Thursday, December 30, 2010
future wife
Wednesday, December 29, 2010
pre new year entry
Friday, December 24, 2010
yeah it's Christmas
Saturday, October 23, 2010
Sunday, October 17, 2010
ROCKBAND
Monday, October 11, 2010
nagaaral-aral-an
nasa library ako ngayon at balak ko sana magaral ng fcuk mechanics, ay xet, i mean fluid mechanics. pero sa inaasahang pangyayari nakakaramdam ako ng antok kaya eto, internet muna bago magaral. (mamaya magaaral na talaga ako).
goodluck mga aspiring engineers ^^
P.S.
may bagong kinaaadikan ang M.E.boys! hindi na DOTA! DRAGONICA na! gayxet!
Tuesday, September 14, 2010
study well
ang problema lang...
sa tuwing iniisip ko na magrereview ako sa SCL at sa Management parang....
sige... facebook na nga lang muna. rofl
PS.
Saturday, September 11, 2010
thermoDAMNamics
Thursday, September 2, 2010
where almost everything is perfect (naks)
SENTOSA. UNIVERSAL STUDIOS. CABLE CAR. MERLION. FLIPTOP. MABAHONG SAPATOS. LINDA. SKYPARK. NAMUMULIKAT NA PAA. SPIRAL BRIDGE. MAGAGANDANG CHIKAS. MALULUFET NA TAXI. BAWAL ANG CHEWING GUM. STRIKTONG BUS DRIVER. MATAAS NA WHEEL. NADIDILAANG KALSADA (lol). WALANG RICE SA MCDO. DA BEST NA MGA SASAKYAN.
san pa ba? sa SINGAPORE lang yan. >:)
sa buong buhay ko, hindi ko inexpect na makakapunta ako sa city of...pinaghalong lion at serena. pero mantakin mong nakapunta ako. expect the unexpected nga naman. nakita ko kung gano talaga kaganda ang singapore (mga lugar, mga babae lol, mga sasakyan atbp). disiplinado ang mga tao pero meron din naman konting mga pasaway tulad ng mga nagkalat na lasing pag gabi at nagje jey walk. nagkalat din ang mga pinay pag gabi, madalas nagaabang ng mga magsusundo sa kanila. haha.
unang araw palang namin dun, pasyal na agad ang inatupag namin. syempre pag nasa ganung bansa ka gamitin mo dapat ang lahat ng oras sa pageenjoy (walang tulog tulog haha). hindi kami sumakay sa kahit na anong sasakyan. lakad lang talaga. paga kung paga. napakaganda ng mga view, at kahit san ka tumingin pede mong picturan kaya naman pati napakagandang basurahan pinatulan (nagrhyme pa lol)

ang magpapicture sa merlion lang talaga ang habol namin sa unang pamamasyal. pero unang araw palang naka 500 plus pictures na kami. meron naubusan ng memory, nalowbat ang camera at meron ding nadapa. joke. lol.
sa pangalawang araw naman. nagpunta kami sa KRUGER, isang pagawaan ng fan, air condition at kahit na anong konektado sa ventilation. ang masasabi ko lang super hi-tek sila. nakakalungkot ang pilipinas. lol. after ng plant tour, nagdecide sila sir almira na kunin na ang ticket namin para sa universal studios at hindi ako sumama sa kanila (pinuntahan daw nila ang house of condoms T_T). at pag sapit ng gabi, isang matinding inuman ang naganap. go TIGER BEER! lol.
sa pangatlong araw, mga mistulang respetado kami. hindi mo iisiping kami pala ang mga estujante na mechanical engineering sa ust na sobrang ingay, mahilig mang trip, nagmumura, pumapatay (LOL) at walang inatupag kundi ang mangopya kapag exam.

sa pangapat na araw at huling araw ng matinding regional conference, pinuntahan namin ang NEWater. maganda din dito at talagang mapapatodo picture ka sa dami ng malaysian beauties. LOL. (may picture ako kasama nila bleh!) mabilis lang kami dito at parang nakatambay nga lang kami after ng tour eh, kaya naman napagpasyahan namin maglaro ng luksong baka sa loob mismo nung planta. mas nakakatuwang panuorin ang mga taga ibang bansa habang nanunuod sila sa mga pinoy na naglalaro (hindi kasi nila alam kung ano ung pinaggagagawa ng mga pinoy)
at syempre ang panghuli at ang pinakamasaya sa lahat, ang pagpunta namin sa universal studios. ibang klaseng experience ang sumakay sa cable car kasama ang mga makukulit kong kaklase at subukang yugyugin ito. o_O syempre walang katapusang picturan ang nangyari. sa pekeng merlion muna kami napadpad, bago kami dumiretso sa universal studios. dahil sa sobrang excitement, hindi na napigilan ang pagpicture hanggang sa malapit ng malobat ung camerang dala ko. nakakabadtrip nga eh, kelangan kong patayin ang camera para magcharge at buhayin ulit kapag magpipicture na. sulit na ride ang revenge of the mummy! pramis!
gusto kong maulit to :D
Sunday, August 1, 2010
Friday, July 23, 2010
hindi lang talaga siguro: DOTA vs ME
siguro, dahil iba ang feeling kapag NAKAPATAY ka. mas masaya syempre kapag marami kang napatay. dun kasi malalaman na malakas ka e. siguro din, mas masaya kung ang paraan ng pakikipag "bonding" ay trashtalks tulad ng "bobo", "weak", "nooooob", "**king*na mo!!!!", "mamatay ka na", "wala kang alam" at marami pang iba. siguro din, iba ang feeling kapag GODLIKE ka o beyond godlike pa, syempre d'yan lang naman nila mararanasan 'yan e.
sobrang bitter ko sa DOTA. lol. pero okay nang hindi ako marunong keysa naman nadadagdagan araw araw ang kasalanan ko dahil sa epekto ng paglalaro ng dota. haha. LOL (base sa mga nakikita/naririnig ko lang naman :D)
Monday, July 19, 2010
hindi lang talaga siguro
DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota
ako: tara kain tayo :D
DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA DOTA dota dota
ako: makauwi na nga lang. haha
Saturday, July 17, 2010
MATTHEW 7:12
pag nakatikim ng alcohol....
kung ano anong pagsasasabing masama tungkol sayo...pag nakatalikod ka!
PROVEN!
nagulat lang ako sa mga nangyari. kahit na hindi ako nakapagreview sa lintik na management, eh narinig ko naman ang problema ng kaibigan ko at nakapagbigay din ako ng advice. ang masasabi ko lang, ingat lang tau sa mga taong nakakasalamuha natin at dapat maging mabait din tayo sa iba para maging mabait din sila sa atin.
Wednesday, June 30, 2010
Sunday, June 27, 2010
Monday, June 14, 2010
broken hearted part 2
girl: bakit ano ba yun? okay lang yan wag ka na mahiya.
boy: haha sige na nga. ahmm, oi crush kita
girl: aw! crush din kaya kita. dati pa buti umamin ka na :)
boy: may gusto ako sabihin sayo. 3 words siya ^^
girl: hihi. talaga? yikee.. ano naman 'yun? (kinikilig! siguro i love you)
boy: JOK JOK JOK!!!!!!! hahaha
girl: what the F!!!!!!!
wooo basag. lol
Wednesday, June 2, 2010
broken hearted part 1
BOY: Sige, hintayin ko text mo bukas ha. goodnight. i love you, always and forever too :)
GIRL: oh. i mean, i love you as a friend.
wooo, basag. haha.
Saturday, May 22, 2010
drawings.


farmer: waiter, bring me a ham sandwich
waiter: with pleasure ^^
farmer: no! with mustard. pfft
ngekngekngek
Thursday, May 20, 2010
TRICIA santos! deserving manalo sa PBB.
kung ang teenternational housemates, kayang diretsuhin ang kanilang housemate kung may sama sila ng loob sa kanya, ang pinoy housemates naman todo chismisan, walang inatupag kundi ang ichismis ang kanilang kaibigan (kaibigan nga ba?) sa ibang pinoy h.m. my gawdness, wag niyo naman ipahalata sa mga banyaga (naks) ang ugali ng mga pinoy. lol
sana naman ang mga pinoy ganun din, wag sana papatalo sa mga imported pagdating sa PAG-PA-PA-KA-TO-TO-O, kasi kung kaplastikan o kaya ay chismisan lang ang paguusapan, wagi na ang pinoy d'yan. love one another. lol.
TRICIA, deserving kang manalo. pramis. ikaw sana ang manalo sa PBB teen clash of 2010.
wala lang. 'yun lang ang masasabi ko haha.
Wednesday, May 19, 2010
Sunday, May 16, 2010
ang init
at dahil nga sa sobrang init, iba iba na nga ang pumapasok sa utak ko. una, naisip ko, bakit hindi nalang tayo? joke lol. una naisip ko, bakit ba sa pinas ako pinanganak? at bakit ba ako pilipino? bakit hindi nalang sa america, sa japan, sa europe. basta sa kahit saang malamig. (north and south pole? pede na rin.) bakit ang pilipinas ay wala sa europe?
hay, mga wala lang kwentang bagay. pero alam n'yo natutuwa ako sa mga tao dito. kanya kanyang paraan para lang maibsan ang init sa kanilang mga katawan. lol. para maintindihan ng lahat, heto ang ilang mga paraan nila:
1. halo halo to da max
kahit na tig ki kinse at tig be bente areng mga nagsisilamigang mga are eh mabentang mabenta pa rin sa mga tao dito. sarap na sarap sila habang nilalamon ang mga yelong nilagyan lang ng food color at ube sa ibabaw. hmmm mukang masarap. lol
2. basketball! basketball??
ewan ko ba kung tao ba ang mga tao dito. mantakin mong naisip pang magbasketball kahit na ang init na nga? siguro para hindi nalang nila maramdaman ang init talaga eh nagpapawis na lang sila. ihh ewan ang gulo. lol
3. miming tym
dito sa nagcarlan, laguna hindi uso ang hot spring kaya naman 'pag gusto mo magmiming, expect mo ng sobrang lamig ng tubig. at 'yun ang masaya. it's miming tym.
4. ice candy anytime anywhere
may 5 inches, may 6 inches meron din maikli lang, mga 4 inches pero pag ito'y natikman mo na, shooot, siguradong hahanap hanapin mo. siguradong tanggal ang nararamdaman mong init sa katawan lol. meron kami nyan >:) nasa ref!
5. iba na may aircon
malamang, kung init na init ka na at hindi mo alam ang gagawin para matanggal ang init sa'yo lol. eh di buksan mo aircon. sowwws.
kanya kanyang mga paraan at kanya kanyang trip lang. haha. ako tambay sa likod ng bahay (maraming puno eh), sitting pretty with matching shades. solve ang problema :)
Monday, May 10, 2010
Anong Masasabi Mo Sa Eleksyon 2010?
Precint 133A
Yukos Elementary School (YES)
walangya. hindi organisado. badtrip. putakte. nakakainis. bago pa ako nakaboto, kelangan ko munang dumaan sa matinding siksikan, unahan sa pagpapalista, pagpapabilad sa araw at maghintay ng halos limang oras at 'yun ay para lang iboto ang presidential bet ko na si Gibo na mukang wala ng kapag-a-pag-asang manalo. gusto ko na ngang mangealam eh kung makapal lang muka ko lol. no system at all shet, parang jejemon lang! grr
una kinabahan ako syempre, kasi first time nga eh. kahit naman sino kakabahan kapag first time. mula sa pagpasok ko sa voting area hanggang sa pag-upo ko sa upuan, kinakabahan pa din ako. lol. ayan tuloy lampas lampas ang pagkaka shade ko dun sa bilog na hugis itlog daw! grr.
sa huli, CONGRATULATIONS pa rin ang lumabas. sa wakas naranasan ko magpalagay ng indelible ink (cue: unchained melody)
una kong pagsabak sa pagboto, sobrang gulo na. sana text text nalang ang botohan.
Monday, May 3, 2010
Front of the Class
ONE MAN. ONE SYNDROME. ONE LIFE. ONE DREAM. He never let it win. He didn't quit. He didn't stop just to make his dream come true. To be a great teacher.
what a wonderful movie. very inspiring. nirerecommend ko sa inyo. panuorin nyo rin.

nainspire ako sa movie na to. true to life movie tungkol sa isang lalake na may tourette syndrome at kahit na mayroon syang ganung klase ng sakit eh hindi un naging hadlang para matupad ang kanyang dream na maging isang teacher.

nagkaron si Brad Cohen ng mga awards at isa na rito ang Teacher of the Year. kahit na ang ibang mga magulang ng mga bata ay ayaw sa kanya dahil nga sa kanyang sakit, gusto naman siya ng mga students nya at dahil don pinapatunayan nya talaga na hindi porket may tourette siya eh hindi na niya kayang magturo tulad ng isang normal na teacher.

nakapagsulat din siya ng libro at dito nya nilagay lahat ng mga experiences niya, lahat ng trials/pagsubok na dumaan sa kanya bago siya naging successful teacher. at take note: elementary teacher siya (kukulit pa ng mga bata)
marami ako narealize sa movie na to:
maswerte ako/tayo kasi normal tayo at kayang kaya natin tuparin ang mga dreams natin. feeling ko tuloy kung ako ung may tourette syndrome, hindi ko talaga kakayanin. baka hindi ako lumabas ng bahay. pero siya (si Brad Cohen) hindi siya nag give up sa kanyang dream, kahit na noong bata pa siya nilabanan niya talaga un at hindi siya nagpatalo sa sakit niya hanggang sa lumaki siya. wala siyang pakialam kung ano sabihin ng mga tao kahit na nasasaktan siya. ang pinaghuhugutan nalang niya ng lakas ng loob ay ang mga taong nagmamahal sa kanya..family, friends, GIRLFRIEND (oh ha..talo tayo) at ang kanyang mga mahal na studyante. feeling ko un ang gusto niyang iparating sa atin, ang wag sumuko sa gusto natin kahit na maraming trials na dumating, nandiyan ang mga taong todo suporta sa atin. wag na natin isipin ang sasabihing masasama ng iba. be inspired, be brave :)
da best :D
Thursday, April 22, 2010
holy outing sa Kamay ni Hesus Shrine
well, religious talaga ang pamilya namin at sa t'wing may okasyon, bakasyon o kaya naman ay kapag may bibisita sa amin from far far away (ano to shrek?) eh hinding hindi nakakalimutan ang KAMAY NI HESUS sa Lucban, Quezon. mabentang mabenta. nakalima na nga kami pero wala pa ring sawa :D
Thursday, April 15, 2010
TRIVIA
im inlove :D




ang ganda nya talaga. sana makita ko siya sa personal. lol :D
may bago na naman akong papanuorin. swak na swak sa buong pamilya. haha. nung 2009 pa pala to. napanuod nyo na ba? anyway. hinding hindi ko to papalampasin sa HBO! sa Star Movies! sa Lotus Macau! sa Discovery Channel! sa National Geographic Channel! sa History Channel! sa ABS CBN! sa GMA! sa Tv5! sa Cartoon Network! sa Disney Channel! sa Disney Playhouse kung ipapalabas man lol! sa lahaaaaaaat!! (im so excited lol) kung un ngang Bridge to Terabithia at Charlie and the Chocolate Factory pati The Reaping di ko pinalampas, eto pa kaya. basta papanuorin ko 'to kasi nandito crush ko. annasophia robb. haaaaaaaay. i love you. lol :D (ang dami pala nyang movies haha, yan pa lang ang napapanuod ko)
RACE TO WITCH MOUNTAIN. eto maganda rin :D
Sunday, April 11, 2010
Friday, April 9, 2010
Ang Apat na Tatay at ang Kanilang Asawa nung Buntis
eto kasi...
habang ginugupitan ako ni bakla na pangalanan nalang nating Agua Baklita.

eh isang korning joke ang narinig ko at nagpangiti sa akin. lol
here it goes mga kabloggers...
may apat (4) na magkakaibigang nag-uusap usap tungkol sa kani-kanilang asawa nung buntis.
Mark Ronar: alam nyo ba ung asawa ko nung buntis, mahilig manuod ng Lord of the Rings and the Twin Towers, tuloy ung anak nmin eh kambal. hanep no?
Florence June: akala ko kamuka ni Gollum! eh pre alam mo ba ung asawa ko nung buntis ang favorite movie nya ay The Three Musketeers, tuloy ung anak namin naging triplets. super hanep no?
Ivan Rommel: talaga pre? buti hindi nagmukang kabayo! feeling ko totoo yun kasi alam niyo ba mahilig manuod ang misis ko dati ng fantastic four, kaya naman ngayon quadruplets ang anak namin. super mega duper hanep talaga!
kablaAaag!!!!..
Ivan Rommel: Homer Paulo, Homer Paulo..gising gising.
Mark Ronar: oh pareng Homer Paulo, bakit naman ikaw nahimatay?
Homer Paulo: kasi mga pre, ung asawa ko buntis. gabi-gabing nanunuod ng 300!!
Angelo: Congratulations pareng Homer Paulo
what da??
Monday, March 29, 2010
Friday, March 19, 2010
ipis man
ibang iba ang ipis kumpara sa ibang mga insekto. pano kasi, ang ipis ang pinaka astigin at pinakalalaki sa lahat. sa pangalan pa nga lang eh. "cockroach", super masculine na. may pakpak, may antena, may malaki, may sobrang laki, at higit sa lahat, tinitilian daw ng kahit na sino (sabi sa text).
eh bakit nga ba ipis ang pinaguusapan natin dito?
dahil may nakita akong mukang ipis. oo, tama ang 'yong nabasa. MUKANG IPIS talaga.
ilang beses na akong nakakita ng ipis. natural. sa lahat ng lugar kahit sa malacanang eh may ipis.dito nga sa espanya, manila eh sandamakmak na ipis na ang gumigimik kapag gabi. kaya naman sa tuwing nakakakita ako ng ipis may napapansin ako. pansin kong maliit ang kanilang ulo at malaki naman ang kanilang katawan. hindi proportional ika nga. kung sa tao yan, ang panget tingnan. ang liit ng ulo pero ang katawan eh mala-batista at mala-the rock.
'yan nga ang nakita ko kanina. habang papunta kami sa felix court sa may central market, eh nadaanan namin ang isang gym. puros mga maskulados. ang lalaki ng mga katawan, matitipuno pero "what da", ang liit ng ulo. mapapamura ka talaga lalo na kung takot ka sa ipis!!!!! pakpak nalang ang kulang "cockroach" na.
kaya sa mga magpapalaki/magpapaganda ng katawan, iconsider nyo kung gano kalaki ang ulo n'yo. para sa huli, hindi kayo magmukang ipis. at sa mga babae naman, para hindi kayo magmukang hipon. haha.
Sunday, March 14, 2010
knick knacks daw!!!
ang nangyari (january 2010 pa 'to)...
dionglay: tienzo, tienzo.. knock knock!!
tienzo (seryoso): ha???
dionglay: sabi ko knock knock...
tienzo: ahhh... O sige KNICK KNACKS!!
what da!!!!
Saturday, March 13, 2010
lintik na pormula!
kaya naman kahapon. todo super mega duper aral ako para sa thermodynamics na siyang exam namin kanina.
sana magbunga ang 9pm-3am na pagsusunog!!!!!!
Monday, January 25, 2010
palagi nalang akong tambay :D
talamak na nga sa pinas ang computer shops, at parang kahit san ka magpunta ay mayroon kang makikitang computer shop. parang ngang nakakaengganyo ng magtayo ng shop sa dami na ng mga adik ngayon :D syempre ang mabenta naman sa mga ganyang klase ng business ay INTERNET, o kaya naman COMPUTER GAMES. lalo na yata ang DOTA, LEFT 4 DEAD, COUNTERSTRIKE, NBA etc sa panahon ngayon. nagulat nga ako kasi pati mga babae nagdodota na at nagleleft4dead pa.
sa mga probinsyano sigurong tulad ko at nagaaral sa malayong lugar, tinuturing na nilang pangalawang bahay ang computer shop lalo na kung mahilig talaga magcomputer. relaxing nga naman. may upuan na, nakakapagsurf ka pa sa net. diba? minsan ang iba't ibang mga computer shop ay may kanya kanya pang mga pakulo tulad ng pagbebenta rin ng mga pagkain, promos, dota tournament etc. so mapapa-feel at home ka talaga.
sa tagal ko ng tumatambay sa loob ng computer shop (hindi para maglaro ng dota, hindi para manuod sa youtube at hindi para magbukas ng di kaaya-ayang site [diretsyuhin na natin], pornsite) marami rami na rin akong napapansin. kahit na madalas akong tulog, pansin ko pa rin na masaya nga sa loob ng computer shop.
1. may mga nakita akong nakikipag chat. mahilig kasi ang mga pinoy na makipagchat. friendly kasi. minsan ang mga madadalas gumamit ng YM ay ang mga broken hearted o mga 35-50yrs old na naghahanap ng mapapangasawa. syempre, dito sila naghahanap ng mga bagong nabibiktima :D at talagang nakakatulong ang chat sa mga sawi sa pag-ibig. magugulat ka nalang na ang kabarkada mo na kagagaling lang sa break up ay nakaipon na ng mga girlfriend sa YM (puro virus nga lang), o kaya naman ang tita mo na wala pang asawa ay makikipag eyeball sa sm san lazaro sa may foodcourt o kung sosyal pa ang nakachat ay sa mall of asia sa may skating rink. hanep diba?
2. syempre hindi ko rin naiwasan ang may makitang nanunuod ng mga nakaw-matang videos o sa madaling sulat ay porn kasama ang kanyang mga ENGINEERING classmates habang nagsisigawan pa sila ng "OIIIIII ANO YAAAN!" kahit na alam naman nila kung ano. at sa katunayan mayroon din akong klasmeyt na itatago ko nalang sa pangalang "laptop" dahil nanalo siya ng laptop sa mehanical engineering week, ang mahilig din magbukas ng mga pornsite. pampagana niya ata 'yon bago maglaro ng dota :D
3. napansin ko rin ang mga bata (literal na bulilit) na nanunuod ng youtube, suot suot ang malaking headset at malakas na nagrarap. kasi sa halip na pambata ang kanilang pinapanuod eh mas type pa nilang magpakagangster. eto ung time na uso ang mga kanta ni gagong rapper at ang dagtang lason.
4. syempre hindi rin nawala ang mga adik sa facebook. harvest dito, harvest doon. comment dito, comment doon, tag dito, tag doon, ang mga emong shoutout (what's on your mind?), pataasan ng skor sa typing maniac, paramihan ng napatay sa mafia wars, at paramihan ng chips sa poker.
5. napansin ko rin ang bondpaper na nakalaminate at nakadikit sa poste na may nakalagay na "no bystanders allowed".
yan ang buhay sa loob ng computer shop. kahit na palagi akong tulog o tambay kapag kasama ang mga adik kong kaibigan, may napansin pa rin akong talagang nakakaloko...
6...lahat ng kasama ko nagsabing hindi na sila magdodota. pero sa tuwing naiistress sila sa pagmumuka ng mga prof namin, alam na! game it na! :D
Saturday, January 23, 2010
jan23.'10
BONDING MOMENTS WITH THE EPOR:
AT BIGLANG DUMATING SINA:
PAGKATAPOS NG MATINDING ADVANCED MATH KANINA, HINDI NAGDOTA ANG MGA DOTA BOYS. INSTEAD DUN KAMI NAGPUNTA SA LOVER'S LANE. KASAMA PA NAMIN SILA PATRICK R., ALEC AT SI BILLY JOEL. PERO UMALIS DIN SILA AFTER UM-EAT.
PAGKAALIS NILA, BIGLA NAMANG DUMATING 'TONG DALAWANG LALAKE NA HINDI PA NAMIN KILALA. SYEMPRE NAGPAKILALA SILA. SI KUYA JASPER DAW AT SI KUYA MATTHEW. TAGA DESTINY CHURCH SILA DAHIL NANINIWALA DAW SILA SA DESTINY AT GUSTO NILANG SABIHIN NA LAHAT TAYO AY MAY PURPOSE DITO. :D WHICH IS TRUE. AGREE AKO SA KANILA. (RELIGIOUS GROUP ATA SILA!) ANYWAY NAGSHARE NAMAN SILA ZOI, TIENZO AT ONI NG KANILANG PROBLEMS AT KAMI NAMAN NI PAUL D. AY HINDI NAGSHARE. LOL. PERO GOOD LISTENERS NAMAN KAMI.

(no matter how great and destructive your problem may seem now, remember, you've probably ONLY seen the tip of them)
SI TIENZO AY MAHILIG GUMULONG SA DAMUHAN HABANG TUMATAWA NG MALAKAS. WALA LANG SINABI KO LANG.
ano kayang purpose ko talaga sa mundo? hmm kakaintriga. ikaw anong purpose mo??? :D
tapos na ang prelim week pero hindi pa rin tapos ang examinations :D ganyan sa engineering. da best.
Thursday, January 21, 2010
Tuesday, January 19, 2010
Christmas Break meant for Heartbreak
BABALA: MAY EPAL!
HAAY, ANG M.E. BOYS NAGSISIMULA NG MA-IN-LAB. (BUTI PA SILA). AKO HANGGANG PANAGINIP NALANG. NAKAKATAWA MAN PERO NAKAKALUNGKOT DIN (BALIW!) KABALIWAN MAN KUNG ISIPIN PERO MATINO PA NAMAN (PROMISE, BALIW NGA!)
ChE!!! HINDI AKO BALIW! ESTE! ME!!! HINDI AKO BALIW!
(BAKIT ME?) EH MECHANICAL ENGINEERING STUDENT AKO EH! BE PROUD. (SABAGAY! ANO BANG KWENTO MO TALAGA?) DIBA? DAPAT CHRISTMAS BREAK SHOULD BE DESTINED FOR HAPPINESS? (OO, TEKA TAMA BA GRAMMAR MO?) EH BAKIT, GANON ANG NANGYARI? (DUH? DI KITA MAINTINDIHAN) OKAY TUMAHIMIK KA...ETO NANGYARI...
wait makikinig kami!!!
ako din!!!
robot: ako si wall e, hindi pa nadedevelop masyado. kwento kana!!
okay sige!! eto na!!
BZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ....
MISSSSSHHHHH MISSSHHHH MASSSSHHHH MISSHHHHHHH.....
LALALALALALALALLALALALALALALA!!
AUN. (EH SINO BA MAY KASALANAN?) ABA! AKO WALA AKONG GINAGAWA!. MAYBE WE CAN NEVER BE LOVERS, ONLY FRIENDS. GANUN DAW TALAGA ANG BUHAY SABI NG MGA NAKAKATANDA! (OKAY MATULOG KA NA! MAY EXAM PA!!!!!)
EPAL KA TALAGA! GUSTO KO PA MAGBLOG EH!!!
(MATULOG KA NA!!RAWR)
OO NA! OO NA! GOODNYT. TEKA ALAM MO BA KUNG ANONG SAGOT SA STRENGTH OF MATERIALS PLUS ELECTRICAL ENGINEERING?
(MATULOG KA NA SABI..........)
zZZZzzzzZZZzzzzzzzzZZZZZ
(parang i'm changing for the worst. mali mali mali mali!!! hindi na nila ako nakikilala. i have to integrate myself back to normal :D)
Sunday, January 17, 2010
sana ay mahalin mo rin ako

kapag nakita ka, ako'y nahihiya. kapag kausap ka, ako'y namumula. sabi ng puso ko, ako'y in-lab sayo. sana ay mahalin mo rin ako.kapag kasama ka, wala ng pangamba. nais kong sabihin minamahal kita. di sinasadya, biglang nasabi mo sana ay mahalin mo rin ako. kay sarap pala ng ibigin mo, para bang ulap ang nilalakaran ko. simoy ng hangin na dumadampi sa buhok mo nagsasabing mahal mo rin ako.

o bakit ba? tayo'y nagkatagpo?????
wala na sanang wakas ang pag-ibig nating ito.

marami ng hadlang ang dumating sa isipan mo.

--------------------------------------------------------------
sana ay mahalin mo pa rin ako...
klik nyo to =kanta ni april boy= para maramdaman nyo naman ang blogpost na'to hihi :D
starlight tears
hello sipon, hello baradong ilong T_T
-------------------------------------
From the first time we met, I knew we would be friends
You had a different air than others that I knew
I am also alone in this world I’ve come to know
Finally, I’ve met someone like you
I know that I might’ve been a bit cold at times
But that was just the way I dealt with all my fears
You took the first step to show I don’t have to be alone
And now I, I know I love you
I will be waiting for you
Don’t care how long it may take
I will always be right here
When you need to laugh or cry
You let me know
When you are ready to love
And I will rush to your side
To sweep you into my arms
Maybe one day you’ll know the love that I’ve kept inside
I know love comes with pain; it’s so hard to erase
All that I’m asking is for you to let me stay here
Don’t be scared; you can lean on me
I know I’ve found the one when I look into your eyes
I will wait by your side till you can give me your heart
---------------------------------------
TITLE: Starlight tears by Kim Yoo Kyung (BOF OST english version)
Thursday, January 14, 2010
life, change and everything...
...life is a matter of choice
marami nga sa atin ang nagsasabi na ang buhay natin ay worth living, pero mayroon ding iba na nagsasabi ng kabaligtaran. pero kahit na ano namang mangyari eh ikaw at ikaw pa rin ang magdedecide ng buhay mo.
i just realized that decision making is really important. wag padalos-dalos. sa huli, pede ka kasing masaktan at pede ka ring makasakit. dapat talagang pagisipan at iconsider ang mga pwedeng mangyari.
...change is a matter of choice
siguro nga dapat na akong magbago. pede naman kasi ako magbago kung gusto ko eh kasi nga it is a matter of choice. kahit kayo, tayong lahat pede tayong magbago at kailanman hinding-hindi mahuhuli ang lahat para sa pagbabago. (vote for gibo! joke haha)
...actually everything is a matter of choice
what you feel, what you have, what you are right now..... it is really a matter of choice.
Friday, January 1, 2010
twenty-ten na!
HAPPY NEW YEAR
sana mas marami tayong makilala ngayong taon kaysa noong 2009! yey.
KABOOOOM!
EVE- Extraterrestrial Vegetation Evaluator. A probe sent to earth to search for plant life.
MO - Microbe Obliterator. Robot for cleaning purposes.
WALL-A - Waste Allocation Load Lifter- Axiom Class. Huge robots on the Axiom for waste disposal.
BURN-E - Basic Utility Repair Nano Engineer
D-FIB- Defib bot.
SUPPLY-R - Supplier.
BRL-A - Umbrella. Shade Robot.
Go-4 - Gopher. Security robot.
HAN-S - Hands (Maybe). Massage bot.
NAN-E - Nanny. Babysitter.
L-T - Light. Bot for lighting purposes.
PR-T - Pretty. Bot for make-up purposes.
REM-E - Remy (Ratatouille). A mouse.
TYP-E - Type or Typy. Typing bot.
VAQ-M - Vaquum. Vaquum bot.
VN-GO - Van Gogh. Painting bot.
abangan ulit ang wall-e sa Disney Channel! haha.
i love disney-pixar! love not like! :D