may bading na...
bago yan, eto muna. kagabi nanood ako ng my amnesia girl kasama sila marven, ayeen, anne, lea, at pau (pero umalis si pau) dun sa dorm ng mga kaibigan namin sa AB, at masasabi kong maganda ung movie. WALANG AMNESIA SI TONI! pasensya na sa makakabasa. HAHAHAHA. ang saya mangspoil. lol napansin ko rin na wala silang ibang ginawa kundi ang magbanatan :))
...na mayaman at may sasakyan na tumigil sa harap ko (around 2:30am) at gusto akong ihatid sa amin habang naghihintay ako ng masasakyan pauwi! HAHA.
Thursday, January 6, 2011
Saturday, January 1, 2011
scl9 assign. future wife daw :D
Thursday, December 30, 2010
future wife
HAHA nakakatawa. kasi pinagiisipan ko ngayon ang itsura ng aking ASAWA! haha. badtrip kasi na SCL yan, sinisira ang bakasyon namin pero ayos lang din naman kasi medyo exciting at napapagana na naman ang aking imagination :D issketch namin ang aming future wife XD
my ideal future wife :D (wala pa akong drawing T_T)
sino kaya ang magandang mapangasawa? haha. okay ba ung mala-angel locsin? huwag mataba. eh ung mala-kristine hermosa? huwag, parang masyadong maganda. eh ung mala-cristine reyes? ang puti naman masyado. WAG NALANG KAYA? haha.
nakakatawa kasi, iniisip ko lahat ng qualities na pasok sa panlasa ko at hindi ko kinoconsider ang mga panget haha. bakit ko naman icoconsider, eh ideal nga. kaso..kaso..kaso...
pano kung kabaligtaran ng nakasulat ang makatuluyan ko? EDI YARE haha.
drawing na! XD
Wednesday, December 29, 2010
pre new year entry
konting araw nalang at New Year na naman. kung pede ko lang gayahin ang showtime na may "the best of showtime" gagayahin ko rin. haha. pero actually pede ko naman talagang gayahin.
eto ang aking version: the best si dionglay. LOL
da best si dionglay kase...
umabot siya sa year 2011 haha. malamang, ano ako may sakit? haha. ang daming nangyari sa akin ngayong 2010 at masasabi kong ito ang pinakamasayang taon (sa ngayon) na dumating sa buhay ko. at sigurado naman akong maraming taon pa na masasaya ang darating sa akin, sa ating lahat :D
da best si dionglay kase...
nadagdagan ang kaibigan niya this year :D yep. may mga nakilala na naman akong new friends na nakakasama ko sa ROCKBAND, MOVIE MARATHON, sa PANGSUSURPRISE at sa KWENTUHAN. at hindi ulit sila taga engineering :D they're from the other side of UST lol. taga AB sila. and im thankful na nakilala ko sila Anne, Ayeen, Lea, Marix, Pau, Yel at sila Gigi, Jandy at HB rin.
da best si dionglay kase...
first time siyang nakaboso este nakaboto :D yep. dito sa taon na to ako unang nakaranas ng pagboto, at dito sa taon na to una kong nakita ang kawalan ng sistema ng pagboto. haha
da best si dionglay kase...
narating niya ang SINGAPORE :D yep. eto talaga ang isa sa nagpasaya ng taon ko. ibang klaseng experience ang naranasan ko sa singapore. ang dami ko ding nakilala dun ha, at talagang masayang kasama ang ME/ASHRAE family. naranasan ko ang magMCDO for almost one week, ang universal studios, ang makakain ng parang exotic food (hindi kasi gusto ng tiyan ko XD), at ang hindi halos matulog for almost a week.
da best si dionglay kase...
tumaas ang grades niya :D yep. eto rin ang isa pa sa nagpasaya ng 2010 ko. kahit na mayron akong isang tres last sem eh okay pa rin ang semestral average ko. hehe. masaya pa rin ako sa naging resulta ng final grades ko. at muntik na muntik na muntik na talaga akong maDL pero hindi ko naman habol yun.
da best si dionglay kase...
hinarap niya lahat ng challenges HAHAHAHA ang emo neto :D yep. ang daming trials na dumating tulad ng economics na muntik ko nang ibagsak, lovelife LOL, family problems at math problems XD
at higit sa lahat
da best si dionglay kase... da best lang talaga siya. haha.
SA BAGONG TAON KO NA KAYO IGGREET NG
HAPPY NEW YEAR
HAHAHAHA
Friday, December 24, 2010
yeah it's Christmas
11:50pm
sa makakabasa nito...
WISH YOU A MERRY CHRISTMAS
Saturday, October 23, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)