Tuesday, January 27, 2009

oo na, takot na.

oo na, sige na, takot na ako, hindi ko naman sinasadyang matakot eh. eh ikaw ba? wala kang kinakatakutan? isang malaking A.S.A.

takot ako sa/kapag:

-ipis (number 1)
oo na, aaminin ko na. takot ako sa ipis lalo na kapag lumilipad na. omg. ang masakit pa ron, hindi ko siya magawang patayin. T_T

-galit na galit na aso (parang nauulol na)
hindi ako makalakad kapag nakakakita ako ng asong tumatahol, ung parang susunggabin ka niya. lalo na kapag ikaw lang magisa.

-mukang adik
eh baka kung anong gawin sa akin eh, magingat na lang. :D

-mukang monster
buti nalang wala pa akong naeencounter na taong mukang monster.

-pating
ikaw ba hindi takot sa pating? ung tipong nasa dagat ka tapos hinahabol ka na pating.

-ako nalang ang natitirang tao sa mundo
ayoko nito, nakakatakot. siguradong mababaliw ako kapag ganyan.

-ako lang magisa sa gitna ng ocean
mas lalo to, nakakabaliw. wala kang makikitang lupa. puro tubig lang tapos nasa gitna ka pa.

-nasa barko/airplane tapos bumabagyo
hmm, mejo naranasana ko na to, pero hindi naman bagyo. kahit na ulan lang, nakakatakot pa rin. baka kasi kung anong mangyari eh.

-at takot na rin ako ngayon sa lamok
kakagaling ko lang sa sakit eh. nagkasakit daw ako ng dengue at delikado raw pala ang nangyari sa akin kung hindi magagamot. pero wala namand daw talagang gamot sa dengue. (ano kaya un? :D)

oh ayan, takot na kung takot. eh kung sabihin ko sa asawa mong nangangaliwa ka? hmmmm

(true to life to :D)

No comments: