Friday, January 9, 2009

toDay

nakakapagod pala ang january 9, 2009. tsk tsk tsk. maliban sa Quiapo day na dagsa dagsa ang mga tao roon...may isa pang okasyon, walang iba kundi ang "Aral Daw?" day..

lumuwas din si mama kanina at ngayon nakarating na siya. d naman daw ganon katraffic.

walang pasok (kaya naman naginuman na naman ang mga deboto ni juan! juan tamad!) dahil nga sa quiapo day ngayon, sarado ang quiapo dahil sa dagsa dagsang deboto ang nagpunta (lagi naman ganon e).

bago pa man dumating ang araw na ito ay naisipan na namin (ako, ayban, alec, homer, recee, jaki, leo, avis, mark) na pumunta raw kila ayban sa fairview (ngayon ko lang YATA napuntahan 'to). sila leo, avis at mark ay hindi sumama pero nakasama namin ang pinakamatagal maligo sa balat ng lupa, si Eunice (1-2 hrs daw kung maligo sabi ni homer na may source).

kanina, dahil sa alas siete ng umaga ang usapan ay nagising ako ng maaga. inaantok pa at gusto pang matulog kaya lang baka maiwan. gusto ko kasing makita ang fairview eh sa kadahilanang wala lang. at sabi naman nila ay magaaral daw. malapit na kasi ang prelims e, kea isinabay na namin sa Quiapo Day ang "Aral Daw?" day.

did you know that..

"Aral Daw?" day- isang event na pedeng gawin kahit kailan mo gusto. pedeng kapag malapit na ang exam o kung wala kang magawa. atbp.
-ang "daw" ay sumisimbolo sa pagtataka at ang question mark (?) ay sumisimbolo sa "talaga?", "iyon ba talaga?" at "sana mangyari".

at dahil nga sa ang meaning talaga ng "Aral Daw?" day ay 'wag na lang magaral, iyon nga ang nangyari. (masaya naman) :D sa totoo lang ay wala akong dinalang gamit pang eskwelahan dahil naisip ko na manghihiram na lang ako ng notes.

medyo malayo ang kinaroroonan ng bahay nila ayban. mula espanya, sasakay muna sa fx tapos ay bababa sa FCM (Fairview Central Mall) tapos punta ka lang sa terminal ng tricycle. sabihin mo lang "kila ayban po". (kidding!, d ko pala alam kung anong sasabihin sa manong tricycle driver. O.M.G.)

marami naman akong nagawa sa bahay nila ayban. tungkol sa pagaaral, marami akong nagawang "wala" (nakakapagod na nga gumawa ng wala eh [dialogue ni Ulang sa Alamat ng Gubat]) at tungkol naman sa pagrerelax, sobrang dami kong nagawa.

isang accompishment din ang nagawa ko. sa wakas at natapos ko na rin ang "Mr. Bean's Holiday", pinanood namin kasi sa bahay nila ayban. napanood ko na talaga siya kaya lang hindi ko natapos. tapos noong pinalabas siya sa HBO, nakita ko tapos na. Isa lang ang masasabi ko! "mish mish mash mish mish mash mish"

bago pala matapos ang mr. beans holiday ay kumain muna kami ng tanghalian na parang piesta ang dating na hindi naman ganun karami ang ulam pero marami na rin. pagkatapos ay nagkakwentuhan. kung saan saan lumipad ang usapan.

isa pang movie ang pinanood namin. kung hindi ako nagkakamali, ang title noon ay "The Girl Who Leapt Through Time". mahirap na magkwento tungkol sa pelikulang iyan na pinagbibidahan ni Makoto na muntikan ng mamatay pero dahil sa napisa nya ung binhi look-alike ay nagkaroon siya ng kakayahan para magtime leap, na pinagbibidaham rin nung red headed guy na galing naman sa future na bumalik lang ng past para hanapin ung binhi look-alike na paboritong kainin ni zenki tapos may isa pa silang kaibigan na nakalimutan ko rin ang pangalan, magkakaibigan silang tatlo.....baka kasi sabihin spoiler eh. :D pero anime siya (english). maganda. panoorin nyo at 'di kayo magsisisi.

naisip ko lang, kung meron akong powers na mag time leap. tsk tsk tsk, perfect na sana ako sa lahat ng quizzes at marami pa akong ibang magagawa. masaya rin pero gusto ko eh iyong walang limit. sa pelikula kasi mayroon e. mechanical engineering ang course ko ngayon eh kaya kung makakagawa man ako, machine na un. tsk tsk tsk, hindi portable. pero pede rin akong gumawa ng portable time machine, pero kelangan akong tulungan ni alec miguel "miggy mouse" miranda.
parehas kami ng kinukuhang course e.

at dahil dyan ay ginabe na kami ng uwi. si mama ay nakarating na rito at si ate ayee raw ay nagsimba sa quiapo.

at ngayon nandito na rin ako, kaya nga ako nakapagblog e :D
----------------------------------------------------

Guiness World of Records pero dahil sa hindi ko alam kung pano inglesen Pinoy Records na lang:

-May Pinakamaraming Beses Nauntog (hindi sinasadya): Recee Lee Cruz
-Record to beat: around 3-5 (laban kayo?)

No comments: