Monday, July 7, 2008

Sayang. Nakooooo naman.

quarter to 8am na akong nagising, bumangon ako siyempre...may gumagamit pa ng CR. tsk tsk..lunes ngayon. wala dapat akong pasok e. pero ok lang. kelangan kong tanggapin na may pasok ako ngayon. PE lang naman e. hehehe. advance basketball. baka sakaling may mangyaring maganda sa akin....asteeeeeg.

ang tagal ni jp maligo, kaboard ko...natapos siya ng saktong 8am. tsk tsk. pero kahit na ganun, nakapasok naman ako sa uniberesidad ng maayos at matiwasay. hehehehe.

naabutan ko sila mark at bea sa tapat ng engingeering building.doon ang aming tagpuan. hehe.. balak pa namin kumain pero hindi na natulloy kasi nakakain na si mark..tsaka malapit na mag9am. baka malate pa kami sa aming PE class. naabutan din kami ni dada...mayroon pa kasi siyang audition sa dance troupe ng engineering... (natanggap kaya siya? hmm...)...

dumiretso kami sa...anu nga bang tawag sa lugar na un na may bilihan ng siomai, zagoo..takte nakalimutan ko.....ahh basta doon kami nagpunta. gusto kasi nila ng zagoo e..eh kea lang pagdating namin wala pa. kea bumili nalang kami ni bea ng waffle..ewan ko kung anung binili ni dada... ang binili ni mark ay nestea na ang presyo ay tumataginting na 15 pesos...tsk tsk....ang mahal.. nga pala, american hotdog ang flavor ng waffle namin ni bea. hehe...lasang hotdog pero hindi lasang american..ahah...after that (sabay pahed na naman sa dumudugong ilong)..diretso na kami sa victoria court (uuuuuy mukang nagkamali ako ng type ah..haha)....este sa basketball court. si dada naman pumunta na noon sa kanyang audition at sinamahan siya ni bea...haay nako ang layo layo ng court. takte....hindi pa nga naglalaro pawisan na. pano sa p.noval court pa kami kelangan pumunta...eh sa tapat lang ng engineering building ahhh may court na...ang dami pa.

hindi muna kami pumasok ng court..instead (sabay pahed na naman. anu ba yan..pagod na ako kapapahed sa ilong..)..lumabas kami ng campus. nagsiomai muna ako. 20 pesos, apat na piraso. nilagyan ko ng hotsauce...sabay kagat... sabay umusok..sabay namula, sabay bili ng tubig..sabay inom...aun sa wakas natanggal din ang anghang....si mark nagpaxerox nung sa p6. may assignment kami dun e. (hanggang ngaun hindi ko pa nagagawa. hehe)..

pagkatapos ng umuusok at namumulang pangyayaring iyon..diretso na kami sa court..dumating na rin nun si homer.,,,ang ginawa lang naman namin ay nagbayad para sa jersey ng aming PE. advance basketball nga kasi dba?.. pagkatpos nun, pinagpraktis kami ng shooting....

2on1 daw...ang hamon sa akin ng dalawang naggagalingan at nagsisitangkaran at may malalaking katawan (salvador??..este.)..ooooyyy bago kau magulantang..kabaligtaran ang lahat ng iyan.........na sina homer at mark... kahit na bago palang si mark sa mundo ng basketball..at si homer ay may alam sa basketball..pumayag na ako.. para maturuan ko na din silang dalwa.....hindi ng leksyon ha..kundi ng pagbabasketbol....

sayang.......hahaha..dapat sineryoso ko e. natalo tuloy nila ako. 10-9 ang iskor. pero ok lang un kasi naman..oo nga naishoot nga ni homer ang bola sa ring pero travelng naman siya. hehehehehe..pinagbigyan ko lang na counted un. hahaha...

niluto kami sa sobrang init....anu ba yan..mahilo hilo na ako nun e..kea pahinga muna...at ilang minuto lang ang nakalipas..dinismiss na din kami.. palet palet na ng damit.doon kami nagpunta sa male shower sa gilid ng ust sa may tapat ng bilihan ng pe uniform na katabi ng gym...(o cguro ung mga tomasino diyan, alam na kung san na un)..

nagpahinga muna kami sa katabing pavilion..at aba may dalawang HINDI dalagang pilipina na ang gaganda, mapuputi, atletic, mahaba at maikli ang buhok (mas type ko ung mahaba ang buhok), chinita, at may KOTSE...OMG thank you Lord for your beautiful creations. sabay tunog ni homer ng "wang wang wang wang wang"....ibig sabihin maganda tlga. hehehe...iyan ang kalandian ni homer......sayang na naman hindi namin kilala. haha.

napagisipan namin na sa engineering building nlng magpalet ng damit...para naman maganda at feel at home..engineering students kami e..dun kami dumaan siyempre kung saan masisilayan pa rin namin ang dalwang HINDI dalagang pilipina.

naku naman, nasa tapat ng engineering building ang aming dean na si Engr. Peter Lim...natakot pa nga si mark e. hehe.....atras daw sabi nya. pero anu ka ba, wala lang un, magpapalit lang naman tayo ng damit e..un lang un.. paglapit sa entrance..kinausap lang kami ni dean at ang sabi lang ay huwag daw magtsitsinelas.....

nasa loob na kami...nakapagpalit na din ng damit (nakamides nga ako e. hehe..intramural shirt namin nung HS)....at naisipang puntahan ang nagaudition na si dada....nakasayaw na si dada pero hindi pa alam kung pasado pa siya..naghintay pa kami ng ilang oras (ang paghihintay na to ay nakatakda na para mangyari ang pinakaSAYANG na parte ng kwento ko...kaya humanda kayo).....may pinakilala si dada sa akin, kea lang may problema, nakalimutan ko na naman ang pangalan...anu ba yan....hmpppp. dalwang babae un, nagaudition ata ung isa tas ung isa ata ewan ko, basta nakauniform e....aun.....hindi pa pla sasabihin kung tanggap si dada..matagal pa pla ang hihintayin...kea eto na naman, napagdesisyunan ulit namin (ako bea mark homer.....F4) na kumain na ng tanghalian...pasado 12nn na rin nun e..

sa "orange" ulit kami kakain...lumabas na kami ng bldg...(malapit na ung cnasabi kong nakatakda..huwag kaung maexcite). naglakad na kami papuntang "orange"..nadaanan ang "beanhoppers", "goldilocks", "ung cnasabi kong may zagoo, siomai house", "gilid ng mcdonalds"..sabay liko pakaliwa pagdating sa duo ng gilid ng mcdo...nakacap ako nun, nakatingin sa nilalakran at NANGYARI NA NGA ANG PINAKASAYANG SA LAHAT...hindi ako makakatulog nito (charing)......

homer: ui dionglay, nakita mo un???

dionglay: cnu???
(sabay tingin sa likod)

dionglay ulit: si RONA??????

waaaahhh anu ba yan...bakit ganun...bakit hindi ko nakita... bakit ikaw lang homer ang nakakita..............bakit???? BAKIT???????????? BAKEEEEEEEETTTT??????? (exag na to. haha)...

sa lahat ng hindi pa kilala ang aking ULIMATE CRUSH NA SI RONA..ETO XA:

patay kau sa hitsura niyan....SAYAAAAAAAAAAAAANG TALGAAAAAAAAAA.. AMPPPPPPPPPPP........NASA HARAP KO NA HINDI KO PA NAKITA......ANU BA YAN.. bakit ganun, kung sinu ung ultimate crush mo..siya ung hindi mo makita kita...samantalang ung iba,, nakikita nila,,, nakakaasar.....isang napakalaking SAYANG tlga un........waaaaaaaaaahhhhhhhh nakakainis.......grrrrrrrrrr.....roaaaaaaaarrr..
(exag ulit..hehe..)

hindi bale..darating din ang araw na makikita ko siya ng personal...ung makakausap..makakasama... kea lang kelan kea mangyayari un????? huhuhuhu....

hinayaan kong lumipas ang kalunos lunos na pangyayari....pero sa isip isip ko, sayang talga... xempre..maiintindhan nyo na naman ako.......sa katunayan, hindi pa din ako makapaniwala na dumaan sa harap ko ng hindi ko namamalayan si Rona....kea bumalik kami, tiningnan namin dun sa hindi ko nga alam ang pangalan na may tindahan ng siomai at zagoo...aun.. haaaaaaayy..

ocge ok lang, tuloy tuloy lang kami sa paglalakad..hanggang marating na namin ang kaharian ng "orange"...whew, nakakagutom maglakad...masarap kumain.. honey beef ang inorder kona may kasamang C2, ganun din ang kay mark wala nga lang C2...chicken sisig ang kay bea..sarapppp..hmm.. pork teriyaki ang kay homer...kung hindi ako nagkakamali...ang sarap ng tanghalian lalo na't kasama mo ang mga kaibigan mo..at siyempre kapag may magagandang babae na kumakain din sa fastfood na un. hehehe......

pagkatpos nun, magaaral na kami...binalikan namin si dada sa engineering bldg..hindi pa rin siya tapos...hahahaha..

teka bago mangyari un.. pagpasok sa bldg, napitas ako ni manong guard...tsk tsk...bawal daw ang nakashorts..pero pinagbigyan pa rin ako ng chance para makapasok...5 mins lang daw para bisitahn ang kaibigang si dada.

nang malamang hindi pa nga tapos ang babaeng iyon, lumabas na kami ng building..at tumambay sa pavilion ng engineering....hindi na kami dumiretso sa library kasi baka hindi rin kami papasukin dahil makashorts nga ako..atsi mark nakamaong din na shorts..

tinext nga pla namin si eunice nung maga..para sa isang review..

actual message:

"may grup study tau sa calculus. kung gus2 nyo d2 na maglunch, punta na kau d2 ng 11am or 1pm. kitakits. dala kau buk sa p6. ptxt c maricar. ty"

yan ang message na pinadala ko kay eunice..
si maricar ang unang nakadating...si eunice naman, hindi nakadating, kasi naman may nakalimutan ata siya sa quezon ave...atm ata at susi ng kung anu...si homer nakauwi na din nun...

apat nlng kami..ako mark bea at ang bagong dating na si maricar.. para makagawa kami sa physics..kinuha namin ung laptop at nagsimulang magsulat.
bumili muna si bea ng zagoo..(sa wakas nagbukas na, malamang, hapon na e.).. kea lang sayang naman ang pera kasi, hindi daw nya naramdaman ang kaluluwa ng binili nyang zagoo na hindi ko alam ang flavor....matubig daw kasi. hehehe...ganun din ung kay maricar..bumili din ako...at ganun nga din, matubig nga habang tumatagal ang paghigop sa zagoo (tama ba ang term?hehe)......

natapos ang aming kasiyahan sa isang magandang kwentuhan at samahan...kahit apat lang kami..masya pa din kami.... kahit maraming sayang ang nangyari ngaung araw na ito...hindi naman nasayang ang pagpasok ko dahil sa bonding naming apat....

nandito na ako sa bahay, hindi ko namalayang gabi na pala...hindi pa nga ako kumakain e...hehehe.......

ibang klaseng sayang......

No comments: