-excerpt from studying but distracted by jaki
ganyang ganyan ang sitwasyon ko kanina lang, siguro 20 minutes na ang nakakalipas. kaya naman napagisip isip kong kumilos na at magaral in
5...
4...
3...
2...
1...
sabay bukas ng zipper. ehem, zipper ng bag at kukunin ko sana ang notes ko sa medyo pamatay na calculus kaya lang instead na yon ang makuha ko nakita ko ang isang test paper.
"test paper ng ano?", tanong ng mga fans.
test paper ng pamatay na physics!! nakakalungkot mang isipin pero ihahalintulad ko ang score ko sa isang nokia 3700 (mayroon bang ganyan? kung mayroon man, diyan ko ihahalintulad). kayo na ang bahalang magisip kung bakit.
tinitigan ko ang test paper ko at konting minuto pa ay inintindi ko na kung ano ang aking mga mali. at sana tama ang pagkakaintindi ko...
sa bandang huli... napa-isip tuloy ako :( [cue: unchained melody {dapat alam nyo yong kanta para maimagine nyo na habang nageemote ako ay may bg music talaga}]
ano bang wala ako na mayroon siya? este mali!
sa'n ba talaga ako magaling? ano ba talaga yong talent ko na ako lang ang nakakagawa o un bang konti lang ang nakakagawa, unique ika nga...
-buong elementary akong naging secretary at kahit ngayong college ay naging secretary din ako pero naisip ko, ano kaya ang magagawa ng magandang penmanship? gaganda pa kaya ang penmanship ko kung bilisan ni ma'am/sir ang pagtuturo? lalaki ba ang sweldo ko kung maganda ang penmanship ko? siguro mayroong hahanga pero hanggang doon lang.
-2nd year highschool nang napasama ako sa section 1 at hanggang sa gumaraduate ako kabilang parin ako ron. lahat sila matatalino talaga. ako naman, average lang talaga. hindi ako nakasama sa top 10 (except nung hindi pa ako kasama sa section 1) pero minsan top 35, minsan top 40 at minsan top 50.
-mahilig ako sa animation. gusto ko lahat ng mga animated movies at gusto ko rin na maging animator pero magaling ba akong maganimate? isang beses ko palang natry ang paggawa ng karakter pero hindi ko ito mapagalaw.
-nagddrawing ako, at sa totoo lang ay mayroon akong nakolektang 150 plus na drawings. nakacompile silang lahat. pero kung makikita niyo siya, ang ibang drawing ay nakatago ang kamay at lahat YATA nakasapatos. aminado akong noob ako sa pagdrawing ng kamay at paa. mahirap eh. hindi katulad ng mga magagaling talaga at talented sa pagddrawing.
-sa drawing (engineering subject) naman, matataas naman ang nakukuha kong grade. pero hindi ko alam kung ito ba ang forte ko, ang magdrawing ng mga geometrical figures, orthographic views, perspective atbp na may kaugnayan sa subject na drawing.
-marunong akong mag-gitara pero hindi tulad ng iba na hindi na masundan ng tingin ang kamay sa bilis.
-kaya kong magdrums pero hindi ako magaling, aminado ako part 2.masaya na ako sa basic.
-sumusulat ako sa blog pero hindi ko alam kung nagugustuhan ba ng mga tao o nakokornihan ba sila sa mga ginagawa ko.
-marunong akong magayos ng computer (pero hindi katulad ng iba na marunong magkutingting. takot akong magkutingting dahil baka masira ko pa lalo.
-naiintindihan ko naman ang ibang logical puzzles kaya lang bigyan mo ako ng ilang oras para maintindihan. para naman sa mga easy puzzles, bigyan mo ako ng 30min-1hr kapag hindi ko nasagutan sorry, mahirap pala.
-naalala ko, noong grade 6, kasama ako sa mga pinadala para lumaban sa isang math competition. alam niyo ba kung bakit? kasi (kung hindi ako nagkakamali) 9 lang kami sa aming section (isa lang ang section ng grade 6). hindi naman talaga ako dapat kasama noon, ang nangyari lang, may ginawa 'yong totoong kasama kaya naisipan nilang ako ang i-sub.
-grade 6 ulit nang narinig akong tumugtog ng trio ng instructor namin sa drum&lyre. kinuha nya ako. sabi nya ako na lang daw ang tumugtog ng trio para sa drum and lyre pero anong kinalaman niya sa engineering? anong magagawa ng pagddrums ng trio sa buhay ko? natatawa ba kayo? medyo natatawa ako eh :i
-napasama ako sa "cable kidz". grupo ng mga bata na umaacting. pero bata pa ako noon at parang extra nga lang ako nun e (pero hindi extra, parang lang). kaya kong mag-act pero kung drama ang gusto mong makita, promise, hindi ko kayang umiyak. sabi nila magisip lang daw ng malungkot pero kahit anong isip ko, hindi ako mapaiyak.
-marunong akong magbasketball. nung highschool tinatanung nila kung bakit hindi raw ako nagtry-out, sinasagot ko sila na dahil mas gusto ko sa intrams. kasi naman, anong magagawa ng isang 5'6.5-5'7 (around jan ang ht ko, hnd pa xur) footer at isang slender (? haha) sa isang court na puro higante ang laman?
---------------------------------------------
marami pa akong kayang gawin pero hindi ko naman alam kung ano ang talent ko talaga o kung saan ako magaling. ayaw ko ng "marunong" lang...gusto ko "magaling" talaga.
ngayon napapatingin ulit ako sa test paper ko sa physics. at alam kong wala na akong magagawa, yan na ung resulta eh kaya naman kailangan ko nalang tanggapin.
sa ngayon, tanggap ko naman na average lang talaga ako, pero hindi ko matatanggap na below average ako.
alam ko naman hindi ako gifted eh....... o baka naman hindi ko lang alam na gifted ako? saan naman? kailan ko malalaman? gusto ko na siyang malaman... drawing101 ba? magandang penmanship ba? animation ba? matalino ba? anoOoOOooOOOoooOOOoo?
"hinay-hinay lang, maghintay ka!"
-GOD
-GOD
No comments:
Post a Comment