako sa spelling), hindi ako naiinis kahit na paulit ulit siya ng sinasabi, kahit na sinabi nyang pamangkin nya ako, kahit na inakala niyang ampon kami, kahit na inakala niyang step mom namin ang tunay naming ina at kahit na gustong gusto na niyang bumalik sa mindanao.

ngayon nasa mindanao na ang aking lola. hindi man lang ako nakasama sa paghahatid sa kanila sa airport (syempre may kasama si lola, si auntie banini), pero kahit na ganun, may iniwan naman si lola na isang nakakatuwang remembrance. isang da best na remembrance.

(si lola habang nkapose, bagets)

heto ang masayang trip ni lola, isang matinding picture taking. LOL

-balikat ng kapatid ko ang nasa gilid. umextra.

Tuesday, June 9, 2009

Ako si Kuya

nagdurugo ang puso ko sa tuwing napagkakamalan akong pangalawa, well actually, ako naman talaga ang panguna. panganay ako sa dalawa kong kapatid, pero hindi halata.

dahil sa mga sumusunod:

-mas malaki sa akin si Bimbo
-ako ang pinakamaingay sa bahay

at higit sa lahat (aaminin ko na)

-ako ay baby face

pero hindi ko naman dapat itanggi na ako ang panganay, siyempre. talagang napagkakamalan lang ako. tulad nalang nung linggo. pauwi na kaming magkakapamilya galing simbahan nang biglang nagkita sila mama at ang kanyang mga kaibigan. syempre ipinakilala kami, at talagang na-stun ang lahat ng malamang ako ang kuya. mahirap talaga pag baby face.

ako ang pinakamaingay sa bahay. parang bunso kung kumilos pero hindi naman ako nagpapansin. kahit na wala namang ginagawa sa akin si bunso eh talagang hindi ko...as in hinding hindi ko mapigilang pisilin ang kanyang pisngi. matatabang pisngi. ayan tuloy muka na syang bulldog (joke). pero hindi ko naman sinasadya.

pero buti nalang ako si kuya, kasi sa huli, sa akin pa rin sila nagpapaturo ng mga hindi nila alam. atleast ako pa rin ang nangingibabaw >:) hindi naman sa pagmamayabang, lahat kami matalino pero mas marami akong alam keysa kanila at.....masaya rin naman ang mapagkamalang pangalawa kasi ibig sabihin muka akong bata. :D

Friday, May 29, 2009

anong itataytel ko?

unang post for may...








HIRAP MAGISIP :D





mamaya baka may naisip na ako :D
-malapit na pasukan weee

Thursday, April 16, 2009

Memorable Quotes from...

salamat talaga sa bakasyon kasi napanood ko na naman (4th time) ang Finding Nemo sa Disney Channel last week.

FINDING NEMO
-fr imdb.com

"I am a nice shark, not a mindless eating machine. If I am to change this image, I must first change myself. Fish are friends, not food."

-Bruce, shark







"No. No, you can't... STOP. Please don't go away. Please? No one's ever stuck with me for so long before. And if you leave... if you leave... I just, I remember things better with you. I do, look. P. Sherman, forty-two... forty-two... I remember it, I do. It's there, I know it is, because when I look at you, I can feel it. And-and I look at you, and I... and I'm home. Please... I don't want that to go away. I don't want to forget."

-Dory, Blue Tang







"I have to get out of here! I have to find my son! I have to tell him how old sea turtles are!"

-Marlin, Clownfish








watta movie.. watch it and you'll see what a real father is...


1. naglalasing
2. nagsusugal
3. nambababae
4. nambubugbog

:)




-bakit clownfish ang naisip na bida sa movie na 'to?

Tuesday, April 14, 2009

MGA NAWAWALA: Si Dino at si Orange Star

ang tagal tagal ko na palang hindi na-a-update itong blog ko, wala kasi akong net sa "beautiful place", laguna. buti nalang at nabigyan ako ng chance para makapag blog muli.

bakasyon na nga talaga, at marami-rami nang nangyari sa buhay ko. wala naman akong trabaho kaya tamang tambay lang sa bahay namin, minsan pag may lakad, go lang ng go. pero nakakainip rin at nakakaubos ng pera. kaya nga nandito ako sa manila ngayon eh (umiistambay sssshhh :D tara sa UST bukas ^^)

ikkwento ko lang ang mga ilang masasayang events na nangyari na sa akin ngayong bakasyon na HINDI KO NALASAP last year:

1. April 5, 09 at bisperas ng holy week. dahil sa nakaugalian na ata ng angkan, napagusapan namin na gumising ng maaga as in maagang maaga as in 4:30am para pumunta sa KAMAY NI HESUS SHRINE sa LUCBAN QUEZON (Quezon Province). Syempre haping hapi ang buong dionglay. masaya namang naghanda ang lahat, sobrang excited pero walang nakaalalang magdala ng camera kaya naman ang lahat ay nagpenitensya, nagtiyaga sa celfone. pero masaya naman.

-binisita ang kulang kulang ng garden of eden
-inakyat ang may 300 na hakbang papunta sa kamay ni Hesus (nagpicture picture habang umaakyat, hindi kinaya ni lola, pero MALAKAS PA SI LOLO)
-sumigaw ng emo po si JOSE NARCISO GARCIA (cousin)
-may batang humawak sa kamay ko at inakalang tatay niya ako. T_T
-bumisita iglesia (lucban, majayjay, liliw, nagcarlan churches)

2. may natanggap akong gm mula sa aking highschool friend, magba-BATANGAS daw kami. may magandang beach daw don. talagang sumaya ang lahat ng kaibigan ko, todo text, todo gm kung kelan, magkano pero sa huli hindi rin natuloy sa batangas, sa halip, diyan lang kami sa CASA DE TOBIAS noong april 8, 09. sa nagcarlan, laguna din. actually walking distance lang siya. pero masaya naman. overnight :D

3. dahil sa malapit na ang GOOD FRIDAY, napagusapan na naman na gumising ng maaga dahil maglalakad daw kami simula sa bahay papuntang sinipian (penitensyang nakaugalian na ng mga nagcarlenios), malayo siya. sabi ni mama gumising daw kami ng 5:30am, pero dahil sa nakakaiyak ang MAY BUKAS PA at MAALAALA MO KAYA, napasarap ang nood namin at late ng nakatulog. nagising tuloy kami ng 7am. at dahil don damang dama namin ang SUMMER HEAT. penitensya talaga.

