Sunday, January 11, 2009

the missing PEACE

"mauna pagputok ng balita", ika nga sabi ng mga reporter ng abscbn sa tv patrol.

gutom na gutom na ako kagabi kaya lang gusto ko na mailagay ung picture ng "the missing piece" diyan sa page header ng blog ko kaya lang hindi ko magawa kaya naman sige lang ako ng sige sa pageedit.

mantakin mong may tumunog! kumulo na talaga ang aking stomach sa sobrang gutom. bumaba ako para kumuha ng pagkain (nasa 3rd flr kasi ako eh, dito iyong room ko) kaya lang sabi ni ate ayee nagluluto pa raw siya ng kanin kaya naman ang ginawa ko pumunta muna ako sa salas at nanuod ng tv. ganda ng palabas, mmk (maaangki't maaangkin kita este maalaala mo kaya pala).

ang ginawa baga naman nung tatay ay inilagay sa parang malaking bag na nakasabit yong bata tapos pinaghahampas ng malaking kahoy. OMG. hindi ko iyon matitiis. kung ako iyon baka kung ano ng nagawa ko sa tatay ko (kapag tulog siya). lasing kasi iyong hinayupak na tatay na yon e.

isa pang nakapagpasabog na aking awa ay ung pinagtatrabaho niya ung kanyang mga anak ang matindi ok lang sa kanyang hindi na sila magaral. !@#$, kung ako iyon baka kung ano ng nagawa ko sa tatay ko (kapag tulog siya part 2). mukang pera kasi ung tatay niya e tapos ipinangpupusta lang sa sabong ung mga kinikita ng kanyang mga anak.

hahayyy. isang malalim na paghinga ang ginawa ko ng biglang...

"!@#$%^&*()!@#$%^", isang may malalim na kahulugan ang binitawan ng isang mama (may impit sa pangalawang syllable).

"!@#$%^&%^&* mo", isang matalinong reply ng isa pang mama (may impit muli sa pangalawang syllable)

mantakin mong sumigaw din si ate ayee. ang sabi baga naman, "tara, tara makitsismis tayo" at iyon nga ang ginawa namin at dahil doon napatunayan namin na kami ay isang tunay na pilipino.

ilang minuto ang nagdaan ay narealize namin na magkakaayos rin yang mga iyan kaya pumasok ulit kami sa bahay para manuod at ituloy na ni ate ayee ang pagluluto ng biglang...

"aaaaaaaaaaaahhhh", itang makahulugang tigaw ng mga tao ta labat (sabi ni tetilyo tutuman [pa-extra daw eh], kasama ko siya ngayon eh)

dahil sa sigaw na yon, lumabas muli kami at nakita namin na naghahabulan na.

"may kutsilyo? may kutsilyo?", sabi ni ate ayee

"anong kutsilyo? anong kutsilyo?", sabi ni boy 1.

"panaksak! panaksak!", kilala nyo na ang nagsabi.

"ah ganon ba, hindi ko alam eh. manuod ka nalang", kilala nyo na ang nagreply.

pero medyo malayo sa amin ang pangyayari. hindi kami lumayo sa bahay at baka kami ang sunggaban. nakita ko na lang na may isang lasing na pagewang gewang ang lakad ang umuwi sa kanilang bahay (hindi ko alam kung sa bahay nga niya siya umuwi). at mayroon ding isang matinong lalakeng umawat sa mga nagaaway na isip bata.

naghabulan sila na parang nagtatayatayaan. ayaw magpahuli dahil kung mahuli ka, gulpi ka, babanatan ka at pwedeng patayin ka. hindi naman sa nananakot pero ito talaga ang totoong nangyayari sa ating mundo at witness ako sa nangyari kagabi. kung may nasaksak lang, first time kong makakita noon kaya lang walang nasaksak eh. (sayang este buti nalang at walang nasaksak)

konting minuto pa pagkatapos awatin ay unti-unti nang tumatahimik. ang panandaliang pagkawala ng kapayapaan ay bumabalik na.

pumasok na kami sa bahay at nagsimula ng kumain. gutom na gutom na ako eh baka sa sobrang gutom ko, ako na ung mamayapa, wag naman sana :D

pagkatapos kumain, umakyat ulit ako sa 3rd flr at naginternet na naman, nagtext, nagayos ulit ng blog at naayos ko rin naman at unti-unti na akong nakaramdam ng antok. pinatay ang laptop, humiga at hindi ko na namalayang nakatulog na ako ng mahimbing. mahimbing, kasi hindi ko narinig ang alarm clock ko kanina. limang beses akong naglalagay ng alarm para siguradong magising kea lang hindi pa rin ako nagising ng maaga.

"good morning-post" :D

No comments: