Thursday, January 8, 2009

stupid cupid stop pickin' on me

tapos na ang bakasyon at balik blogathon na naman ako.... :D

wala pa talaga ako sa "wisyo" para pumasok hanggang ngayon, pero sigurado naman next week balik na ulit ako sa sarili. hehe.

watta Christmas-New Year break (masaya):

-sumimba ako noong dec24 ng gabi kasama ko si mama, tita malou at si abby kea lang humiwalay ako sa kanila. dun lang ako pumwesto sa may malaking malaking pinto ng simbahan kea lang sa sobrang dami ng tao, nahilo ako at lumabas at bumili nlng ng pagkain.

-excited akong i-slice ang rolls na binili ni mama. kahit na wala pang nakahain para sa nochebuena e binuksan ko na xa para mai-slice na. (akin ung makapal)

-walang digicam kaya mp5 at cellphone ang ginamit sa pagpipicture. buti nalang at nakaraos hehe.

-walang tulugan. sabi ni gazel ganito na raw ang mata niya (@_@). ang ganda noh? haha, halos 2:30-3:00am na akong nakatulog.

-dec.25 nagpunta kami sa alaminos, laguna pero hindi kasama si mama kasi nirayuma ata. aun kaya ako, abby at si bimbo lang ang nagpunta. nagpunta kami kila tita annie.

-halos walang napamaskuhan.

-umuwi rin kami agad. may balak pa akong tumingin ng laro sa ps2 kea lang gagabihin kami kea hindi nalang ako tumingin.

-masarap manuod ng movie. (bolt, madagascar 2, my only you, titanic, pirates of the carribean, pinnocchio {tagalog version sa cinema 1}, transformers {ilang beses inulit sa HBO} atbp)

-dec29 nagkaroon kami ng get together, kaming mga magkakaklase noong highschool. marami na rin ang nagpunta pero mejo marami rin ang wala. as usual, sa bahay ulit kami nina karla. masaya kaming kumain, nagpicturan, nagkwentuhan at nagkantahan.

-dec30 na kaming umuwi.

-pinicturan ko ang mga bilot sa bakuran namin. ang ku-kyut. walang tigil ako sa pagpipicture.

-gumawa si abby ng crema de fruta para sa medya noche, dalwang tray lang ang nagawa.

-palabok fiesta, inatake.

-sweet and sour, walang pumansin.

-jan1, meja noche, wala kaming paputok, nagpatugtog na lang kami ng malaks. unang kanta (bakit papa by sexbomb dancers)

-jan1, (umaga) akala namin walang pupunta e un pala bibisita sila lola. nagluto na naman ng palabok at buti nalang walang pumansin sa sweet and sower (pronunciation ni pearl) peace!:D

-bumisita rin ang mga taga arela naming kamaganak. malilikot ang mga childreeeen. haha. dahil sa kalikutan nahulog sa upuan ung isang bata at napakapit sa christmas tree. aun, sira ang ilalim ng christmas tree. T_T. inayos ni mama, buti nlng naayos.

-habang nakatingin ako sa salamin, pinatugtog ni mama ang STUPID CUPID at hindi ko napigilan ang sumayaw. tsk tsk tsk.

-napilitang itabi agad ang christmas tree.

-lumuwas at naglipat noong jan3. bago na naman ang tinitirhan ko. yey. hehe.

all in all....masaya lang talaga. :D

No comments: