Sunday, July 6, 2008

Linggo Ngayon Ah!?

whew! dahil sa puyat at sobrang antok na nararamdaman...hindi na namin narinig ang nagsusumigaw na alarm clock ng aking celphone. pero nagicing padin naman kami. around 8:15 na kami nagising....at 9am pa ang pasok nitong si Rhenz. may orientation kasi kami ngaun ng NSTP e..ako naman 11am pa. nakaidlip ulit ako at pagmulat ko nakaaus na si rhenz, handa na sa pagpasok sa unibersidad. sumabay na ako sa kanya. uuwi na rin kasi ako nun.

sumakay ako ng jeep. sa unahan ako nakaupo, sa katabing upuan ni mamang tsuper. napatingin ako sa salamin...at napaisip.."gwapo ko pala kapag bagong gising"..hahahahaha...anyway..

nakadating ako sa bahay sa craig st ng 9:30am. nagpahinga ng konti, kumain, at naligo na din. pero grabe pa din tlga ang nararamdaman kong antok. kasi naman around 3am na kaming nakatulog tapos aga pang nagising. haaay..kwento kasi ako ng kwento eh, ayan tuloy napasarap. hehe. tapos na akong magaaus ng aking sarili ng mga 10:15am..at pumasok na sa unibersidad. ngunit dahil nga sa antok, nakalimutan ko pala ang aking registration form. "anu ba yan" sayang sa pamasahe...bumalik ako sa boarding house at kinuha ang aking naiwan. at balik na naman sa UST. nakadating ako sa ust ng quarter to 11. eh dapat 10 minutes before 11am dapat nandun na. buti nlng hinintay ako ng mga kaibigan kong patatas (mark, homer, bea, alec, jackie) at kasama din nila sa patrick.

nakadating kami sa building ng commerce-ab ng saktong 11am. buti nlng hindi pa nagccmula ang orientation...

unang basa ko sa pangalan ng prof.....nasiyahan na ako, kasi naman kapangalan nya ang crush ko..si RONA...kea lang malayo ang mukha. hehe. dahil lang sa pangalan kea ako nabuhayan..kea lang nung nagsalita na xa...awts, nakakakakakakakakantok talaga....haaaaaaaaaaaaaaaah. hindi ko mapigilan ang pagpikit ng aking mga mata..gustong magpahinga. buti nlng nagising ang kamalayan ko, haha, kasi naman, may isang engineering student na umepal. hahahaha.. 11-12am ang pasok namin....dumating xa ng quarter to 12. haha..kumusta naman un, ang aga diba? sa kabaligtaran..pinitas tuloy siya ni ma'am Rona..ang buong diskusyon ng aming instructor ay umikot lamang sa eleap. sabagay, un lang naman ang gagawin namin buong sem..ang magonline at maglog in sa eleap. hahaaay...antok na antok na ako..buti nlng at tinapos na nya ang kanyang orientation bago plang mag12 ng tanghali.

ang dami talagang magagandang babae sa commerce-ab...haaay nagsawa si homer. este nagsawa kami. haha

tanghali na nun..so kelangan naming kumain..dahil kung hindi siguradong ang isa ay tataob. naisipan namin kumain sa jollibee-dapitan. dun lang kasi malapit ang building na pinuntahan namin e. hinintay pa namin si Flow at si Ara. unang dumating si Flow na kasama pa nya ang kapatid nya na soon to be thomasian na hindi ko naman naintindihan ang pangalan. tsk tsk...sumunod na dumating si Ara. pagdating nila, diretso na kami sa jollibee...

sa jollibee, habang nakapila, nakakita si mark ng simcard sa sahig. smart. hehe. tinesting ko, gumagana pa. aus.

ako na pala ang oorder. isang C1, at dalawang burger steak.. isa sa akin kay bea at kay ara. sa akin pinabili ni leo ehh..habang umoorder, nakauwi na pla sila paula, flow at ang kapatid nya, at homer...kala namin kasabay namin silang kakain,pero hindi pala. pero ok lang....kasabay ko pa din naman kakain sila mark bea leo at ara. umalis din naman agad si ara pagkatpos niyang kumain kasi meron pa siyang orientation sa NSTP.

wait, bago nga pla kumain, nagkamali pala ako ng order para kay bea, kasi naman sabi ni leo..kahit anung softdrinks daw basta walang ice...un namang crew eh hindi naman ata kami nagkakaintindihan...nakakainis. hahahaha.. pero ok lang....

busog na busog na kami. ang sarap ng kain namin kasi naman malamig sa jollibee-dapitan e.hehe. naglaro muna si bea ng Dj portable sa PSP ni mark..pahinga ba..kasi mga busog nga naman. pero pagkatpos nun, umuwi na din kami.....humiwalay sa amin si leo. si bea naman diretso sa pacific...magdodota na naman ata. hehehe. so si mark na naman ang kasabay ko sa paguwi.

haaay, nakakapagod ang araw..linggo ngaun dapat nagpapahinga kami, dapat walang pasok. siguro kelangan ko na tlgang masanay bilang isang kolehiyalo (tama ba? hehe). sabagay twing linggo naman tlga kasi ang NSTP.......

nakakapagod tlga ngaun, at nakakaantok din...tulugan na naman..ay hindi muna pala ako matutulog kasi sayang ang UNLIMITED. nagunli kasi ako e, dahil kay Flow, natouch kasi ako sa kanya..^_^

No comments: