Monday, February 7, 2011

Ang Una Kong Pang-iistalk!

una sa lahat, yang pangiistalk na tinutukoy ko eh, hindi related sa harassement ha! haha. PAREHO LANG KAME NG DINADAANAN! hahaha

game. safe na ako.


kung babasahin mo ang title, parang assignment lang sa Filipino nung highschool. pero seryoso, baka makaperfect ako dito kung ipapasa ko 'to haha


dahil nga sa engineering week pa rin ngayon na pinagkamalang ME week dahil sa sobrang lakas at gwapo ng mga taga ME, eh nawalan kami ng klase.

nahiwalay ako sa mga klasmeyts kong respetadong manyakis, kaya naman kinontak ko sila! at shooot, nasa library daw ang mga mokong. nasa espanya ako noon at ang library ng ust ay nasa dapitan! kaya naman napaSHET ako sa layo ng lalakarin ko. pero nang papasok na ako ng espanya gate eh may namataan, the F! NAMATAAN ako. isang magandang babae. taga educ.

define angel locsin plus cristine reyes plus kristine hermosa plus mariel rodriguez plus kc concepcion minus the intrigas about them! siya na siguro yoon! isang anghel na bumaba mula sa langit para magpakita sa akin! isang diyosang sinasamba nang lahat! kaya naman bilang summa cum laude sa pangIISTALK (joke lang to), eh sinundan NIYA ako (kapal din eh no?). haha.

habang sinusundan ko siya, kinuha niya ang cellphone niya: (tsismoso din pala ako XD)

girl: uy "tooooot", nandiyan na ba si maam?
after 2 seconds (OO! binilang ko.)
girl: ay POTA!, late na ako. ayoko nang pumasok! POTA! niyeta! tatambay nalang ako sa P. Noval.



natawa ako ng di oras! napaWTF ng di oras at napasign of the cross ng di oras!
isa palang zombie na bumangon sa lupa! hindi pala siya isang anghel, isa pala syang pinaghalong, tiger at kalabaw at sinamahan pa ng bulldog! dapak!


anyway, hindi naman perpekto ang mga tao (sabay ganon! lol), minsan kahit na ang pinakakaclose mong kaibigan, siya pa ang tatraydor sayo! konek? may konek HAHA

No comments: