Showing posts with label malas. Show all posts
Showing posts with label malas. Show all posts

Saturday, July 19, 2008

Monday d' 14th

helo ulit sa lahat ng aking mga taga suporta,..haha. charing!! ang tagal ko nang hindi nakapagupdate..ngaun lang ulit. hmmm...ishshare ko lang sa inyo ung nangyaring KALUNOS LUNOS SA AKIN...hahaha.. hmmm kelan nga ba un.. ahhh alam ko na, JULY 14, LUNES...HINDI ko NAIHANDA ang isang KAPOTE, BOTA atbp....wala akong kaalam alam sa mangyayari sa buong maghapon..

Lunes noon, may PE na naman....hmpf. pero ok lang dahil advanced basketball naman ang PE ko at hindi ARNIS...nagising na naman ako ng als otso ng maga at pumasok bago mag alas nuebe... 9am kasi ang PE namin e...kasama ko na naman nun si mark si avis at si homer..kami ang F4..joke joke joke....anu bang nangyari nun...hmm.alam ko na, dinistribute ung aming NAPAKAGANDANG pe uniform....tsk tsk tsk...(sa kabaligtaran)..red team ako pati si homer at mark..si avis nahiwalay..green team xa e..bagay naman sa kanya.hahaha....dahil sakanyang MIND. haha. joke ulit... puro joke!?!,, haha

whew, nakakapagod ang maglaro ng basketball..dalawang oras na walang pahinga..niluluto sa power ng sun...iniiga ang aming mga pawis...at ang pinakamatindi, wala akong dalang tubig... (anu ba yan!!!!)..C2 na naman ang iinumin ko...FYI..ang aking stomach ay naglalaman ng 95% green tea..OMG...

natapos ang PE namin ng nakapanalo kami sa practice game...RED vs BLUE.... isa lang ang lamang namin...15-14. hehe..ang laki ng skore no? waha.. nagparinig sa akin ang mga taga asul...ngunit hindi sila umubra sa akin..hahahaha...yabang e no...

ang ganda ganda ng panahon..masarap magswiming...este..masarap gumimik..haha.... pagkatapos ng laro, xempre kumain muna kami ng tanghalian...minalas ako..wahahaha... NATAPUNAN KASI AKO NG ICED TEA, NABALI ANG AKING KUTSARA, MUNTIKANG MABASAG ANG BASO, AT NALAGLAG ANG TINIDOR.....hula ko ISANG BABAE LANG ANG NAKAKAALALA SA AKIN...UMAMIN KA NA....GRRRRRRRRR... haha.. grabe, kelangan na ng todong pagiingat at baka ang sumunod ay MAHULOG AKO SA MANHOLE...oninyit...hehe.

dahil sa mga nangyari, talgang nagingat na ako.. baka malasin ulit ako e...haha.. hindi naman 13 ngaun...14 kea ngaun...hindi rin friday...LUNES kea....lunes, lunes, LUNES....tsk tsk tsk..

natapos akong kumain nang may suot suot na basang damit (dahil sa iced tea).. sayang ang aking porma...japorms pa naman...naka engg shirt at shorts at rubber shoes...

pagkatapos kumain, napagkasunduan ng lupon ng mga inhinyeryo na magpatabas ng buhok. pero hindi ako nagpagupit hehe..si mark at bea lang.... dun kami sa the avenue..kasi may kakilala si bea dun..nagsimula ng UMANBON..eh naglalakad lang kami nun..kasi sa may dela fuentes lang ata un e...lapit lang...e aun nga biglang umambon...buti nlng may payong ako nun. si bea wala,kawawa naman... pero ok lang dahil nakarating kami sa the avenue ng hindi lumakas ang ulan...ambon lang...naka isang oras at mahigit din kami sa salon na yon...nakipanuod ng pelikula(daboy)...at nakiupo lamang ako. haha. ung dalwa nagpagupit... habang nagpapabeuty ang dalwang chenes...bumulusok ang isang napakalakas na ulan......hwaaaaat???...at tinangay ang isang payatot.... nilipad ang bata...naging superwoman si ate sa lakas ng ulan at hangin..tsk tsk...pag minmalas nga naman....

natapos na silang dalwa magpagupit..ang ulan hindi pa rin tapos sa panghahagupit.. akala namin didiligan lang nya ung puno un pla pinutol nya...tsk tsk tsk..bastos na bagyo...dahil nga sa malakas pa ang ulan..napagdesisyunan ng tatlong musketero na tumambay muna sa the avenue.. hehe....unfortunately (dumaloy ang dugo sa ilong..sabay pahed).....mas lalong lumakas ang ulan...wala na kaming choice kundi suungin ang isang unos...sisirin ang isang matinding problema, harapin ang kalunos lunos na ewan...aun at nakasakay rin ako ng jip..si bea naiwan...d kolam kung panu xa nakauwi...pero thank God nakauwi si bea ng maayos.....

comportable na ako sa jip dahil nalampasan ko ang isang napakatinding pagsubok...pero hindi pa pala dun nagtatapos ang isang matinding labanan....napansin ko ang daan na may lumalangoy na dolphin (basura..ganun tlga sa manila)...OMG, isa lang ang ibig sabihin nun...nilamun na ng tubig ang napakagandang lupain ng quintos at winasak ng alon ang street ng maceda (dun pa naman ako bababa.,hmp)...putek na yan, akala cguro ng bagyo, susuko ako sa kanya ha....inilabas ko ang aking mahiwagang sandata....ginwa ko ang aking makakaya..ngunit hindi ako makatawid sa tawiran dahil ito ang hitsura ng tawiran:

ang malas ay kumakalat na sa buong paligid...wala ng lunas...hindi ko na alam ang gagawin..ang aking mga kababayan ay nagsusumigaw ng tulong..sila ay nakisali sa aking mahiwagang storya.. isa nlng ang paraan upang makatawid sa kabilang dako ng mundo... may isang ermitanyo na sumigaw at ang kanyang sinabi ay..."TOY, TRICYLCE..MURA LANG".. ang kaligtasan ay lumalapit sa aking mga kamay.. buti nlng at makakatawid na ako.... habang nsa mahiwagang tricycle..hindi ko mapigilan ang...MAGPICTURE..dahil sa napakagandang ESPANYA WATERPARK.....ETO OH...

ang ganda no.hahaha...yan ang hagupit ni bagyong "hindi ko alam ang pangalan"... hirap na hirap na ang mga kabalyero na lumusob sa napakalakas na kalaban.... buti nalng at ako ay malapit na sa bahay..haha..

hooray hooray hooray...nakauwi ako sa wakas... haha..

manong driver magkano po ang pamasahe??.. "mura lang..TUMATAGINTING NA BENTE PESOS".......what the____!!!.. ang mahal naman...kayang kayang lakarin e... malapit ng maubos ang aking mga pilak at ginto..pero nagbayad pa din ako.. xempre pag dako nagbayad..dedz ako..tsk tsk tsk..

nakauwi ako sa bahay...na nabasa sa ulan...walang nasilungan..walang nalapitan.. tricylce lang ngunit may bayad..amp....

pero kahit ganun...masaya ang experience na un...first tym un.. pero kahit na mangyari ulet sa akin un...HINDING HINDI AKO LULUSONG..wahahahaha....^_^

Monday, July 7, 2008

Sayang. Nakooooo naman.

quarter to 8am na akong nagising, bumangon ako siyempre...may gumagamit pa ng CR. tsk tsk..lunes ngayon. wala dapat akong pasok e. pero ok lang. kelangan kong tanggapin na may pasok ako ngayon. PE lang naman e. hehehe. advance basketball. baka sakaling may mangyaring maganda sa akin....asteeeeeg.

ang tagal ni jp maligo, kaboard ko...natapos siya ng saktong 8am. tsk tsk. pero kahit na ganun, nakapasok naman ako sa uniberesidad ng maayos at matiwasay. hehehehe.

naabutan ko sila mark at bea sa tapat ng engingeering building.doon ang aming tagpuan. hehe.. balak pa namin kumain pero hindi na natulloy kasi nakakain na si mark..tsaka malapit na mag9am. baka malate pa kami sa aming PE class. naabutan din kami ni dada...mayroon pa kasi siyang audition sa dance troupe ng engineering... (natanggap kaya siya? hmm...)...

dumiretso kami sa...anu nga bang tawag sa lugar na un na may bilihan ng siomai, zagoo..takte nakalimutan ko.....ahh basta doon kami nagpunta. gusto kasi nila ng zagoo e..eh kea lang pagdating namin wala pa. kea bumili nalang kami ni bea ng waffle..ewan ko kung anung binili ni dada... ang binili ni mark ay nestea na ang presyo ay tumataginting na 15 pesos...tsk tsk....ang mahal.. nga pala, american hotdog ang flavor ng waffle namin ni bea. hehe...lasang hotdog pero hindi lasang american..ahah...after that (sabay pahed na naman sa dumudugong ilong)..diretso na kami sa victoria court (uuuuuy mukang nagkamali ako ng type ah..haha)....este sa basketball court. si dada naman pumunta na noon sa kanyang audition at sinamahan siya ni bea...haay nako ang layo layo ng court. takte....hindi pa nga naglalaro pawisan na. pano sa p.noval court pa kami kelangan pumunta...eh sa tapat lang ng engineering building ahhh may court na...ang dami pa.

hindi muna kami pumasok ng court..instead (sabay pahed na naman. anu ba yan..pagod na ako kapapahed sa ilong..)..lumabas kami ng campus. nagsiomai muna ako. 20 pesos, apat na piraso. nilagyan ko ng hotsauce...sabay kagat... sabay umusok..sabay namula, sabay bili ng tubig..sabay inom...aun sa wakas natanggal din ang anghang....si mark nagpaxerox nung sa p6. may assignment kami dun e. (hanggang ngaun hindi ko pa nagagawa. hehe)..

pagkatapos ng umuusok at namumulang pangyayaring iyon..diretso na kami sa court..dumating na rin nun si homer.,,,ang ginawa lang naman namin ay nagbayad para sa jersey ng aming PE. advance basketball nga kasi dba?.. pagkatpos nun, pinagpraktis kami ng shooting....

2on1 daw...ang hamon sa akin ng dalawang naggagalingan at nagsisitangkaran at may malalaking katawan (salvador??..este.)..ooooyyy bago kau magulantang..kabaligtaran ang lahat ng iyan.........na sina homer at mark... kahit na bago palang si mark sa mundo ng basketball..at si homer ay may alam sa basketball..pumayag na ako.. para maturuan ko na din silang dalwa.....hindi ng leksyon ha..kundi ng pagbabasketbol....

sayang.......hahaha..dapat sineryoso ko e. natalo tuloy nila ako. 10-9 ang iskor. pero ok lang un kasi naman..oo nga naishoot nga ni homer ang bola sa ring pero travelng naman siya. hehehehehe..pinagbigyan ko lang na counted un. hahaha...

niluto kami sa sobrang init....anu ba yan..mahilo hilo na ako nun e..kea pahinga muna...at ilang minuto lang ang nakalipas..dinismiss na din kami.. palet palet na ng damit.doon kami nagpunta sa male shower sa gilid ng ust sa may tapat ng bilihan ng pe uniform na katabi ng gym...(o cguro ung mga tomasino diyan, alam na kung san na un)..

nagpahinga muna kami sa katabing pavilion..at aba may dalawang HINDI dalagang pilipina na ang gaganda, mapuputi, atletic, mahaba at maikli ang buhok (mas type ko ung mahaba ang buhok), chinita, at may KOTSE...OMG thank you Lord for your beautiful creations. sabay tunog ni homer ng "wang wang wang wang wang"....ibig sabihin maganda tlga. hehehe...iyan ang kalandian ni homer......sayang na naman hindi namin kilala. haha.

napagisipan namin na sa engineering building nlng magpalet ng damit...para naman maganda at feel at home..engineering students kami e..dun kami dumaan siyempre kung saan masisilayan pa rin namin ang dalwang HINDI dalagang pilipina.

naku naman, nasa tapat ng engineering building ang aming dean na si Engr. Peter Lim...natakot pa nga si mark e. hehe.....atras daw sabi nya. pero anu ka ba, wala lang un, magpapalit lang naman tayo ng damit e..un lang un.. paglapit sa entrance..kinausap lang kami ni dean at ang sabi lang ay huwag daw magtsitsinelas.....

nasa loob na kami...nakapagpalit na din ng damit (nakamides nga ako e. hehe..intramural shirt namin nung HS)....at naisipang puntahan ang nagaudition na si dada....nakasayaw na si dada pero hindi pa alam kung pasado pa siya..naghintay pa kami ng ilang oras (ang paghihintay na to ay nakatakda na para mangyari ang pinakaSAYANG na parte ng kwento ko...kaya humanda kayo).....may pinakilala si dada sa akin, kea lang may problema, nakalimutan ko na naman ang pangalan...anu ba yan....hmpppp. dalwang babae un, nagaudition ata ung isa tas ung isa ata ewan ko, basta nakauniform e....aun.....hindi pa pla sasabihin kung tanggap si dada..matagal pa pla ang hihintayin...kea eto na naman, napagdesisyunan ulit namin (ako bea mark homer.....F4) na kumain na ng tanghalian...pasado 12nn na rin nun e..

sa "orange" ulit kami kakain...lumabas na kami ng bldg...(malapit na ung cnasabi kong nakatakda..huwag kaung maexcite). naglakad na kami papuntang "orange"..nadaanan ang "beanhoppers", "goldilocks", "ung cnasabi kong may zagoo, siomai house", "gilid ng mcdonalds"..sabay liko pakaliwa pagdating sa duo ng gilid ng mcdo...nakacap ako nun, nakatingin sa nilalakran at NANGYARI NA NGA ANG PINAKASAYANG SA LAHAT...hindi ako makakatulog nito (charing)......

homer: ui dionglay, nakita mo un???

dionglay: cnu???
(sabay tingin sa likod)

dionglay ulit: si RONA??????

waaaahhh anu ba yan...bakit ganun...bakit hindi ko nakita... bakit ikaw lang homer ang nakakita..............bakit???? BAKIT???????????? BAKEEEEEEEETTTT??????? (exag na to. haha)...

sa lahat ng hindi pa kilala ang aking ULIMATE CRUSH NA SI RONA..ETO XA:

patay kau sa hitsura niyan....SAYAAAAAAAAAAAAANG TALGAAAAAAAAAA.. AMPPPPPPPPPPP........NASA HARAP KO NA HINDI KO PA NAKITA......ANU BA YAN.. bakit ganun, kung sinu ung ultimate crush mo..siya ung hindi mo makita kita...samantalang ung iba,, nakikita nila,,, nakakaasar.....isang napakalaking SAYANG tlga un........waaaaaaaaaahhhhhhhh nakakainis.......grrrrrrrrrr.....roaaaaaaaarrr..
(exag ulit..hehe..)

hindi bale..darating din ang araw na makikita ko siya ng personal...ung makakausap..makakasama... kea lang kelan kea mangyayari un????? huhuhuhu....

hinayaan kong lumipas ang kalunos lunos na pangyayari....pero sa isip isip ko, sayang talga... xempre..maiintindhan nyo na naman ako.......sa katunayan, hindi pa din ako makapaniwala na dumaan sa harap ko ng hindi ko namamalayan si Rona....kea bumalik kami, tiningnan namin dun sa hindi ko nga alam ang pangalan na may tindahan ng siomai at zagoo...aun.. haaaaaaayy..

ocge ok lang, tuloy tuloy lang kami sa paglalakad..hanggang marating na namin ang kaharian ng "orange"...whew, nakakagutom maglakad...masarap kumain.. honey beef ang inorder kona may kasamang C2, ganun din ang kay mark wala nga lang C2...chicken sisig ang kay bea..sarapppp..hmm.. pork teriyaki ang kay homer...kung hindi ako nagkakamali...ang sarap ng tanghalian lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo..at siyempre kapag may magagandang babae na kumakain din sa fastfood na un. hehehe......

pagkatpos nun, magaaral na kami...binalikan namin si dada sa engineering bldg..hindi pa rin siya tapos...hahahaha..

teka bago mangyari un.. pagpasok sa bldg, napitas ako ni manong guard...tsk tsk...bawal daw ang nakashorts..pero pinagbigyan pa rin ako ng chance para makapasok...5 mins lang daw para bisitahn ang kaibigang si dada.

nang malamang hindi pa nga tapos ang babaeng iyon, lumabas na kami ng building..at tumambay sa pavilion ng engineering....hindi na kami dumiretso sa library kasi baka hindi rin kami papasukin dahil makashorts nga ako..atsi mark nakamaong din na shorts..

tinext nga pla namin si eunice nung maga..para sa isang review..

actual message:

"may grup study tau sa calculus. kung gus2 nyo d2 na maglunch, punta na kau d2 ng 11am or 1pm. kitakits. dala kau buk sa p6. ptxt c maricar. ty"

yan ang message na pinadala ko kay eunice..
si maricar ang unang nakadating...si eunice naman, hindi nakadating, kasi naman may nakalimutan ata siya sa quezon ave...atm ata at susi ng kung anu...si homer nakauwi na din nun...

apat nlng kami..ako mark bea at ang bagong dating na si maricar.. para makagawa kami sa physics..kinuha namin ung laptop at nagsimulang magsulat.
bumili muna si bea ng zagoo..(sa wakas nagbukas na, malamang, hapon na e.).. kea lang sayang naman ang pera kasi, hindi daw nya naramdaman ang kaluluwa ng binili nyang zagoo na hindi ko alam ang flavor....matubig daw kasi. hehehe...ganun din ung kay maricar..bumili din ako...at ganun nga din, matubig nga habang tumatagal ang paghigop sa zagoo (tama ba ang term?hehe)......

natapos ang aming kasiyahan sa isang magandang kwentuhan at samahan...kahit apat lang kami..masya pa din kami.... kahit maraming sayang ang nangyari ngaung araw na ito...hindi naman nasayang ang pagpasok ko dahil sa bonding naming apat....

nandito na ako sa bahay, hindi ko namalayang gabi na pala...hindi pa nga ako kumakain e...hehehe.......

ibang klaseng sayang......

Sunday, July 6, 2008

Linggo Ngayon Ah!?

whew! dahil sa puyat at sobrang antok na nararamdaman...hindi na namin narinig ang nagsusumigaw na alarm clock ng aking celphone. pero nagicing padin naman kami. around 8:15 na kami nagising....at 9am pa ang pasok nitong si Rhenz. may orientation kasi kami ngaun ng NSTP e..ako naman 11am pa. nakaidlip ulit ako at pagmulat ko nakaaus na si rhenz, handa na sa pagpasok sa unibersidad. sumabay na ako sa kanya. uuwi na rin kasi ako nun.

sumakay ako ng jeep. sa unahan ako nakaupo, sa katabing upuan ni mamang tsuper. napatingin ako sa salamin...at napaisip.."gwapo ko pala kapag bagong gising"..hahahahaha...anyway..

nakadating ako sa bahay sa craig st ng 9:30am. nagpahinga ng konti, kumain, at naligo na din. pero grabe pa din tlga ang nararamdaman kong antok. kasi naman around 3am na kaming nakatulog tapos aga pang nagising. haaay..kwento kasi ako ng kwento eh, ayan tuloy napasarap. hehe. tapos na akong magaaus ng aking sarili ng mga 10:15am..at pumasok na sa unibersidad. ngunit dahil nga sa antok, nakalimutan ko pala ang aking registration form. "anu ba yan" sayang sa pamasahe...bumalik ako sa boarding house at kinuha ang aking naiwan. at balik na naman sa UST. nakadating ako sa ust ng quarter to 11. eh dapat 10 minutes before 11am dapat nandun na. buti nlng hinintay ako ng mga kaibigan kong patatas (mark, homer, bea, alec, jackie) at kasama din nila sa patrick.

nakadating kami sa building ng commerce-ab ng saktong 11am. buti nlng hindi pa nagccmula ang orientation...

unang basa ko sa pangalan ng prof.....nasiyahan na ako, kasi naman kapangalan nya ang crush ko..si RONA...kea lang malayo ang mukha. hehe. dahil lang sa pangalan kea ako nabuhayan..kea lang nung nagsalita na xa...awts, nakakakakakakakakantok talaga....haaaaaaaaaaaaaaaah. hindi ko mapigilan ang pagpikit ng aking mga mata..gustong magpahinga. buti nlng nagising ang kamalayan ko, haha, kasi naman, may isang engineering student na umepal. hahahaha.. 11-12am ang pasok namin....dumating xa ng quarter to 12. haha..kumusta naman un, ang aga diba? sa kabaligtaran..pinitas tuloy siya ni ma'am Rona..ang buong diskusyon ng aming instructor ay umikot lamang sa eleap. sabagay, un lang naman ang gagawin namin buong sem..ang magonline at maglog in sa eleap. hahaaay...antok na antok na ako..buti nlng at tinapos na nya ang kanyang orientation bago plang mag12 ng tanghali.

ang dami talagang magagandang babae sa commerce-ab...haaay nagsawa si homer. este nagsawa kami. haha

tanghali na nun..so kelangan naming kumain..dahil kung hindi siguradong ang isa ay tataob. naisipan namin kumain sa jollibee-dapitan. dun lang kasi malapit ang building na pinuntahan namin e. hinintay pa namin si Flow at si Ara. unang dumating si Flow na kasama pa nya ang kapatid nya na soon to be thomasian na hindi ko naman naintindihan ang pangalan. tsk tsk...sumunod na dumating si Ara. pagdating nila, diretso na kami sa jollibee...

sa jollibee, habang nakapila, nakakita si mark ng simcard sa sahig. smart. hehe. tinesting ko, gumagana pa. aus.

ako na pala ang oorder. isang C1, at dalawang burger steak.. isa sa akin kay bea at kay ara. sa akin pinabili ni leo ehh..habang umoorder, nakauwi na pla sila paula, flow at ang kapatid nya, at homer...kala namin kasabay namin silang kakain,pero hindi pala. pero ok lang....kasabay ko pa din naman kakain sila mark bea leo at ara. umalis din naman agad si ara pagkatpos niyang kumain kasi meron pa siyang orientation sa NSTP.

wait, bago nga pla kumain, nagkamali pala ako ng order para kay bea, kasi naman sabi ni leo..kahit anung softdrinks daw basta walang ice...un namang crew eh hindi naman ata kami nagkakaintindihan...nakakainis. hahahaha.. pero ok lang....

busog na busog na kami. ang sarap ng kain namin kasi naman malamig sa jollibee-dapitan e.hehe. naglaro muna si bea ng Dj portable sa PSP ni mark..pahinga ba..kasi mga busog nga naman. pero pagkatpos nun, umuwi na din kami.....humiwalay sa amin si leo. si bea naman diretso sa pacific...magdodota na naman ata. hehehe. so si mark na naman ang kasabay ko sa paguwi.

haaay, nakakapagod ang araw..linggo ngaun dapat nagpapahinga kami, dapat walang pasok. siguro kelangan ko na tlgang masanay bilang isang kolehiyalo (tama ba? hehe). sabagay twing linggo naman tlga kasi ang NSTP.......

nakakapagod tlga ngaun, at nakakaantok din...tulugan na naman..ay hindi muna pala ako matutulog kasi sayang ang UNLIMITED. nagunli kasi ako e, dahil kay Flow, natouch kasi ako sa kanya..^_^