4. april 11, SABADO DE GLORIA, wala lang, akala ko mag-si-swimming kami. T_T

5. HAPPY EASTER, april 12 ng umaga, madalas pinapatalastas ang movie na T2, kaya naman madalas ko ring tinatakot ang aking bunsong kapatid. buwa ha ha ha ha. pssst, pssst. ito rin ang araw na umuwi ulit ang kasambahay namin pero tita ko siya, buong holy week kasi siyang wala, umuwi kasi sa kanila. april 12 ng gabi, late na naman akong matutulog, napasarap na naman ng nood eh. pagod na pagod na ang mga mata ko at ayun ipinikit ko na pero gising pa ako, ang tita ko naman ay don natulog sa taas (double deck kasi yon eh, ako sa baba at dun si tita sa taas, una siyang pumasok ng kwarto), biglang may narinig ako na pssssst, pssssst. malapit siya sa tenga ko, at parang katabi ko lang. pero hindi ko pinansin. nakapikit pa rin ako. ilang minuto pa narinig ko siya ulit maraming beses...

pssssssst pssssst psssssssssst pssssssssssst psssssssssst

mga mahihinang sitsit na animo'y sitsit ng isang dwende. talagang kinakabahan na ako, hindi naman pedeng si tita un kasi hindi naman nananakot un kaya naman kung san san ako tumingin/lumingon, pero wala namang tao. binuksan ko ang bintanang malapit sa kama ko pero wala talagang tao. madilim na madilim at sobrang tahimik naman. ilang minuto pa, nagbukas ang pinto ng cabinet ni abby (ganon talaga iyon, pero hindi ako natakot dun). dalawang beses nawala ang mga naririnig kong sitsit. pero, na naman, may sitsit na naman akong narinig. kinakabahan na ako noong mga oras na iyon, talagang ang bilis bilis na ng tibok ng puso ko, tumatayo na ang mga balahibo ko..kaya naman tinanong ko na ang tita ko,

"tita malu, bakit po parang may sumisitsit tapos biglang mawawala tapos may sisitsit po ulit, naririnig nyo po ba?"

tita malu: ay, sori naglalaro kasi ako ng SNAKE dito sa celfone ko!

angelo: san po nanggagaling ung sitsit?

tita malu: may sound kasi kapag nakakakain.

angelo: eh bakit po nawawala?

tita malu: na-de-dedz kasi ako eh, ang bilis ng galaw.

LOL!OMG!

6. kani-kanina lang, isa na akong ganap na BOTANTE. hmmm...mura lang ang boto ko. buwa ha ha ha ha ha (tawang may meaning >:)) OIIIII, JOKE LANG

P.S.

sori sa mga nawala kong gamit. huhu. mamimis ko ung mga gamit na yon.

Sunday, March 22, 2009

today is a gift that is why it is called present

dahil ganyan ang title ng makabuluhang post na ito, YESTERDAY ang bida ngayon. LOL :D

sheeeeet sobrang ingay ng firetruck (wang wang wang wang wang), sa laguna walang ganyang ingay :D

parang kahapon lang nung ako ay ipinanganak, parang kahapon lang nung ako ay nag2nd birthday, parang kahapon lang ng ako ay nag10th birthday, parang kahapon lang nung ako ay nag15th birthday, parang kahapon lang nung ako ay nag18th birthday, parang kahapon lang ako huling nagpost at parang kahapon lang nagsimula ang lahat :D

ang bilis talaga ng araw no? kasi, ako, hindi ko napansin agad na mag-ti-3rd year COLLEGE na ako, xempre sa course na kung saan nagsimula ang "center of exellence", ENGINEERING! (wish ko sana matupad).

marami na talaga akong nakilala, marami nang dumating, dumaan, umalis at kung ano ano pa sa buhay ko. at lahat ng iyon ay parang kahapon lang nangyari.

fresh na fresh pa nga sa utak ko ang graduation namin nung highschool eh. pati nga ung general cleaning namin nung 3rd year highschool, pati rin ung first dance ko sa JS prom, pati rin ung time na una akong napalipat sa section 1, ung time na nakilala ko ang OLMM, OLL, at MIDES, pati rin ung pagiging 2nd honor ko nung 1st year highschool, pagsasaulo ng mga paragraph sa subject na araling panlipunan, pati rin ung nadapa kong titser nung 1st year highschool palang ako. parang kahapon lang...

fresh na fresh pa rin nga sa utak ko ung graduation namin nung elementary, ung paglipat namin from alaminos, laguna to nagcarlan, laguna nung 1998, ang pagpasok sa school ng maaga sa st john the divine from nagcarlan to sanpablo, ang paglipat ko sa divine heart learning center, ang paglipat ko sa nagcarlan christian academy noong grade 2, ang crush kong titser sa math nung grade 5, ang first time kong pageenrol magisa sa st.mary's academy of nagcarlan bago ako magfirst year, ang mali-maling infos na nilagay ko sa application form nung mga time na un. parang kahapon lang...

fresh na fresh rin sa utak ko ung time na umalis si papa at nagtrabaho sa ibang bansa, parang ngang kahapon lang nung inihatid namin siya sa airport, para ngang kahapon lang nung dumating siya, at umalis rin, at dumating ulit, at umalis ulit. parang kahapon lang kami (dionglay family) tumambay sa nayong pilipino na ngayon ay panget na. parang kahapon lang nung nilibre kami ni papa sa ocean park, parang kahapon lang nung nanuod kami ni abby sa pamimingwit ng mga isda ng mga tao sa may gilid ng ocean park. parang kahapon lang...

fresh na fresh talaga sa utak ko ung time na dumating ang kaunaunahan kong bike na kulay red na may malufet na balancing wheel, parang kahapon lang din nung dumating ang kauna-unahang scooter na kulay red din na wala ng balancing wheel, parang kahapon lang ng nagrequest ako ng isang mountain bike, at parang kahapon lang ng tinupad ni papa ang wish kong mountain bike na kulay red din na kahit kailan ay hindi ko lalagyan ng balancing wheel dahil nakakahiya kung may makakita :D parang kahapon lang...

fresh na fresh sa utak ko, parang gulay, ang time na ginulo ni bimbo ang nilinis at pinaganda kong living room, parang kahapon lang ng nasapak ko siya dahil don, nagkapasa ang muka at umabsent siya, parang kahapon lang ng nagaway kaming tatlo nila bimbo, mama, at ako. parang kahapon lang nang pinapaamin kami ni papa sa aming kasalanan at may hawak siya nung kutsilyo (ang hindi raw magsalita, puputulan ng dila), parang kahapon lang ng napaluhod ako sa asin dahil sa pagsasagot ko kay mama (ayaw kong matulog ng tanghali eh), parang kahapon lang nang sinabi kong lalayas na ako dahil ayaw ko talagang kumain ng saging. parang kahapon lang...

grabe ang pagkafresh sa utak ko ung una kong tungtong sa ust, ang una kong section na 1-9, ang pangalawa kong section na 2-10, at ang pangatlo kong section na 2-8, parang kahapon lang nang nakilala ko sila aguda, barretto, gab, ong, ireleen, jaycibeth, bucao, joshua, eli, maki, orly, ale, jared, rayyan, kier, edward, lae, choy at marami pang iba, parang kahapon lang nung naging secretary ako, parang kahapon lang nung naging president ako, at parang kahapon lang nagsimula ang lahat. parang kahapon lang...

heto kahapon lang talaga (hindi parang.. :D)

masaya kaming naglakwatsa (it's bonding time :D) sa trinoma, at dahil sa malapit na nga kaming maghiwahiwalay (majoring na kasi next sem), ayun, nagkayayaan. isang malufet na kainan sa landmark foodcourt at xempre, dun na naman kami ni mark sa walang sawang flaming hot. after ng isang malufet na kainan, ay dumiretso na kami sa redbox kung san naganap ang isang malufet na kantahan...ofcourse hindi mawawala ang mga singers na sina (masaya):

-jaki
-ireleen
-cierine
-ruena
-recee
-mark
-ivan
-bren
-alec
-rayyan
-orly
-gab
-homer
-ale
-leo

sorry, hindi sunod-sunod ang mga pangyayari :D



THANK YOU! THANK YOU! AMBABAET NINYO...
THANK YOU!

HINDI KO KAYO MA-FO-FORGET (LOL :D)
03-22

Wednesday, March 11, 2009

disiotso

birthday ko na naman :D, parang kahapon lang ako ipinanganak at hindi ko napansin na ngayon na pala ang aking ika-18 taon.

haaay, nandito ako ngayon sa manila at ako lang magisa ang naninirahan dito, walang kamaganako kung mayroon man ay hindi ko ganon kakilala at syempre hindi ka-close.

kahapon palang, pinasaya na ni ireleen ang bisperas ng aking birthday. hehe. nagkatext kami at "heavy" raw ang mga topics :D. ang naapreciate ko pa eh ung pinapatulog na raw siya (around 11:45 pm) pero hinintay pa rin niya ang 12am para magreet lang ako :D




maraming salamat :D





kahit na walang kwentang firedrill at mahirap na test sa logic ang nangyari kanina, eh ok lang 'yon dahil kasama ko naman ang "society" kanina (hindi na siya potato prospects :D lol) nandiyan pa rin sila kahit na hindi ko sila nilibre ngayon. hehe.

na-surprise rin ako sa regalo nila recee, alec, ivan at avis :D














thank you sa inyo :D

natuwa rin ako sa mga sinend sa aking poems ni ireleen kanina :D


Over The Hill Birthday

It’s birthday time again I see;
Another year's gone by.
We’re older than we used to be;
The thought could make me cry.


For getting older is not such fun,
When there’s hurting in your back,
And it’s agony if you have to run,
And a pleasure to lie in the sack.


Yes getting older is quite a bore,
But to not get old is worse.
So "Happy Birthday!" let’s shout once more,
And to heck with our ride in the hearse!


Hooray for getting older! Happy Birthday and many more.


Another Year Older

A birthday is just another day,
young of mind, yet youthful looks go away.
Another year older,
the world seems a bit colder.
Yet my heart still burns,
and for love it forever yearns.
Another year older,
I grow even bolder.
Life is for us to learn from,
as calculated as a mathematical sum.
Another year older,
hurting blazes now just smolder.
Letting go of past rage and pain,
living life and feeling sane.
Another year older,
a tear on your shoulder.
Life has not been so bad,
my tear is of joy not because I'm sad.
Another day older,
more pages added to my folder.
I'm glad of whom I am today,
I would not have myself any other way.
So don't mind that I write my own birthday rhyme,
I've lived through my life up till this time
I think it is safe to say,
that things will go as planned His way.
He's got more for me yet,
It'll be even better I bet.
Another year older,
and I am in His debt.


naisipan ko rin na bumili ng makakain para naman magmukang birthday ko ang araw na 'to :D kaya naman namili rin ako kanina ng mga pagkain.














naisip ko lang yan para naman kahit papano ay masabing nagbirthday ako hehe. pero siyempre hindi ko rin nakalimutan ang magdasal at ang magwish kaninang 12 midnight.

nagpasaya rin sa akin ang pm ni gazel sa ym :D akala ko nakalimutan niya pero hindi pala. siguro kinantahan niya ako sa ym hehehe. thanks gazel :D

grabe, parang ibang experience ang naranasan ko ngayon. parang ibang klaseng birthday ang mayroon ako ngayon, ewan ko ba. pero masaya naman kahit magisa lang akong nagcecelebrate dito.

maraming dumating/nangyari sa buhay ko (salamat, masaya):

-gazel (nakilala ko)
-ireleen
-divino and the gang
-alpha phi bucao
-nagkaroon ng blog (www.dionglayofmylife.blogspot.com)
-2-8 (bago kong section)
-naging secretary (unang position)
-naging president (tapos naging....)
-mon (kakulitan ko sa pe)
-kervin (kakulitan ko sa pe)
-barcelona (kapartner ko sa pe)
-walang kwentang firedrill (tumapat sa mismong birthday ko)
-nakatagal na ako sa library hanggang 8pm
-debut ni recee (13th rose ako)
-debut ni caryl (7th rose ata ako)
-nagkadengue
-lumipat ng bahay
-gemrick (kaboard ko dati)
-arwyn (roommate ko dati)
-jayson (roommate ko dati)
-tambay sa grandstand (mahangin)
-kuya don (may-ari ng town house)
-ate ayee (kapatid ng may-ari ng town house)
-sinamahan ko ang kapatid ko sa ust
-nueva ecija trip (cwts)
-ilonah (te amo group)
-rab (te amo group)
-julie ann (te amo group)
-may nagalit sa akin hanggang ngayon wala pa ring pansinan
-oases sportsfest (unang game panalo, pangalawa, talo: 51-12 lol)
-epi (naging teammate)
-toem (naging teammate)
-matitinding professors at subjects

at maraming maraming marami pang iba. maraming salamat. kung iisa-isahin ko pa baka umabot na hanggang bukas. :D




THANK YOU!!
HAPPY BIRTHDAY GELO 'D GREAT
03-11



Monday, March 9, 2009

you're not a murderer, are you?

"bakit kaya ang cute nilang tingnan kahit na hindi naman sila mag-on? kahit na sabihin nilang "walang kami", oh sinasabi lang nilang "walang kami", in short, tinatago? hmm pero we can feel it eh (WE, naks naman), may something talaga! hindi lang siya "friends", i THINK it's more than friends" =))

dyan ko sinimulan ang post na'to kasi natutuwa ako :D nakakatuwa talaga silang tingnan, pag magkasama sila, pag nagtitinginan, pag naghaharutan/kulitan at marami pang iba, bagay kasi eh, kaya kung mababasa mo man 'to, "wala namang masama eh". mag-aminan na. haha. pero hindi naman to tungkol sa love story nyong dalawa :D

heto...

"just connect the dots, may kuneksyon"

hindi ba't mas nakakahiya kung may nagawa kang mali? dapat mo talagang itago 'yon, lalo na kung nakapatay ka diba? matindi yoon, pero kung may konsensya ka at gusto mong matahimik ka, iconfess mo. talagang darating ang araw na may makaka-alam din kahit na ang "nararamdaman" pa ang itago.

------

naintindihan niyo ba yoong post na ito? siguro yoong first at second paragraf, hindi. pero yoong last part naman siguro, kahit papano... haha

PERO ako kasi, hindi ko yata maintindihan. lol :D intindihin natin ha

mayroon sa utak ko na hindi ko matanggal gamit ang kamay eh, kaya hanggang dito nalang ang post ^^, siguro matatanggal 'to pag 3rd year na ako. lol


:D

Thursday, March 5, 2009

pinoy ruleZ!!! :D

napa-OMG ako nang makita ko 'to sa youtube. ang matindi pa ron, isa siyang pilipino. nice.



way to go kid. amazing!


pero mas nakaka-amaze ako, 3 posts para sa araw na 'to. lol :D

you changed my life in a moment

"...you changed my life in a moment, and i'll never be the same again....
you changed my life in a moment, and it's hard for me to understand..."

parang ang sarap magkaron ng girlfriend, ng inspirasyon haha. hindi ko ba alam kung bakit ko ba ito ginagawa ngayon, pero naLSS ako sa kantang 'yan. :D

mga comment sa youtube:

bhabyjhen29 (5 days ago)
oh my....

thanks for uploading...
it's really very touching...

naka2iyak...


Thanks "geh" for coming into my life and changing my life...

LOve you so much...

lezrich08 (1 week ago)
sweet...this song is for you again..you change my life...love yaaaaahhh

sheikaboom (2 weeks ago)
i really like this song..sobrang nkakarelate ako...somebody also change my life at after that i was never be the same again...he really change me sa lahat lahat...thanks to ...ney koh....

----------

haha wala lang, (pampahaba ng post?)

lahat sila may mga inspirasyon/bf/gf na, ako wala pa. err. :D

...sa ngayon, hindi pa naman mahalaga sa akin 'yon, nawala (?) na yan sa listahan ng mga pina-prioritize ko ngayon. haha. talagang aral lang muna. (wuuuuuuuuuuuu, asa :D)

pero habang pinapakinggan ko yan kanina, habang kumakain, mayroon akong naaalala :D kaya lang dalawa sila. lol :D

pero siguro, yoong kaibigan ko, nakakarelate din diyan >:) oiiiiiiii, sino kaya yon. ang tamaan, sapuul. haha.

=))

click

boom tarat

ano bang nasa isip ko at bumili pa ako ng....JUICY FRUIT GUM???????

naka WTH expression si dionglay ngayon, at nagsisisi kung bakit bumili ng tatlong juicy fruit gum. wala na ngang pera eh. grrr

kaboom...

kaboom...kaboom...kaboom.....

kaboom...kaboom...kaboom...kaboom...

(yan ay ang aking heartbeat :D)

nagexam na naman kami kanina sa computer at isa namang malaking question mark...


...kung papasa ako sa computer quiz kanina. kailangan ko na talagang makabawi sa lahat ng majors ko.

bakit ganon? todo aral naman ako ah (naks)

naranasan niyo na ba ang magpuyat para lang sa isang subject? para lang sa isang quiz kinabukasan?

ako?

putek, parang nakakapanghinayang lang kung bakit ka pa nagpuyat at nagsunog ng kilay tapos pagkatapos ng exam ay mafifeel mong babagsak ka lang sa quiz na un?

hahaaay, pero hindi pa naman ako nawawalan ng pagasa. :D, sipag, tiyaga, dasal at smile lang makakabawi na rin ako. sana. sana. sana. sana. sana.

Tuesday, March 3, 2009

1, 2, 3...friends forever

isa na namang kapanapanabik na pangyayari ang nangyari noong nakaraang linggo (march 1, march na pala yey). :D

kasama ko na naman ang mga mga bigating sina (masaya):

-gab k.
-baretto
-gian r.
-peggy
-ronald

at nadagdagan din:

-ale
-epi
-rayyan
-gelo (pres. ng oases)

kami ay nasa ust para lang makipaglaro ng basketball sa section 1-14. masaya naman ang laro kahit na nakakapagod at nakakasakit ng katawan :D

sa larong basketball, mahalaga ang "YELL" ng team para mabuhayan ang bawat miyembro at magkaroon ng determinasyon na manalo.

ang karaniwang sinisigaw ay "1 2 3 FIGHT"

pero dahil sa ang team namin (2-8) ay hindi pangkaraniwan :D lol, isa ring hindi pangkaraniwang yell ang isinigaw ng mga ka-team ko...



"1..2..3..FRIENDS FOREVER"


sa unang quarter ng laro ay dikit ang laban, parang imposible ng magkalayo ang mga iskor dahil sa tindi ng depensa, palitan ng shoot atbp. pero dahil sa si gab k. ay isang magiting na manlalaro ng basketball binigyan niya kami ng pampalakas ng loob :D

gab k.: team, may kulang sa atin kung bakit hindi tayo makalayo sa iskor nila

ronald: ano naman 'yon?

gab k.: SMILE :)

:D

lol

sa huli panalo pa rin kami dahil walang nakalimot sa "FRIENDS FOREVER" haha

Thursday, February 26, 2009

ibunton mo lang sa bola ng bilyar

isa na namang nakapanlulumong eksaminasyon ang natapos kanina, at heto lang ang masasabi ko...



takteng calculus yan! ang hirap! T_T



...kaya naman naisipan namin nila wiggy na maglaro ng billiards tutal maglalaro naman ng dota yoong mga kasama ko (patatas).

nakasalubong namin sila peggy at montemayor, at sabi nila, go na go din sila sa paglalaro ng billiards, kaya naman kumaripas na kami ng la
kad papuntang noda's cuisine.

salamat sa mga kalaro ko kanina (masaya):

-montemayor - "mr. hustler" ('di daw marunong oh! grr :D)

-peggy - "mr. smooth" (gusto mo talaga laging swabeh eh! :D)

-wiggy- "wiggy is his name, billiards is his game" (adik na :D)

-avis- "avis novice" (umalis din agad at sumunod sa pagdodota :D)

talagang ganyan ang buhay, kapag may nangyaring negatibo, mag-isip ka lang ng BAGAY at HINDI ng TAO na pwede mong pagbuntunan ng inis/galit. :D

"ibunton mo lang sa bola ng bilyar ang inis mo, alam kong wala kang sagot sa #1 kaya go sayo na yang dilaw."


-Anonymous

...pero noong dumating siya, nawala na ang inis ko ^^,


(one is the lonliest number...sabi nila)




TACSIYAPO!!!!!!!

Tuesday, February 24, 2009

dionglay and the knights of the elliptical (??) table

bago ko mabuo si "dino", ang aking bagong "3D puzzle" pet, ay NAPASUBO ako sa isang matinding labanan kasama ang limang knights of the oblong table.


dino, the green dinosaur. ang aking 3d puzzle pet


habang bumaba ako ng hagdan (mga tol, SLOW-MO to, cue: LACRIMOSA)

nakita ko na agad ang mga knights. makikisig, malalaki ang katawan (pero walang abs), puro tatoo, at higit sa lahat walang t-shirt, puros nakatop-less (maliban sa mga babaeng knight [anong feminine ng knight? hindi ko alam eh]).

ang mga knights:

- Sir Don
- Sir "kapatid ni Don" 1
- Sir "kapatid ni Don" 2
- Lady Ayee
- Lady "mother nila"

sila ang mga kasama ko sa oblong table, hindi para magmeeting, o magplano ng kung ano-anong pagsalakay. kundi ang KUMAIN. Ow em gi.

"angelo, pumunta ka na muna sa baba at kumain nagluto si kuya"

ito ang narinig ko bago ako mapasubo sa isang labanan. siyempre, tuwang-tuwa naman ako dahil may nag-alok sa akin. at hindi naman ako tumatanggi sa grasya.

masarap ang ulam, ginataang isda. yum yum yum yum. nakakatakam.

unang lapa: (ako ay kumakain habang sila ay kumakain)

Lady"mother nila": sige lang angelo, kuha ka lang ng maraming kanin, marami namang ulam, pabayaan mo sila

pangalawang lapa: (ayoko na eh, nilagyan pa ng kanin!)

angelo: ay ayoko na po, busog na po ako. salamat po.

Lady "mother nila":
eeeeeh, walang busog busog 'eto pa ang kanin.

Lady Ayee:
baka hindi niya maubos 'yan

pangatlong lapa: (tapos na ba?)

Lady "mother nila": hoy Sir Don, mahiya ka naman, ibigay mo yan kay angelo.

Sir Don: sige, bibili nalang ako.

angelo: busog na po ako (pagmamakaawa mode)

pangapat na lapa:(kailangan ko na ng panulak!)

angelo:
ayoko na po, busog na po talaga ako, laki na po ng tiyan ko.

*nagtawanan
*kinuha ang malaking gatorade at uminom
*Sir "kapatid ni Don" 1 at Sir "kapatid ni Don" 2, patuloy lang sa paglapa, walang imik imik. :D

angelo:
akyat na po muna ako.

at sa wakas, natapos din ang isang matinding lapaan. busog na busog na busog na busog na ako.

pagkatapos naman ng isang labanan, yehey, saka ko nabuo si dino, :D

Monday, February 23, 2009

dc hmpf, pero...

ako yoong taong hindi sumusuko agad..

sa lovelife, sa pagbawi sa grades, sa lahat ng bagay....at kahit na mapa-minesweeper pa!!!!




(wooo, kaya pa, subok ulit)



(sayang, sayang na sayang)



(bakit laging sayang?)



(waaaa, dedo na naman! sige lang. go lang ng go)



(waaaaaah, lagi nalang akong binibitin!!!!)

pero dahil sa tao lang ako.... paminsan minsan hindi ko rin napipigilan na sabihing...








dot dot dot

ang minesweeper, hindi lang yan basta laro. para yang isang joke na may double meaning. pede rin natin malaman kung ga'no ba kahaba ang ating pasensya at kung ga'no ba katagal ang itatagal natin.

kung alam mong may anim (6) na bombang nakapaligid, i-ki-click mo pa ba ung mga katabi nitong boxes? o hahanap ka ng ibang way para makalusot?

kung isa (1) lang? xempre hindi ka masayadong matatakot. magttry ka pa rin na mag-click ng katabi nitong box, kahit isa lang.

nagegets nyo ba? hahahaha :D

ang daming challenges ngayon ah. wuuu, lalo na at malapit na ang march (magbabakasyon na, sa'n kaya maganda? sa manila o sa laguna?) tinatamad na ako sa manila. hahaha

hulaan niyo kung nakailang oras ako sa paglalaro ng minesweeper T_T

Sunday, February 22, 2009

laugh laugh laugh laugh

woah! kagulat!

salamat sa mga kasama ko kanina (masaya):

-kenneth (kasama ang gf)
-baretto (late pa rin)
-gab k. (nahulog sa swing! ok lang yan :D)
-avis (mula sa taguig)
-ronald (napa-WTF nang malamang wala ng laro)
-gian (bonding moments)
-coach peggy (coach na coach na talaga)
-maricar (kausap si bucao sa phone, mahigit isang oras ata)
-eunice (pero umalis agad)

salamat din sa isang napakagandang view:

-ate "ganda" (maganda talaga)

salamat din sa mga nakalaro namin:

-varsity team ng ust sa tennis (matangkad lang kayo :D)

-------------------------

mapapa laugh laugh laugh ka talaga kapag magbabalik-tanaw ka (ang lalim :D) dahil sa wala ulit akong magawa (bakit hindi ko naisip na magreview sa calculus?) nilibot ko ang mundo ng blog-a-world! adventure talaga.

'yon pala ang mga ginagawa niyo nung "LAGUNA-BOY" palang ako at hindi ko pa kayo kilala..:D

sa blog-a-world, eto ang nakakuha sa akin ng atensyon:

si fernando poe sr. at si st. thomas aquinas...031107



galing yan kay ivan, mantakin mong habang ginagawa pala 'yan ni ayban (nung time na hindi pa kami magkakilala at nasa laguna pa ako), kumakain pala ako ng spagghetti, ng cake at umiinom ng masarap na eight o-clock!!!!!! laugh laugh laugh laugh


:D

Saturday, February 21, 2009

si DIONGLAY ay walang magawa sa buhay :D

happy birthday ivan!!!!!




matapos ang isang masayang kainan sa yellow cab-lacson (treat ni ivan)
, pwede ko na sigurong i-assume na tapos na ang sabado (pero tuloy pa rin ang bday ni ivan)! yehey! (assuming) alam ko na kasing wala na akong pagkakaabalahan sa mga susunod pang oras.

una palang alam ko ng magdodota ulit sila, (ito talaga yong storya ng "battlecry" eh, dionglay vs dota) kaya naman pagkatapos magwithdraw sa security bank ay diretso uwi na ako. alam niyo naman na hindi ako nagdodota, o kung hindi niyo pa alam, ngayon alam niyo na :D

pero bago ako makauwi, nakita ko sila ilonah, julie ann at jansen. nagkakwentuhan kami. nang biglang may kumalabit sa akin na taga ithm at may itinanong......... >:) (hindi na mahalaga kung ano 'yon)


fast forward



sobrang init dito sa manila (how i wish na ang ust ay nasa laguna), kaya naman itinapat ko ung electric fan sa akin at naghintay na makatulog. whew, mejo nakakaramdam na ako ng hangin.

buti nalang at nakatext ko si gazel at nawala ang aking pagkaantok, matagal ko rin siya nakatext :D

maya't maya lang, hindi na siya nagreply. sakto naman na nagugutom ako, tamang-tama meryenda time na. whew, at pumunta akong mini stop-vicente cruz.

siguro dahil sa sabog ako kagabi (hindi ako lasing ha), naisipan kong bilangin kung ilang steps ang aabutin mula sa bahay namin hanggang sa mini-stop.


one...


two..


...


...


one hundred...


...


...


one hundred sixty-nine...



ONE HUNDRED SEVENTY



huwaaaaaw, saktong 170 steps ang bilang ko mula sa gate ng town house hanggang sa pintuan ng mini stop. ang galing. sakto talaga.

kaya naman dali dali akong naggm (pero hindi sa lahat)

bumili ako ng softdrinks...













at ng dalawang lemon square cheesecakes...





isama ko na rin ang pretzels na nasa box ha. hwaaw, ang saya ng buhay ko ngayon lalo na't GINUPIT KO at BINUO ung nasa likod ng box nung pretzels. ung pambata =)) (epekto yan nang walang magawa)

at eto ang nabuo ko... em proud of it :D lol



dali-dali ko silang binili sa mini stop. at pagkatapos kong mabayaran ang mga items na yan. naisipan kong bilangin ulit ang steps na aabutin ko mula mini stop papunta sa bahay.

siyempre tinatandaan ko kung saan ako lumakad nung papunta palang ako ng mini stop, kaya lang, nagkamali pa rin ako...

166 steps lang ang nabilang ko. pero ok na yon. at least konti lang ang percent error. haha. kung kokompyutin mo siya. 2.35 percent lang ang error ko. kaya katanggap tanggap na yan. :D

Friday, February 20, 2009

BATTLECRY

alam ko sabog ako ngayong araw na ito eh. hindi ko lang alam kung bakit, siguro dahil may psychology bukas.

sa title ng post na ito, aminado na akong wala akong originality. :D pero ok lang yan may dating eh at tska what matters most is the content. pero kung napapangitan pa rin kayo sa content eh,'di wala na akong magagawa, siguro may abnormalities kayo >:) peace

ok alam kong excited na kayo na makita ang napakagandang content ng post na ito, syempre bakit ko naman sasabihin na "what matters to me most as a blogger is the content" kung hindi ko gagandahan ang content ng post na ito. diba? agree?

(pinaghirapan ko 'to para lang mapaganda ang content ng post na ito)

ok heto na...






sobrang ganda diba? kahit na walang kinalaman sa battlecry ang post na ito, at least, maganda yoong content. pinaghirapan ko yan. (one minute ko lang ginawa yan :D)

patunay 'yan na sabog ako ngayong araw na ito.

kapag march na, (dalawa lang 'yan)

1. pwedeng marami akong maipost (syempre titinuan ko na ulit)

at..

2. baka maunti lang ang maipost ko kasi month ko ang march! wOhooo! summer time (i mean summer as in bakasyon AT HINDI summer class :D)

goodnight everyone.

Thursday, February 19, 2009

akala ko ba opposite charges attract and same charges repel?

alam kong may natututunan naman akong matino sa physics. at alam kong tama ang mga tinuturo sa amin.

naisip ko lang nung mga 5 years old ako (ganun ako katalino, charing =D), para palang pwede siya sa totoong buhay, ang physics. opposite charges attract and same charges repel....

eh bakit ganito 'to?


isang WTF-ness, SHIT-ness at DAMN-ness ang naisambit ng mga mababait kong bibig. isang damnation ang bumabalot sa buong mundo. tsk tsk tsk. Mantakin mong, ibang-iba na ang generation ngayon pati same charges nagaattract na. wohooo.

tingnan nyo ung referee sa picture... alam ko naiinggit siya eh! gusto niya rin eh...


(lesbian wedding)

Monday, February 9, 2009

UP (disney-pixar)















Directed by: Pete Docter (Monsters, Inc) and Bob Peterson. From the Academy Award-nominated team of director Pete Docter ("Monsters, Inc.") and co-director Bob Peterson comes "Up," a comedic adventure taking off (and lifting spirits) in summer 2009. Carl Fredricksen spent his entire life dreaming of exploring the globe and experiencing life to its fullest. But at age 78, life seems to have passed him by, until a twist of fate (and a persistent 8-year old Wilderness Explorer named Russell) gives him a new lease on life. "Up" takes audiences on a thrilling journey where the unlikely pair encounter wild terrain, unexpected villains and jungle creatures. When seeking adventure next summer — look "Up."

ENG'Glove siya uii :D

pagkatapos nang limang oras na psychology....ay ulet...ganito na lang, PAGKAGISING ni Nat ay nilapitan nya agad si Jayci sa kanyang upuan at niyaya na magpunta sa higher grounds.

habang naglalakad, nagkkwentuhan ang dalawa. nagkukumustahan about sa quiz nila sa math nung wednesday nang biglang may tinanong itong si Nat....



siyempre, biglaan 'yon. pero hindi naman nagulat itong si Jayci dahil sa alam naman niyang nililigawan siya ni Nat.. hindi siya nagsalita instead, binigay niya kay Nat ang testpaper na kabibigay lang ni Sir Viloria.


una nagtaka pa si Nat kung ano 'yong binibigay ni Jayci, 'yon pala quiz sa math. nang makita niya ang mga sagot, tatlong question marks ang pumalibot sa ulo ni Nat dahil sa nakita....



at dahil don, napasigaw siya.....hindi dahil sa tuwa, kundi...



----------

sayang malabo ang kuha! pero basa niyo pa naman diba? sigurado, maiintindihan 'yan ng mga engineering students. lalo na ng mga second year na tulad ko. hehe :D

pagkatapos ng nakakatamad na PE, doon ako dumaan sa may tapat ng eng'g bldg. maraming tao kasi may contest ngayon dun na kahapon pa nagsimula, "LAST ISLAND PAINTING" at habang naglalakad, na-ISPOT-an ko 'to.

naastigan naman ako. pero habang nagpipicture, may naririnig akong naguusap na dalawang lalake, sabi wala raw originality kasi kinwento lang daw sa kanila ang scene na yan ng prof nila.

pero...

kahit na...

sana ito pa rin ang manalo sa LAST ISLAND PAINTING ng eng'g.

may tanong ako: sa anong department/org nagmamay-ari ang painting na 'yan? (dahil tsismoso ako, nalaman ko 'to, sana lang totoo ang source ko lolz :D)

a) sa mga bruskong estujante ng mechanical engineering?
b) sa mga debutante ni volta, electrical engineering?
c) sa mga adik sa chemistry, chemical engineering?
d) sa mga katulad ni popoy, civil engineering?

or

e) sa CYA

ang sagot: a =)), "love is all that matters", sabi nung isa!

Sunday, February 8, 2009

CWTS: The Nueva Ecija Experience

hi there!, tinamad akong magupload ng mga pictures haha. kaya naman kung gusto nyong makita ang mga kapanapanabik na nangyari sa amin CLICK nyo lang eto "pictures".

"aaaaaahh!" (alam kong may pagka-babui pero isipin niyo nalang hikab yan), "ang aga pa, alas kwatro y media palang", "gusto ko pang matulog" at "konting minuto pa"

ganyan sana ang mga gusto kong sabihin kanina pagkagising ko. kaya lang pag ganyan ang sinabi ko, isang malaking NAKO!. siguradong makakatulog ulit ako at malamang tanghaliin na ng gising kaya naman iba ang sinabi ko :D

"waaaaaaah tanghali na! kailangan ko nang maligo!" (4:30am, madilim pa) ganyan ako kapag may trip! kinakabahan nga ako na malate eh kaya minsan hindi nalang ako natutulog.

ligo mode

"whew, ang lamig"

bihis mode

"nasan na yoong cwts shirt ko????"

paPOGI mode

"pogi na naman talaga ako eh"

hayaan, sa wakas paalis na ako. ready to go na ako. ay hindi pa pala. dumaan muna akong mini stop para bumili ng 1000 ml na tubig, para naman hindi lang c2/softdrinks ang laman ng stomach ko na kung maaalala niyo ay may 95 % green tea (kung masugid ko kayong taga basa)

madilim pa, wala pang halos mga sasakyan sa daan kaya ang sarap maglakad-pagong patawid sa kabilang side. naglakad lang ako papuntang UST para naman hindi sayang sa pamasahe.

fast forward

una kong nakita si leo sa UST. may dala na siyang pagkain at ako naman hindi pa nagaalmusal kaya nagpasama ako sa kanya para bumili. sarado ang mga fastfood sa ust kaya naisipan nalang namin ang magmini stop. nakita naman namin si patrick at sumama na rin siya sa amin.

(sa mini stop)

"waaah! sh*t, nalaglag ang tinapay"

kuya cashier: sige IBALIK mo nalang.

kaya naman binalik ko.

sunod namin nakita ang magkasamang sila ching at avis (wag kayo magisip na iba, walang namamagitan sa kanila). sunod naman si julie. si rab nasa bus na at si homer at mark ang huling dumating sa grupo namin.

biyahe mode (the nueva ecija experience)

si leo ang seatmate ko at sobrang ingay namin, in short TULOG KAMI!. antok pa kasi kami eh. nagising ako, umaandar pa rin ang bus, pangalawang gising umaandar pa rin hanggang sa hindi na ako natulog ulit. nagstop over kami sa DOUBLE HAPPINESS, isang restaurant na tumatak sa isip namin...

fast forward

may tumapon. nilagay kasi ni ching ang biniling iced tea sa lagayan ng bag sa taas ng bus. ang tanong, san galing ang iced tea? san pa, binili ni ching sa DOUBLE HAPPINESS. ayun tuloy nadouble happiness si julie. naligo siya sa iced tea. para mawala ang lagkit binuhos ni ilonah ang tubig na NAGYEYELO sa kanyang ulo :D

diretso na raw kami sa site namin. sa BRGY ARIENDO BONGABON, NUEVA ECIJA. buti nalang at hindi umuulan. dumating kami sa site around 10am. inexplain sa amin ang gagawin at pagkatapos ay nagsimula na kami.

ipinakilala nga pala sa amin si mr. ricardo, manong ric for short. siya ang tutulong sa amin sa paggawa ng kisame ng paaralan ng ariendo. professional si manong. alam nyo ba kung bakit? heto ang maikling paligsahan....

1st contestant: TE AMO GROUP

"ako na ang maglalagare", sabi ko.

pagkaraan ng ilang minuto.

"homer ikaw naman" pagkaraan ng ilang minuto "avis ikaw naman" pagkaraan ng ilang minuto "rab ikaw naman" pagkaraan ng ilang minuto "ching ikaw naman" pagkaraan ng ilang minuto "dionglay ikaw ulit" at sa wakas naputol na namin ang kahoy.

2nd contestant: MANONG RIC

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7... tapos na!!!

kaming lahat ay nakanga-nga pati si ma'am repancol.

tulong lang kami ng tulong hanggang sa makarami. diretso lang kami ng diretso sa paglalagare at pagpapako para makatapos agad. pero sa huli hindi pa rin kami natapos. pero sabi naman ni ma'am na hindi naman daw niya ineexpect na matapos namin yon, ang mahalaga raw eh yong tulong na naibigay namin kay mr. ricardo a.k.a. manong ric.

sa gitna ng experience na yan ay hindi mawawala ang picture takings. wOhooo. picture don, picture dito, picture kahit saan!!!!

late na kami naglunch. kasi nga mejo magtatanghalian na rin nung dumating kami (around 10am). kumain na kami sa bus habang hindi pa nagpapatakbo ang kaskaserong driver. "akala mo tataob yong bus eh"

ilang minuto pa, nagpatakbo na si manong kaskasero kahit na kumakain pa kami...at dala ng bugso ng damdamin heto ang naisigaw ni avis!

"MANONG, YONG HOTDOG KO, TUMILAPON!"

matagal talaga ang biyahe kaya naman hindi namin napigilan ang makatulog. nagising nalang ako ng nasa pulilan, bulacan na. dito daw kami magsstop over. sa jollibee na may isang c.r. at sa katabi nitong shell na may isa ring c.r.

patalastas: may dalawang magandang babae sa jollibee na may kasamang lalake (kung lalake man siya)

ang tagal talaga ng biyahe kaya tulog lang ng tulog. wala na kaming ginawa kundi ang matulog at kumain.

ilang oras rin ang lumipas bago pa kami nakarating sa ust. pagod xempre kami takte, ang hirap baga naman umupo sa bus ng ilang oras at magtrabaho (maglagare, magmartilyo, magbuhat ng upuan, magbuhat ng kahoy, mag-alalay at mag picture)

xempre bago kami maghiwahiwalay, nagpicturan mode muna kami sa may buenabonita's statue este benavides statue. at biglang umambon. grrr.

"bye" at naghiwahiwalay na kami

TE AMO:

homer- modelong leader, N.I. sa pagmamartilyo :D
leo- super active.....sa pagpipicture, pati natutulog pinicturan
patrick- super inactive! haha
rab- favorite phrase "baka pedeng kumain na tayo, gutom na ako eh"
mark- "paX.P. sa paglalagare"
dionglay- vein? "hinde", "bakit ako ang taga-bomba?"
ching- salarin sa naganap na "double happiness scandal"
avis- camera-shy
ilonah- best in photography, ang nagpaligo kay julie ng nagyeyelong tubig
julie- biktima! pero ok lang yan. myembro ng sikat dynamic duo: ilonah and julie


P.S.

may bumentang line mula kay ivan...

"hi" (with matching bading-pronunciation)

joke of the day:

dionglay: knock! knock!
ching: who's there?
dionglay: CHING
ching: CHING who?
dionglay: the closer i get to touCHING you, the closer i get to loving you. (in short corny)