Tuesday, July 8, 2008

Makakalimutan ba Kita Kung Lagi Kang Nasa Isip Ko??

july 8, 2008

Siya nga pala si bukopie...hmmm...wala lang.. bakit ko nga ba siya nilagay dito.. NAMIMISS KO NA KASI SIYA EH... kasi naman.. bakit pa siya nagalit sa akin..

tungkol sa kaniya ung kwento ko sa chapter 1..dba?? hmm.. lam mo ba, magkachat kami kanikanina lang.. sabi ko sa kanya na sana bati na kami...kahit na hindi na sya magtext basta peace kami...ok lang sa akin..... isang letra lang nireply niya, pero kahit isa lang iyon...MEANINGFUL yon... "k"..yan lang ang nireply niya.. maaring mawalan na nga kami ng komunikasyon dahil jan.. nalulungkot tlga ako...pasensya na ha, ito lang ang magagawa ko ngaung gabi, aukong umiyak...sa katunayan hindi ako umiyak buong HS..isang beses akong umiyak ngaung college..tas baka paiyakin pa ako ni bukopie.......T_T

dahil sa nireply niyang "k"..cguro peace na nga kami..pero sa totoo lang sana naman bumalik sa dati....kahit hindi na nya ako tawaging bukopie..ok lang sa akin.. basta maibalik lang ung friendship.....haaaay..bakit naman ganito ang nangyayari sa akin ngaun!?.....

Ang ganda nya no!? swerte naman nun taong iniisip nya.. kumusta na kea si bukopie ngaun.....alam nyo ba kung anung stat message ko ngaun?? eto oh.."wala na bang special bukopie ngaun??.....wala kasi akong makita..T_T" nagPM siya sa akin...sabi nya "wala na".....tatawagin nlng kitang JEM ulit. pero hinding hindi ko makakalimutan ang tawagan nating "BUKOPIE"...

anu anu na bang mga nangyari sa atin??? mga masasayang oras na magkasama tayo.......natatandaan mo pa ba ung nagcmba tayo ng dalawang beses?? kasi naman walang mapasyalan sa atin sa laguna e. hehe....tas diba nung gabi nun, bumili tayo ng tigisang box ng choco mucho...favorite kasi natin un dalwa.... eh un kayang tinawagan kita sa cel tapos sabi ko..."bukopie"...un pala si lourd ung kausap ko. hehe...nahihiya ka daw kasi nun sabi nya sa akin....

ahh, ayan naman ung gitara ko na hiniram mo..ewan ko lang kung kelan mo kinuha yang picture mo...pero naaalala ko pa ung araw na pinahiram ko sau yan...
kasama mo pa nun ung kaibigan mong si candice na napakagaling magenglish......nagpadevelop kau ng picture tapos pinasunod mo nlng ako dun..dala dala ko na ung gitara ko nun..at ang pinakamagandang parte don..binigyan mo ako ng picture...nasa wallet ko pa nga un e hanggang ngaun....hehehe...tas dba, nagpunta din ako sa bahay nyo nun....dun pa nga ako pinakakain ng tanghalian eh...hehe.. pero hindi na ako sa inyo kumain nun, umuwi na rin ako nun...tas ikaw na ang nagsauli ng gitara ko sa bahay namin....nagtext nga si mama nun e, ang ganda mo daw. hehehe....

alam mo ba kung anung meron sa sept 17,2007???...wala lang. hehe. siguro hindi mo na tanda no?? pero un ung araw na pumyag ka na tlgang manligaw ako sayo nun.....monday yan kung hindi ako nagkakamali.. at nasa araneta ako nyan nanunuod ng UST vs FEU....xempre masaya ako nun kasi pumayag ka na e, dba??

anu pa ba, ay eto pa....ang kaunaunahan sa lahat...ung mahal na araw.. niyaya mo ako pumunta ng sinipian non..kasama si karla, at symond...tumawag ka pa sa bahay namin nun.. heheheh....tas pumayag ako..naglakad tayo ng malayo..pero ok lang kasma naman kita nun e....

napakadami pang nangyari satin....maraming dumating sa buhay mo, may dumating din sa buhay ko.......sobrang tagal tlga ng 2011, tlgang marami pang mangyayari...isa na tong nagalit ka sa akin.... kahit na sinabi kong hihintayin kita ng 2011...mukang malabo na un sa ngaun dahil sa mga nangyayari... haaay..

ngaun nasa up diliman ka na.. mas lumapit ka na sa akin...may mga masayang moments din tayo dito sa manila......sa UST kita pinasyal nung una mong dating dito......tumambay tayo sa lover's lane, nagkakwentuhan......sumunod ay sa sm san lazaro at sa sm north....kahit na maraming mapapasyalan dito, hindi ko pa rin akalain na sa kinabukasan ay magagalit ka sa akin.....

dati malayo ka kasi nasa up los banos ka.....bakit ganun, kung kelan mas lumapit ka sa akin, saka ka nagalit??

sana hindi ko na naitanung ung "NAKAMAMATAY" na tanung na iyon...ang tanung na sumira/pumatay sa samahan natin......nagSOSORRY tlga ako sayo.......

sana ung "k" na nireply niya sa akin ay nangangahulugan tlga ng aming pagkakaayos......sana mawala na ang pagkainis nya sa akin.... kasi minsan pag naiisip ko un, hindi ako makatulog......

ang tagal ko ng naghihintay sayo..pero hindi ako nagsisisi dun.....kahit na ganito ang nangyari, alam kong maayos to..at magbabalik din ung dati........



****july 9, 08
12:12am

No comments: