Tuesday, January 13, 2009

kareysi lab

malayo na naman ang tingin ni petra... sino kaya ang tinitingnan niya sa ulap na wala namang stars at mukang babagyo pa.

siguro nakakaramdam siya ng tinatawag na "kareysi lab". haaay, hindi talaga maiiwasan ang ganyang feeling kapag lumalaki na tayo. miski ako ganyan din.

may tanong akong naalala mula kay father nung nagho-homily siya (pari sa ust, nagsimba kasi ako last sunday)..

"naaalala niyo ba kung kailan kayo unang nainlove? nagkakras?"

pader, sasagutin ko 'yan!! he he he he [tawa ng mukang papatay >:)]

hindi pa ako taga-nagcarlan nung mga panahong 'yon at malayo pa ang hitsura ko dati sa hitsura ko ngayon (syempre mas pumogi na! palag? :D)

elementary

elementary (grade 1) ako nun sa st.john the divine, san pablo, kung sa'n nagsimula ang lahat. tuwing may pasok hinding-hindi ko pinapauwi ang mga magulang ko kasi nga bata pa ako nun, baka hindi ako makauwi (pero iniiwanan parin ako, kaya napapaiyak ako) pero sa tuwing sinasamahan ako nitong babaeng walang malay na topic ko pala siya ngayon ay nawawala ang kaba kong baka hindi na ako balikan ng aking parents.

habang tumatagal ay nagkakasundo (pero grade 1 pa rin).

seatmate ko siya, swerte ko kasi matalino siya. hindi ako marunung ng addition kaya naman nagtanong ako sa kanya kung anong ginagawa niya. (mahirap iexplain dito ung ginagawa niya). ang sabi niya, teknik daw nya 'yon para magaadd, ako naman ginaya ko siya. tnx to God at natapos ko naman.

pagkatapos ay nagpasalamat ako sa kanya at nag-welcome naman siya sa akin. siguro dahil sa may crush ako sa kanya, nagblush ako nung mga time na 'yon.yikeee.

t'wing break time, sabay kami kumakain.
t'wing may mass, magkatabi kami.
seatmate kami lagi. ilan lang naman kami nun, anim ata. (hindi lalampas ng sampo)

ibinalik na ang resulta ng addition-test. at sobrang saklap ng nakuha kong grade. sobrang baba. hindi lumampas ng sampo. at syempre nahihiya naman akong ipakita sa kanya pero gusto pa rin nyang makita. ako naman, pinakita ko pa rin. dahil sa nakita niya, isang tatak ng fail ay naging tutor ko siya sa addition, at sa kanya ako natuto. :D

siya ang unang kras ko nung elementary!

highschool

first year highschool nang una kong nakita ang kras ko. wala pa ako sa pilot section (section 1) nung time na 'yon. kasama niya ang mga kaibigan niya at bumisita sila sa room namin, may kakilala kasi. maganda siya at siguradong matalino kasi kasama na siya nun sa pilot.

2nd year na ako nang nakasama ako sa pilot, at nakikita ko na siya lagi at nakakausap. pero hindi naman kami naging close.

3rd year na ako at klasmeyt ko pa rin siya. nagkatanungan kung sinung crush at inamin ko naman. nagka-ilangan at hindi na nakapagusap.

gumraduate na kami, hindi pa rin kami nakapgusap. (pero ngaun nakakapagusap na)

college

sobrang dami kong kras ngayon. aun lang...

-----------------------------------------------------------------------

ngayong college na ako, marami akong nakikilalang ganyan...

-tulad ni tooooooot na may gusto kay toooooooooot pero ang gusto ay si tooooooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na inaway pa si toooooooot dahil kay toooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na may gusto kay toooooooot pero hindi pa ready si tooooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na may gusto kay toooooooot pero magkaiba ng skul kaya ayaw ni tooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na maghihintay daw kay toooooooot ng apat na taon.:D
-tulad ni tooooooot na hindi namin malaman kung may gusto ba kay tooooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na naging emo dahil kay tooooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na bumagsak dahil kay toooooot. :D
-tulad ni tooooooot na ayaw pang aminin ayan tuloy naunahan ni tooooooooooot. :D
-tulad ni tooooooot na kakalimutan na raw si toooooooot pero namimiss pa rin ngayon. :D

at

-tulad ni tooooooot na may gusto kay toooooooot pati kay toooooooot at kay toooooooot. (3-timer sa madaling salita) :D

kung matamaan ka man, siguradong hindi ikaw iyan. ha ha ha ha (tawa ng mukang papatay)

kung nafi-feel mo na inlab ka, ayos lang 'yan dahil tao ka.

"haaay, mga kakilala ko nga naman, ba't ganyan? buti nalang ako...hmmmm... ewan ko : i"



No comments: