Saturday, July 5, 2008

Unti-unti ng Sumasaya

Maaga akong bumangon kanina. 6am, ngunit grabe pa rin ang nararamdaman kong pagkaantok. panu ba naman, anung oras na naman akong nakatulog kagabi. naiisip ko pa din si bukopie.. magtetext na kaya siya ngayon? hmm. sana.. ngunit pagkatapos maligo, hindi ko na iyon inisip dahil kelangan ko ng mamuhay ulit ng masaya kasi naninibago na din sa akin ang mga klasmeyt ko e.

"Kelangan masaya". Iyan lang ang nasa isip ko habang nakasakay sa jeep. Una kong nakitang kakilala at klasmeyt na din ay si Flow. sinabayan ko siya ng paglakad..pero tingin ko hindi niya ako nakilala..sabay tingin niya sa akin..tipong nagulat siya ha. anung ibig sabihin nun?? hmp. Sabay kaming pumasok ng Engineering bldg. Ooops, nagulat ako dun, wala siyang ID ngunit nakapasok siya. tinanong ko siya kung nasan na ang id nya. un pala matagal ng nawawala. si flow talaga.hehe. takte nakalimutan ko may quiz nga pla sa filipino, nako kelangan ng manghiram ng libro.sinu keang meron? hmmm...haay bahala na nga. hehe. alam ko na naman ang mga katangian ng wika eh.

Analytical Geom ang unang subject namin kanina. hindi pa siya ganun kahirap kasi simula pa lang naman ng first sem eh. masayang magturo si sir butch carbonell,"d best" ika nga...halo halo ang cinasabi nya pero kahit ganun, sigurado akong maiintindihan mo ang lecture nya. lumipas agad ang dalwang oras ng pagaaral ng math.

Literature naman ang sumunod..haaaaaay. masaya ang literature..kea lang minsan, nakakantok din tlga. nakoooo lalo pa kaninang nakakaramdam pa ako ng matinding antok. buti nlng kuwentuhan kami kanina..tungkol sa ballad.

Filipino na ang sumunod, quiz takte. kala ko mahirap. un pala pipili lang kami ng limang katangian ng wika at bigyan ng paliwanag..wow, ang saya saya, madali lang pala. whew...sabay hinga ng malalim. sa kabutihang palad, hehe, natapos ko naman.

Physics...patay bigatin, "waaaaaah, nawawala ang aking notes. patingin naman sa mga upuan niyo. baka nasingit lang diyan.physics notes un, matindi yon.".sus nasa bag ko lang pala. haha. hindi kasi ako naghanap agad e. ok lang un. tumawa naman sila. hehe. examples lang ang binigay ni maam roque pero ayos na din.naintindihan ko naman. hehe.

sa wakas tapos na ulit ang limang oras ng pagaaral. kainan na.

kasama ko lagi kumain ang mga kaibigan ko. ang mga miyembro ng potato prospect. malapit ako ngaun kay ayban. masaya kasi siyang kasama. natutuwa ako sa kaniya.siya ang tipo na talgang pag nakaisip ng joke, matatawa ka.ewan ko lang, un ang pansin ko e. hehe.

ayban: sana'y malaman mo.....(el cuerpo fanatic)

siguro ay hindi nyo alam kung bakit ako natatawa.pero nakakatawa talaga e. kung kasama nyo lang kami, matatawa din kayo. promise. ^_^

wahahahaha.

ang sarap tumawa. ang sarap maging masaya. lalo na at kasama mo pa ang mga kaibigan mo. Alec, Rhenz, Mark, Bea, at si Ayban. sabay sabay kaming kumain sa "orange" (yan ang bansag namin e.) nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa amin kahapon. kasi naman magkaiba kami ng pinuntahan. si rhenz at ayban kasama pa ng iba naming mga klasmeyt ay nagpunta ng trinoma. at kami naman nila mark, bea at alec ay sa Greenhills naman. kitang kita sa mga mukha nila ayban ang haplos ng saya habang nagkwekwento. hehehehe....dami daw nilang ginawa, ganito ganoon ganire......nuod ng sine etc. wow ang saya nga no.....tapos na kaming kumain pero nagkkwentuhan pa din kami ng kung anu anu..hanggang sa maisipan ng umuwi. humiwalay sa amin si bea. magdodota ata. dota master un e. at kami namang natitira ay nagpunta sa computer shop para magtransfer lang ng file. hindi ko alam ang pangalan ng comp shop na un pero tatak na un sa isipan ko...hahahahaha.... pagpasok palang ang ganda na.....uuuuyy, puro babae naman ang gumagamit ng computer.....merong isang lalaki, kea lang matanda na. kea lang sa kasamaang palad, hahaha, sa d inaasahang pangyayari...pagbukas ni mark ng internet explorer...waaaaaaahh, ANU YAN??? REDTUBE.COM......OMG. puro babae ang nasa comp shop na un. anu ba yan...sabay kinabahan na ako. buti nlng walang nakakita. kundi patay. hahahahahaha. d namin mapigilan ang tawa..hindi kasi namin alam ehh. cnubukan namin paltan ang homepage ngunit ayaw mapaltan....tsk tsk. asteeeeg na comp shop. hahaha.........

ang bilis na naman ng oras. natapos na ang pagcocomp namin. oras na para umuwi. hehe...masaya tlga ang araw na ito. July 5, 2008. magkasabay umuwi si mark at si rhenz.parehas lang naman kasi sila ng dinadaanan e. si alec humiwalay. sa loob siya ng UST dumaan. daming nakadilaw, opening kasi ng uaap ngaun. ust vs ue ata. si ayban naman ang kasabay ko.

heto na ako ngaun sa bahay.....punta agad sa kwarto at binuksan ang laptop ko.....haaaay, ang saya.

sana lagi lagi ng ganito.

phrase of the day: sana'y malaman mo.......hahahaha

No comments: