Friday, February 6, 2009

love is like a rosary that's full of mysteries

1, 2, 3 action! ang eng'g DAY ay tapos na! may kwenta ba? send your react/comments to 8888.

february: love month.

"kilig-post"


"LOVE IS LIKE A ROSARY THAT IS FULL OF MYSTERIES", this is how my 12-year-old sister defines the word love. (12 years old na nga ba ung kapatid ko? :D nakalimutan ko). pero ang corny ng sagot niya. actually, she just heard it from "ang cute ng ina mo" :D corny moments with luis. aun naging corny na rin ang kapatid kong babae.

i'll just share something, but it's definitely not my personal experience :D

si boy kasi ay na-fell in love at first sight kay girl. (so anong pake n'yo diba? makinig nalang kayo :D). they first met at (polca) ST. JOHN THE DIVINE elem. school (o ayan may clue! i don't know if it's still an elem school) nung nabangga ni boy si girl.

slow-mo mode on habang dinadampot ang nalaglag na pink powerpuff notebuk ni girl (cue: i've fallen for you) parang pelikula lang eh no? pero hindi yan pelikula...

itatago natin ung pangalan nung lalake ha para mas halata kung sino siya:D

"ahmmm, ako nga pala si CENSORED", sabi nung lalake. tapos medyo nauutal si girl. parang ung sa kanta lang na "sometimes when we touch"- you ask me if i love you and i choke on my reply!
ayon sa pagkakaintindi ni boy, "Ms Hosana" raw ang apelyido niya. sa st john kasi ang tawagan ay ung surname mo tapos may mr/ms na kasma (ex: mr dionglay) buti nalang hindi nagkamali si boy ng pagkakaintindi, ms hosana nga ang pangalan niya.

wait, wait, wait.. hindi pa siya high school nito ha. grade 5-6 YATA :D

nagdaan ang ilang araw. nagkakwentuhan sila. magkasama sa recess. atbp..

tapos, hindi na makatulog si boy dahil kay girl. tapos aun shinare niya un sa mga nakakatanda sa kanya. mejo open naman siya eh hanggang ngayon haha. It was an inner struggle for the boy from then on, always wondering whether his feelings can already be called love. His descriptions were very vivid: “ma, hindi ako makatulog, hindi ko po nagawa ang aking assignment kasi ang sakit na po ng ulo ko. para po akong mababaliw sa kakaisip.”

mudra: kakaisip? ng ano?

boy: ng tao po.

lagi na rin nagpapa-POGI si boy kahit na pogi na siya (actually, malayo ang kaguwapuhan niya dati sa kaguwapuhan niya ngayon :D) nagsisimula ng tumagal sa salamin. at nagsisimula ng maglagay ng malagkit na gel sa buhok. ayan na, todo suklay na! kumikindat pa sa salamin.

sa school, nagsimula ng dumiskarte itong chikboy na bulilit na to. mantakin mong, sa edad niyang un eh, manliligaw siya???? tsk tsk tsk tsk. first love at first sight eh. tsk tsk tsk.

unang ginawa ni boy eh siyempre, nanlibre. kahit na 30 pesos ang baon, kahit mailibre lang ng palamig si girl eh ok na. at least 1 palamig = 1 pogi point. siyempre hindi lang lagi palamig, chichirya rin, candy. lolipop. atbp pang affordable na mga pagkain.

mukang nagkakasundo pa ang dalawang bulilit habang nagtatagal. ung mga usiserong titser eh nagsisimula ng mangasar at magtanong ng mga pang-asar ng tanong. tulad ng, "kayo na ba?" sabay "uyyyyyyyyyyyyy", sheeet naman. haha. pero alam naman ni boy na nagbibiruan lang un kasi mga bata pa naman sila.

pangalawang ginawa ni boy, eh ininjan si manong service at sumama sa service ni girl. palusot ni boy abnoy kay girl na hindi darating ang kanyang sundo. love nga naman ginagawang sinungaling ang bata.

hahaaay, walang nangyayari sa mga pinaggagagawa ni boy. hanggang sa nagkaron siya ng cellphone. 3310 (naks), mas lalo pang tumibay ang kanilang communication. dahil jan habang tumatagal hindi malaman ni boy kung naging sila ba. eh eto naman kasing si boy, hindi man lang tinatanong kung "pedeng manligaw?" at kung "tayo na ba?". sabagay anong malay ng isang elem student sa mga ganyang bagay.

so dumating ung araw na si boy ay feeling teenager na at litong lito na kung gf na ba niya si girl. kaya naman kinausap niya ito in private (naks). may chapel sa school na un at habang recess pa eh aun nagusap sila...

ang tagal magusap....

ilang minuto pa, natapos din. hindi nga nila namalayan na nagring na ang bell, kaya pagpunta nila sa klasrum, aun, nasarhan ang dalawang "lovers-nga-ba?"

kinabukasan

wala ng libre libre at injan injan. mukang malungkot si boy. siguro dahil sa sinabi ni girl. ano bang sinabi ni girl???????????

flashback

fast forward.......

boy: sinong crush mo? uyyyyy (sabay kurot sa braso na parang ewan)
girl: secret! bakit ko naman sasabihin sayo? (pakipot effect)
boy: sige na, sabihin mo na, para naman tayong hindi magkaibigan eh. (pagmamaka-awa mode on)
girl: eh hindi naman talaga tayo magkaibigan eh! (walang ka-doubt doubt na sinabi)
boy: huh? eh ano tayo? (nagtaka si boy abnoy)
girl: ahmmm more than friends (blush si boy)
boy: huh? (kunwari'y di narinig)
girl: mOooOore thAaannn FriEndDdds!!! gets mo na? (dito nagring ung bell eh kaya hindi nila narinig)
boy: talagang talaga? (nakangiti ang walangya!)
girl: oo naman. more than friends......BESTFRIEND!!
boy: speechless (dismayado!)

end of story

Love has its own mysteries that can only be explained by the person who feels it. sometimes, even those who love greatly cannot accurately explain the feeling, and why your thoughts are always about the one you love.

may lesson ba ung walang kwentang kwento na shinare ko?

"meroOOoooOOoon, pero di namin alam", sagot ng mga fans

"paapawin muna ang utak sa talino bago umacting na matanda", sagot ko.

"kilig-post"

:D


No comments: