Tuesday, July 8, 2008

Patatas Moment

grabe ang aking pagkapuyat. pano naman kasi, around 12:30am na akong nakatulog...haaaah, dahil sa pisika kaya ganun..hirap maganalyze takte... nagising ako kanina ng saktong 6am...buti nlng wala ng gumagamit ng C.R.. kea dirediretso na ako sa paghahanda ng sarili para sa mga susunod na oras...

anu bang araw ngaun? at anung nga bang meron? araw ng martes ngayon at may magaganap na PITASAN mamaya lamang sa di nalalamang oras...sa lover's lane. magkakasama na muli ang mga potato prospect ng buo...

maaga akong nakaalis ng boarding house... .. para magawa ko sa room ang hindi ko pa natatapos na assignment sa physics. isa nlng ang kulang ko don e.

masaya na naman ang lecture namin sa calculus kahit na inaantok pa din ako ng konti..dahil nga sa late ng nakatulog...galing tlga ni sir carbonell e.. sabi nga niya...wag daw namin sayangin ang oras kakalaro ng online games....dahil marami pa daw marami sa internet na pedeng pagkuhanan ng aral... kung magreresearch lang daw.. sang ayon naman ako dun..

hindi dumating si ma'am mae..ang prof namin sa literature. buti nalang at nagkaroon kami ng vacant period...inilaan namin ang oras na yon para makapagbonding sa isa't isa....

maraming nangyari sa loob ng isang oras na iyon.. lumabas ako ng klasrum para masinagan naman ng kagandahan ng araw... paglabas ko nakita ko sila eunice at bea na naguusap...wari'y may problema...hindi naman ako nagkamali sa aking hula...may problema nga. si eunice ay may problema.... kahapon, july 7 ng taong 2008, ay hindi nakasama si eunice sa aming pagaaral sana sa pisika...sa kadahilanang nawawala ang kanyang atm at ang kanyang susi....binalikan daw niya ang atm card niya sa quezon ave at nakita naman niya to.....bumalik siya ng dorm at nakita ang susi..ngunit nang icheck niya ang kanyang pera..nawawala na ito.... sino ang salarin??? anu ang motibo sa pagnanakaw? may klepto nga ba o wala sa dorm nila? (tumwag o magtext sa aming himpilan) sana makonsenya na un... "Help her God".........matagal tagal rin na nagkwento si eunice tungkol sa madramang nangyari sa kanyang kahapon...(mga nakinig kay eunice: ako, bea, ivan, leo)..

natapos ang isang oras ng pagpapahinga..at nagsimula na ang filipino class namin...oninyit, napitas dito si raz. haha.....pero wag na nating pagusapan iyon. hehehe...daldal ni raz e...naging masaya ang talakayan sa filipino kahit na medyo nakakaantok ito...

physics na ang sumunod sa filipino. last subject na to....konting oras nlng, magsisimula na ang pitasan...matutuloy kea?? sa katunayan nung magsisimula plang ang klase, ayaw ni rhenz matuloy ang pitasan dahil NEED daw nya na magvend...anu un?? haha.. d ko alam un e.

12nn na...tapos na rin sa wakas ang klase.. malapit ng mangyari ang main event ng kwento ko......inaasahan namin na maging kumpleto sana kami ulit ngaung araw na to...tinanung namin si recee kung sasama ba siya... susunod nlng daw siya...dun sya tumambay sa kaniyang kotse...bigatin..haha... si avis hindi makakapunta kasi may sakit...naiintindihan namin un......

kumain kami sa "mashpo"..(bansag namin sa isang kainan sa p noval, isang kainan na madalas may makikitang kang nagpPDA)..magkakasama kaming lahat ng patatas maliban kila recee eunice at avis...susunod din nlng daw si eunice....kasama rin namin ang naligaw na si leo... hehehe... iba ang sayang nadarama ko...dahil sa sila'y kasama ko....

pagkatapos ng aming pagsasalo salo, pumunta na kaming mga patatas sa aming tagpuan...kung saan doon kami magoopen forum...magpipitasan.. naghanap kami (ako, rhenz, ivan, mark, alek, homer, jaki) ng magandang pwesto kung saan doon kami maguusap usap.......habang si bea naman ay sinundo si eunice...

inip na inip na nun si rhenz...gusto na nyang umalis.. kasi nga dahil dun sa sinabi nya kanina sa akin...kaya naman nag takda siya ng 5minuto... kapag hindi pa sila dumating, aalis na daw siya..hindi na matutuloy ang pitasan..ang bonding moments.. 2 minutes nlng ang natitira ng dumating si recee ng nagiisa.. si bea at si eunice nlng ang kulang.....konting minuto nlng ang natitira...(matutuloy pa kea??? hmmm..sana naman).....isang minuto nlng ang natitira, segundo nlng....mukang d na sila dadating... pero may isang salita si bea..pag sinabi nyang tuloy..matutuloy un...thank God...sa loob ng isang minutong natitira...nakadating din sila.......

pinagdesisiyunan kung san ppwesto....at napgkasunduan ng lahat na dito...

ayan....yan ang lugar kung saan naganap ang hindi pa nalalaman kung masaya o malungkot na bonding moment naming mga potato prospect...

nung una..walang gustong mauna na magsalita o magshare ng gusto nilang sabihin....buti nlng nandiyan si jaki..at siya ang nagsimula ng lahat.... may kinwento siya sa amin tungkol sa "close" at "open"....ang pattreasure at ang paglelet go....tungkol yan sa kaibigan niya.... ang dating ng kwentong niyan sa akin ay parang isang intro...parang may gustong malamn si jaki sa amin na hindi pa nya alam......at tama nga.. sa huli ng kwento may sinabi siya.. kung meron daw siyang hindi alam tungkol sa mga nangyayari ay ishare na namin sa kaniya....pero kung ayaw tlgang sabihin, ok lang...baka matindi ang reason kaya ayaw sabihin..si bea ang sumunod....una hindi pa siya makapagsalita. dahil nangangamba siya na bka may mangyari pag katpos ng forum na un...tulad ng pagiwas....etc.. pero isang pangalan lang ang nasabi ni bea...un ay ang "recee"...

sa kalagitnaan ng paguusap....nagshare si rhenz, nagshare din si homer...
si rhenz muna...nagtatampo si rhenzkay ivan dahil sa siya daw ay nagbago... naging mayabang...si homer naman ay nagtatampo din sa akin...dahil parang lagi akong nangaasar tungkol sa kanya at dun sa isa pa...nagsorry naman kami.. buti nlng at sinabi nila un..para naman malaman namin ng maaga at mabago namin ang aming ugali......

hindi pa diyan natapos ang aming paguusap...hmmmm may napansin lang ako kay bea....ang tahitahimik niya...bakit kaya?? sana ok lang siya.........nagshare din si ivan sa kaniyang nararamdaman...namimis na nga niya si recee..parang nagbago din siya at hindi na ginagawa ang mga trip
na dati nyang ginagawa sa amin...tulad ng paghawak ng damit mo.... etc.. ngaung alam na ni recee na maraming nakakamiss sa kaniya..baka magbalik na rin sya sa dati...

si eunice ay nagshare din....parang may tampo rin kay rhenz...dahil sa sinabi kay ivan. pero hindi ganun katagal ang pagsasalita ni eunice dahil naiintindihan naman ni rhenz un...nagshare din si eunice tungkol sa knyang nwalang gamit.....
nagshare din naman ako tungkol naman kay homer....naiinis lang ako sa kaniya KAPAG nagdedebate kami...un lang.. hehe...pero hindi big deal un sa akin...un lang ung sinabi ko kasi wala naman akong masabing problema..kundi un lang. masaya nang kasama ngaun si homer....un lng tlgang pagdedebate namin minsan ang aking kinaaayawan.

si alec at mark naman ay hindi ata nakapgshare kasi busy sila sa pagppsp..hehehe...pero ok lang un..baka wala lang tlga silang makitang problema ngaun sa amin.....


syempre hindi naman laging malungkot ang topic namin...gusto ko kasi may saya rin..kaya hindi ko mapigilan ang magpatawa..buti nlng at natatawa sila.. mgandang tingnan kapag ganito ang samahan...sana wala ng tampuhan..iwasan.....inisan... atbp...

natapos ang aming pitasan bago mag 4pm.....sana naging masaya kaming lahat
sa nangyaring open forum sa aming mga potato prospect.....

palitan nlng natin ang salitang "PITAS"..at paltan ng "PATATAS"...para naman magandang pakinggan ang title ng chapter na ito.. "PATATAS MOMENT"


No comments: