Sunday, July 6, 2008

Sa Bahay Ni Rhenz

kahapon, july 5.2008 ay napapgkasunduan namin na matulog sa bahay nila Rhenz.. kea naman kagabi ay hindi na ako nakapgonline.

sinabi ko kay rhenz na 8pm na lang ako pupunta sa kanila pero nakaalis ako ng boarding house ng 8:30pm. bago ako pumunta sa bahay ni rhenz,dumating ang dating border ni ate amy na si joy....ayaw nila akong paalisin dahil magpapainom daw siya. kea lang,la na akong magagawa. nakakontrata na ako kay captain ball e (charing!). umalis ako ng bahay na pera lang ang dala ko. hindi na ako nagdala ng mga damit kasi naman isang gabi lang naman ako dun.

naabutan ko si rhenz na naglalaro sa DC link (computer shop), parang binagyo ang muka, inabutan ng matinding unos, binagsakan ng dumi ng mundo sa sobrang badtrip siguro. tinanung ko siya kung bakit...sabi nya..."Shett pare talo na naman kami sa........(hindi ko maintindihan sinasabi nya e kasi naman hindi ako mahilig sa online games.) sabi ko, "aus lang yan..o kumusta naman ung laban ng UST at UE?"....hindi rin daw niya alam,kea nagGM xa sa ym kung cnu nga ang nanalo......unfortunately (sabay pahed sa ilong na dumudugo), talo daw ang UST. tsk tsk.malas tlga. ang panget na ng laro ng mga varsity ng UST.

naging word of the night ni Rhenz ang salitang "TALO"....talo sa online game at talo pa ang manok nya sa uaap (UST). haaay nako malas ang gabi dahil puro talo ang nangyayari..

konti nlng ang natitira nyang time sa paggamit ng computer kea naisipan na namin na maglogout na at pumunta ng mini stop. nagbalik na naman ang dati....ang bonding tym namin sa ministop habang kumakain ng cup noodles lapaz batchoy sa kanya at bulalo naman sa akin. dun plng nagkwekwentuhan na kami. GUSTO DAW NYA MAGKAROON NA NG LOVE LIFE. ang sagot ko lang "e di manligaw ka na sa klasrum"........

ay teka komercial muna.....habang pumipili kami ng bibilihin sa mini stop, may pumitik sa tenga ko, pagtingin ko, si Lucille pala, naging klasmeyt at schoolmate ko nung highschool sa St Mary's Academy of Nagcarlan, Laguna. wala lang, nabanggit ko lang kasi nanaba siya e.hehe.

ok balik na ulit. pagkatapos namin lumamon ng cup noodles at lag-okin ang isang bote ng C2, sumibat na din kami at tumuloy na sa bahay ni Rhenz. sabi ni rhenz may gitara daw..pero hinahanap ko, wala ako makita. un pala kinuha na nung may ari. tsk tsk tsk. sayang naman. rak en rol na sana.....wala na kaming ibang magagawa kundi ang magkwentuhan tungkol sa kung ano ano. buti nlng may kumatok sa pinto at may ibinigay.......isang JUMANJI...este CHESS BOARD pla. aus to, may malalaro na din sa wakas.... nagkahamunan, nagkatitigan, nagliliyab ang mga mata, uhaw sa pagkapanalo....nakailang laro rin kaming dalwa ni Rhenz..cguro lima un.kasi dlwang beses akong nanalo at 3 beses siyang sumuko...hahaaaay, anu ba yan Rhenz TALO ka na naman...ok lang yan....hehe.. 5-0. tsk tsk tsk. bawi ka nlng next time....dahil sa ang swerte ni Rhenz ay unti unti ng lumalayas sa kanyang pagkatao, naisipan na namin tumigil sa paglalaro at ipinagpatuloy nlng ang aming napakagandang kwentuhan tungkol sa LOVELIFE. gusto na daw niya kasing magkabf eh este gf pala. (kung gusto nyong malaman ang detalye ng aming pinagkwentuhan ipm nyo lang ako. eto ym ko angelo_thomasian100@yahoo.com, bawal ipaglantaran e. hehe)....napagkwentuhan din namin si flow. kasi naman lagi nyang cnasabi ang mga katagang "Shut up"..."eto panget pa din"....haayy, dapat confident xa. kea hindi xa nagkakaboyfriend eh.........

dionglay: flow panu kung sabihin ko saung ang ganda mo????
(ineexpect kong sabihin nya ang thank you)

flow (walang kabahabahalang sinabing): shut up dionglay

hahahaha..anu ba yan...

..ganyan ang pagkakakwento ko kay Rhenz tungkol kay flow.....

ang bilis ng oras..alas dos na pla......sabay pinatay ni Rhenz ang ilaw...OMG, sobrang dilim tlga wala akong makita.....T_T

dionglay (nagiiyak-iyakan): rhenz, buksan mo na ang ilaw...cge ka hindi kita patutulugin.....hala rhenz may dumaan sa harap ng pinto.......waaaahh... cge na buksan mo na ang ilaw

rhenz: HAHA, anu ka ba dionglay, bahala ka

dionglay (may naisip ng trip): BLOOOOOODY MARY.....BLOOOOOOODY MARY.....BLOOOOOOOOOOOODY MARY........HAHAHAHA.. cge na buksan mo na ang ilaw...

haha...hindi rin napigilan ni rhenz ang nadaramang takot..at binuhay nya rin ang ilaw, haha. anu ba yan...un lang pala ang dapat gawin...tsk tsk.

tiningnan ko ang aking relo, hindi na namin namalayan na 3am na pla....at hindi na rin namin napigilan ang aming pagod at ang antok......at kami ay nakatulog na ng mahimbing......zZzZzZzZzZzZzzzzz...

No comments: