Wednesday, January 28, 2009

saklap pre T-T

natauhan na siguro ako ngayon. akala ko kasi ayos lang kahit na may nararamdaman ako. 'yon pala hindi. kahit nagaral ka na pero masama naman ang pakiramdam mo, babagsak ka pa rin. (hindi naman ako ganon katalino :D)

nangyari sa akin 'yan, nitong dumaan na prelims lang. buti na nga lang at pasado ako sa calculus kasi wala pa naman akong sakit nung mga time na 'yon e. unang araw ng exam ung calculus, ang nakakainis eh, sa pangalawang araw ng exam (computer) ako nagsimulang nagkasakit (friday). nanginginig ako sa library. ang inisip ko lang eh dahil sa malamig lang sa loob kaya hinayaan ko na lang.

konting oras lang at nagexam na rin kami. sobrang sama ng pakiramdam ko pero hayun pa rin ako, diretso lang sa pagsasagot kahit na hindi na maayos ang aking upo. ang hinihintay ko na lang ay ang oras na sana ay matapos na.

hindi ko na alam ang isasagot ko, kaya naman ng masagutan ko na ung iba, hindi ko alam na nakakaramdam na ako ng antok at siguro nakatulog ako ng konting oras lang habang naghihintay ng oras na matapos.

hayaaaaaan, kahapon, computer time. sobrang kinakabahan ako sa magiging resulta. ang tagal bago tawagin ang aking pangalan. siguro naka-arranged na un from highest to lowest. pero ang alam ko may tinawag pa pagkatpos nung akin. marami rin naman ang bumagsak pero mas naiinis ako sa resulta ko.

natauhan na ako ngayon. hinding-hindi ako mageexam kapag may sakit ako. kahit na isang subject lang 'yon sa isang araw.

ngayon, kailangan kong makabawi talaga. buti na nga lang at pasado ako sa quiz 1 ng computer. kahit na mayroon pa akong physics, physics lab, at logic na kailangan pagaralan dahil sa hindi pa nga ako nakakapagexam, isasali ko na rin ang computer sa pagaaral ng husto.

alam ko naman na kaya ko 'to. pray lang at magaral lang, kaya pang makapasa!

tandaan: walang exam kapag may sakit at masamang masama na ang pakiramdam! siguradong babagsak. ok?

OK!

No comments: