Friday, July 4, 2008

Simulan na Natin!

Gabi na, heto't gising pa din ako. O sige, ako nga pala si Angelo at Dionglay ang surname ko, ganda no?. 17 years old na ako at nagaaral sa unibersidad ng santo tomas. Engineering ang kinukuha ko.

Masaya ba kayo sa buhay niyo? Aba dapat lang, baka mabatukan ko kayo kapag "HINDI" ang sagot niyo eh. Pero siyempre, di ba, masaya rin kung makakadama tayo ng lungkot. Haaaay. Tanda ko, araw ng huwebes noon, june 26, 2008, napakaganda ng gising ko. Alam nyo ba kung bakit? Eh kasi naman magkikita kami ng BUKOPIE ko. Si bukopie si Jem. Siya ang aking pinakamamahal. Sa katunayan, isang taon at mahigit na ako sa kanyang naghihintay para aking ligawan. OK balik na ulit tayo, hmmm, magkikita kami noong araw na yon para tumingin ng pwedeng iregalo kay Pearl, kaibigan namin. Ididiwang na kasi nya ang ika-18 na kaarawan niya. Saktong 1pm ko na siya nameet. Kasi naman parehas kaming walang load. Si Bukopie ay nagaabang lamang kung saan man dako na nakapalibot sa UST. Pero alam niyo ba na sobrang bait talaga ni God kasi dumaan si Mark Obico, dating schoolmate, at sa kanya siya nakitext. Nung una, umuwi muna ako kasi akala ko hindi na matutuloy ang lakad namin. Ngunit saktong pagdating sa bahay, sa Craig St. nagtanggap ko ang text nya na ang sabi ay "nandito na ako sa UST puntahan mo na ako.". waaaaahhh,sa isip isip ko nlang, ako'y napasigaw. "Anu ba yan", ang mga katagang lumabas sa aking bibig. "Bakit ngayon ko pa natanggap dapat kanina pa". Haaay. siyempre nakakahiya naman kung babae pa ang maghihintay sayo dba?. kaya kumaripas ako ng pagaayos sa sarili. nagpalit ng damit sabay sibat. "Takte, mukang trapik ah". nabanggit ko habang naglalakad. buti nlng ay may jeep akong nasakyan agad. habang umaandar ang jeep na medyo mabagal pa nga dahil sa trapik,nakatanggap na naman ako ng text message mula sa kanya."puntahan mo na ako dito. kanina pa ako naghihintay nandito ako sa may overpass". anu ba yan, kung pede ko lang sabihin sa driver na bilisan ang takbo at ako ay may katagpo...nagawa ko na siguro. pero hindi pede eh, ako ang mapapahamak. Siguro, after 15 minutes, nakadating na ako sa wakas sa UST at doon tanaw ko na ang pinakamagandang babae para sa akin sa balat ng lupa. Unang tanaw ko pa lang sa kanya, sumaya na agad ang aura ko. tipong nagsuper sayan na hindi naman tlga. basta un na un. ala una na nun...diretso agad kami sa sm san lazaro, ngunit walang nakitang pangregalo. kumain lang si bukopie sa kfc, habang ako ay nanunuod at nakatingin sa mga magaganda nyang mata. pagkatapos sa sm san lazaro, pumunta na kami sa sm north kung saan malapit ang unibersidad ng pilipinas. doon kasi siya nagaaral. doon kami naghanap ng pedeng iregalo sa national bookstore. nagpaikot ikot kami doon. at as usual, wala na naman kaming nakita. dahil doon,naisipan na namin umuwi. habang naglalakad, napatingin ako sa kanyang lanyard na galing sa UP at tinanong ko siya,"panu kea kung magsuot ka sa inyo ng lanyard ng ust? hmm". sagot niya, "cge b, basta magsusuot ka din ng lanyard ng UP sa loob ng UST.". xempre pumayag ako. cnu ba naman ang hindi papayag na makipagpalit sau ang mahal mo.

Anu ba yan ang bilis ng oras. heto at sasakay ka na naman pauwi sa bahay nyo at hindi ko na naman nasabi ang mga katagang "i love you.". habang pauwi, hindi ko akalain na imimiscol ako ni bukopie.naisip ko nlng na siguro cnasabihan nya ako ng "ingat ka sa paguwi.".sabay ngiti ng puso ko.

Asan nga ba ang malungkot na parte don? siyempre wala,.heto na. kinabukasan, naisipan kong maglod. naalala ko kasi ung sinabi ng kabord ko na naging ex nya si bukopie. so ako naman, si tanga, tinanong ko kay bukopie. ang nangyari tuloy. nagalit siya. tlgang parang lion na roar ng roar. ang dami nyang binitawan na mura, grabeng babae. sa huli nagalit din sya sa akin. at eto ang naalala ko:

June 27, 2008..hapon around 5pm. tinatanong ko kung bakit siya nagagalit..ang sagot niya...."Alam mo namang hindi tinanong mo pa."....

aw, tinamaan ata ang puso ko dun. pero wala tlga akong alam kung naging sila nga dati. cmula noon hanggang ngaun (JULY 4, 2008), hindi pa rin siya nagtetext sa akin. at mukang nakalimutan na ata ako. hindi ko alam kung mabigat ba ung nagawa kong kasalanan o hindi e. basta ang nakatatak sa isip ko ngaun....."kung kaya nya akong iwasan, ako hindi ko kaya...pero kung iyon ang gusto niya, baka makaya ko rin T_T"...nakakalungkot man, ang dami ko ng email na pinadala ngunit walang reply. nakakapagod din pala.....talaga......

kung nasubukan nyo na ang magmahal ng totoo. alam niyo kung anu man ang nararamdaman ko.

mababaw ba o hindi ang dahilan kung bakit siya nagalit?????? basta ang sa akin, mahal ko siya. i will never stop loving her....kahit na alam kong limitado ang buhay natin.......

No comments: